Ang mga sumunod na araw ay naging abala para kay Dean at RJ. Si dean na rin ang sumusundo kay RJ sa paaralan at kung wala rin lang pasok ang bata ay ipinapasyal ito ni Dean.
Tulad na lang ngayon, hapon na ay wala pa ang mag-ama. Gayunma'y panatag ang loob niya. Nitong nakalipas na araw mula nang dumating si Dean ay walang pagsidlan sa tuwa si RJ. Minsan ay gusto na niyang managhili at halos lahat ng atensyon ni RJ ay sa ama nakatuon.
Subalit pinaglalabanan niyang maipon sa dibdib ang ganoong damdamin. It was silly.
Ngayon pa lang nagsisimulang kilalanin ng mag-ama ang isa't isa. Sa ibang pamilya dapat ay magkakasama silang tatlo. Pero hindi ordinaryo ang pagsasama nila ni Dean.
Kasalukuyan niyang inilalabas ang mga indoor plants. Iyon ang ginagawa niya para libangin ang sarili. Wala rin ang mga biyenan at nag-golf.
Mula sa pagtatanggal ng mga tuyong dahon sa mga ground orchids ay nag-angat siya ng paningin sa pagpasok ng sasakyan sa circular driveway.
Kotse ni Dave.
Sa nakalipas na linggo ay hindi sumagi sa isip niya ang binata. Bumaba ito ng sasakyan at lumakad patungo sa kanya."Hi.". bati nito.
" Hi yourself.". masiglang bati niya at tumayo mula sa pagkakatingkayad sa bermuda grass.
"May kailangan ka ba sa Papa? Wala sila ng Mama,nasa golf course."
Lumakad siya patungo sa gazebo, sumunod si Dave."I've missed you.". wika ni Dave.
" Nagkita lang tayo noong party Dave." nakangiting sagot niya.
Huminga muna ito nang malalim bago nagsalitang muli.
"Hindi ko alam kung maaari pa akong dumalaw dito tulad ng dati kong ginagawa. Alam kong hindi gugustuhin ni Dean na makita ako rito." mapakla itong tumawa.
"at hindi ako nakatitiyak kung pati ang pagtingin mo sa akin ay nagbago na rin.""Wala namang nabago lagi ka paring welcome dito Dave.". she managed to answer with an air of unconcern.
" Bakit kailangan pa niyang bumalik.?" wika nito, umigting ang mga bagang.
"You're already withdrawing from me,Jema. Biglang-bigla ay nag-iba ang tono ng pananalita mo. I thought you felt something for me."Napalunok si Jema sa sinabi nito. Sa mga pagkakataon bang magkausap sila'y hinayaan niyang maniwala ito na may pagtingin siya rito? Iyon ba ang dahilan ng kapangahasan nito noong gabi ng party?
She was drawn to him, she had to admit. Pero hindi sa paraang gusto nitong tukuyin o marahil ay sadyang naaakit siya rito dala ng kalungkutan at hindi sa ano pa man at lalaki si Dave, maaari nitong bigyan ng ibang kahulugan iyon."Mas may higit akong dapat isipin at isaalang-alang kaysa sa sarili ko Dave.". seryosong sagot niya.
" Si RJ ba? Pareho nating alam na hindi naging ama si Dean sa kanya.". he grumbled
"Hindi ko maaaring isisi lahat kay Dean ang bagay na iyan, kabahagi ako roon."
Isang malalim na hininga ang ginawa nito.
"You're lonely, aren't you Jema? That self-possesion is just a front." Lahat naman tayo ay nakakaramdam ng kalungkutan." pag-amin niya at itinaas ang mukha para ipakitang hindi naman iyon mahalaga.
"Wala ka nang pamilya,hindi ba? Iyon ang dahilan kung bakit dependent ka nang husto sa mga Wong."
"If you want to think it that way. Bukod pa sa pamilya na anak ko ang mga Wong."
"You're very young when you married Dean. At wala nang kamag-anak. Naiintindihan ko ang bahaging iyon. I can see how you could have wept on the first shoulder offered and it was Dean's. Ano ang nangyari Jema? Did you fall in love with love at huli na nang malaman mong mali ang ginawa mo.?"
The sympathy in his voice cried out her. Gusto na niyang sabihin dito ang buong pangyayari kung bakit siya nasa ganitong sitwasyon. But she held herself. Bibigyan lang niya si Dave ng dahilan upang ipagpatuloy ang ginagawa nito.
"It....it was something like that.". it was a lie. Nang makilala niya si Dean ay buhay pa ang mama at kapatid niya. But she had to give him the answer he wanted to hear.
Nakakaunawang tumango ito.
" Minsan, isang kamalian ang manghawakan sa pagsasama dahil lang sa anak. At iyon ang ginagawa mo Jema. Bakit hindi mo subukang kausapin si Dean tungkol sa annulment.?""Please, let's drop this topic."
hinilot ng mga daliri niya ang sentido. Sumasakit na ang ulo niya sa usapin tungkol sa pagsasama nila ni Dean."I'm a man Jema. Pagkatapos ng gabing iyon sa pantry ay hindi ko hahayaan ang sarili kong tanawin ka lang mula sa malayo."
Gustong matawa ni Jema doon. Iyon mismo ang sinabi ni Dean tungkol dito,mismo nang gabing iyon.
"I'm not the kind of man to beg." patuloy nito.
"pero gusto kita Jema. I don't want a hole-and-corner affair any more than you do. Naiintindihan ko kung ano ang nararamdaman mo para sa anam mo. Gusto mong magkaroon siya ng maayos na buhay, disenteng edukasyon ng magandang kinabukasan. I can give you all those thing Jema at natitiyak kong magkakasundo kami ni RJ nakita mo naman kung gaano kalapit sa akin ang bata."Jema stared at him in bewildered amazement. He was actually proposing!
"Ipinahihiwatig mo bang iwan ko si Dean at magpakasal ako sayo.?". she breathed." Hindi ko ipinahihiwatig, iyon mismo ang hinihiling ko." then he smiled at her tenderly.
"Pero....ni hindi ko matiyak sa sarili ko kung may pagtingin ako sayo.". protesta niya. She looked away before she succumbed to his persuasive charm.
" Love grows Jema.". hinayon nito ang mga halamang nasa di-kalayuan.
"Tulad din ng mga bulaklak na iyan. Lumalago kapag inaalagaan.""Dave, I----I don't know what to---."
Naagaw ng papasok na sasakyan ang sasabihin niya. Ang family van na gamit nina Dean at RJ knina. Napahugot siya ng hininga nang makita kung sino ang nasa passenger seat. Si Avery isang matalimna tingin ang ipinukol ni Dean sa kanya nang bumaba ito ng family van."Wala kang dapat ipaliwanag.". mahinang wika ni Dave
" Wala tayong ginawang masama o baka mas mabuting ngayon na tayo magharap-harap.?"Bigla siyang napatingala rito.
"Huwag kang gumawa ng mga bagay na pagsisihan nating pareho sa bandang huli Dave." she warned.Dave frowned at her. Pero nakatuon na ang paningin niya sa dalawang bagong dating na lumakad patungo sa gazebo. Kasunod nito si avery na ang ngiting nakasilay sa mga labi para sa kanila ni Dave ay puno ng malisya. Huminga siya nang malalim at inihanda ang sarili sa anumang sasabihin ni Dean.
"Hi Jema." bati ni Avery.
"I have to go." ani Dave na matalim ang tinging ipinukol kay Dean."
"Tara na Avery, Jema thanks for the talk."
YOU ARE READING
STAY WITH ME
RomanceJedean story po ito😄 Lalake po dito si deanna .. Rolf Dean Wong / Dean Jessica Margarett Galanza / Jema