Chapter 10

3.1K 91 2
                                    

  Inihiwalay ni Jema ang sarili habang inihahatid ng pamilya Wong ang mga bisita. Tinulungan niya ang mga katulong na dalhin ang ilang babasaging gamit mula sa pool papasok sa kusina.
        Palabas siya uli sa pool upang kuni ang ilang natirang kristal nang mahinto siya sa paghakbang. Naroon ang asawa at nakatayo sa gilid ng pool, hawak sa kamay ang baso ng alak at nakatingala sa langit na tila nagbibilang ng mga bituin.

  "Akala ko ba'y nasa gate ka at inihahatid ang mga bisita.?"
 
"Naroon ang Papa't mama."  sagot nito na hindi lumilingon.

Tinipon niya ang mga baso sa tray, sinulyapan ito.
  "Nag-iisip ka ba ng paraan kung paano makikipagkita kay avery nang patago? Hindi ka mahihirapan may sariling condo si avery sa Makati."

"Hindi mo kailangan sabihin sa akin kung nasaan ang condo ni avery. I would know.". lumakad ito patungo sa isang silya at naupo.

" At...gusto mo siyang puntahan.?". nananantiya niyang tanong,sunud-sunod ang tambol ng dibdib. Parang gusto niyang ihagis ang baso rito.

"I'm tired Jema, pagod ako sa mahabang biyahe.". inubos nito ang laman ng wineglass.

" You want another shot.?"

A bitter grimaced chased across his mouth.

"Tama na sa akin ang isa. Hindi ko kailangan malasing.". ibinaba nito sa mesa ang baso.

" Really.?" Her sarcasm was deliberate.
"Hindi iyan ang Rolf Dean Wong na nakilala ko."

"Marahil nga." tinitigan siya nito.
"Pumapasok sa isip ko ang isang gabing nalasing ako na wala akong maalalang anuman. Isang taon makalipas ay dumating ka sa bahay na ito bitbit ang isang sanggol at sinasabing anak ko. An experience like that has a very sobering effect on a man."

Bigla siyang nagbaba ng tingin. Tila may pumipilipit sa tiyan niya. Napilitan siyang bitawan ang mga basong hawak dahil biglang nanginig ang mga kamay niya.

"Ang ipinagtataka ko." patuloy ni Dean nang hindi siya sumagot.
"ay kung bakit wala akong maalala nang gabing iyon."

Nakatutok ang pansin ni Jema sa kanyang mg kamay bago nag-angat ng paningin.
"The mind is a compassionate organ. Maaari nitong limutin ang mga di-magagandang pangyayari o alala."

"Lahat ba ng nangyari nang gabibg iyon ay hindi magaganda.?". tanong nito pero hindi siya binigyan ng pagkakataong sumagot.
" Ang buong nangyari ay hindi ko maalala dahil sa dami ng nainom ko. Pero malinaw sa akin ang simula,nakilala ko ang isang maganda at mahiyaing babae at hiniling kong makipagsayaw sa akin. Conversation was unnecessary. Our eyes said it all. I held her in my arms, at kunwa'y ginagalaw ang aming mga paa para masabing nagsasayaw kami habang nakatitig ako sa mga mata niya. Then,i kissed her."

His voice was like velvet,weaving a magic spell that turned back the clock to that night. Natatandaan ni Jema ang pangyayaring sinasabi nito. She remembered the first tender kiss and the moment that had been filled with such fierce passion, na naging dahilan para ilayo niya ang sarili rito at tumakbo. Natakot siya sa banyagang damdaming pinukaw ng halik na iyon at ng apoy na nagsiklab sa katawan niya.
  Pagkuwa'y isang pintuang bakal ang biglang bumagsak sa isipan niya at sinarhan niyon ang iba pang bahagi ng mga alala nang gabing iyon .

"Ano ang gusto mong paniwalaan ko.?". she demanded bitterly.
" Na interesado ka sa akin? Na may halaga ako sa iyo? Was i really any more to you than a one-night stand.?"

Tumayo ito,nilapitan siya at hinawakan ang magkabila niyang balikat,giving her a hard shake.
"Jema damn it! I-----"

"Ang sabi mo'y makikipagkita ka sa akin sa susunod na linggo-----or you said.!". she accused shrilly.
" You never meant to. We both know it was an empty promise."

STAY WITH ME Where stories live. Discover now