Chapter 13

2.6K 89 5
                                    

"Nasaan si RJ? Hindi ba dapat ay magkasama kayo.?". tanong niya nang makalabas ng garahe ang kotseng sinasakyan ng magkapatid.
" Bakit si Avery ang kasama mong pauwi.?"

"Hindi sinasadyang nagkita kami ni Avery kanina sa McDonalds. May mahalaga siyang lalakarin kaya sinamahan ko na."

Gumuhit sa isipan niya ang anyo ng dalawa kasama ang anak niya. Larawan ng isang masayang pamilya. May hapding gustong sumingit sa damdamin niya.
"Natitiyak kong hindi alam ni RJ na pampagulo siya sa inyong dalawa ni Avery."

"Ang pagkikita namin ni Avery ay kasinlinis ng pagkikita ninyo ni Sandoval.". his gaze explored her face.

Hindi niya magawang salubungin ang mapanuring titig nito. Totoong wala silang ginagawang masama ni Dave pero ang uri ng pinagusapan nila'y sapat na upang makadama siya ng guilt.
" Where's RJ now.?"

"Idinaan ko sa golf course nang pauwi na kami. Natitiyak kong mag-eenjoy ang bata roon."

"Hindi kayo nakatagal na may chaperone.?". hindi niya maitago ang kamandag sa tinig niya.

" Pagkahatid ko kay RJ sa golf course dito nagpahatid si Avery dahil nandito raw si Dave.". sumilay ang mapang-uyam na ngiti sa mga labi nito.
"You didn't have the benefit of RJ as a chaperone,so perhaps yours wasn't quite as innocent."

"Ang pagkikita namin ni Dave ay mas malinis sa marangal na motibo kaysa sa inyo ni Avery.!" she snapped.

"Marangal.?". ganting-singhal nito.
" Would you like to explain that.?"

"Inalok ako ni Dave na magpakasal sa kanya."

Dean's head was arrogantly thrown back as he started at her. Ang kaninang galit sa mukha ay unti-unting naglaho.
"Whoa! I have to give him credit. Hindi ko naisip na magiging ganoon kabilis ang lalaking iyon.". wika nito, umiiling.
" So,ano ang sagot mo.?"

"That happened to be my business." Hindi niya maintindihan kung bakit nakaramdam siya ng pagkadismaya sa bale-walang reaksiyon ni Dean sa sinabi niya. Pagkuwa'y lumakad siya patungo sa kabahayan. Nakakadalawang hakbang pa lang siya nang hawakan siya nito sa braso at iniharap.

"It's mine too, Mrs.Wong." pinakadiin-diin nito ang huling dalawang salita.
"For crying out loud my wife was being proposed by another man.!"

"Para sa kaalaman mo, wala akong isinagot.!"

"Why.?"

"Hindi ko nagkaroon ng pagkakataong sagutin ang proposal niya. Your unexpected arrival didn't show the best of timing." sarkastikong sagot niya.

"Kung saka-sakaling hindi kami agad dumating ano ang isasagot mo dapat sa kanya.?" Dean persisted.

She sighed wearily.
"Hindi ko alam. Kailangan ko ng panahon para pag-isipan iyon."

Binitawan ni Dean ang braso niy.
"It doesn't sound to me as if you're really in love with the man or you wouldn't need time to think. Alam ko namang matagal mo nang kilala si Dave. You've known him as long as you've known me."

"Hindi kita kilala." protesta niya.

"Gusto mo ba akong makilala.?"
Dean asked softly with a  glitter in his eyes that attacked her breathing.

Jema stood there motionless. Hindi niya maintindihan ang sari-saring damdamin niya sa simpleng salita?
"No,i don't." she said.
"Walang silbing kilalanin pa kitang higit."

STAY WITH ME Where stories live. Discover now