Chapter 11

2.9K 96 3
                                    

           Sinag ng araw  ang nagpagising kay Jema. Nakatama iyon sa mismong mukha niya. Umikot siya at ibinaon ang mukha sa unan, bigla siyang nagmulat ng mga mata nang maalala ang pangyayari kagabi.
Dean was home.
At mananatili ng matagal, hindi na siya makakaiwas sa asawa. Ang kaisipang iyon ay nagdala lamang ng kaba at takot sa dibdib niya. The terrifying though that living with him day in and day out might enable him to guess the secret she had guarded so carefully.

Biglang bumalya pabukas ang adjacent door at pumasok si RJ.
"Totoo ba mommy? Nandito si daddy? Ang sabi ni yaya dumating siya. Nasaan si daddy kagabi.?"
Nag-uunahan ang mga tanong mula kay RJ at sumampa sa kama.
      Kama? Napabangon siya at itinukod ang dalawang siko sa kama at tinitigan ang couch. Natatandaan niyang nauna siyang pumanhik kay Dean kagabi, nagmadali siyang pumasok sa banyo at naglinis ng katawan at pagkatapos magbihis ng pajama ay nahiga na siya sa couch. Matagal siyang nanatiling gising at inaantabayanan ang pagpanhik nito. Ni hindi niya namalayang nakatulog siya. Inilipat ba siya sa kama nang magising ito?
Ang alalahaning gumuhit sa mukha niya'y hindi napansin ni RJ sa excitement nito sa pagdating ng ama.

"Mom,is it true? Dumating na ba talaga si daddy.?"

Napilitan siyang ngumiti.
"Dumating ang daddy mo kagabi pero tulog ka na."

"Baka nasa ibaba na siya.!" Muli itong bumaba.
"Pupuntahan ko si daddy Mom."

"RJ wait.!" tawag niya rito at akmang tatayo mula sa kama nang biglang bumukas ang pinto ng silid at lumitaw si Dean. Naka-jogging pants ito at basa ng pawis ang pang-itaas. Natiyak niyang galing na ito sa pagtakbo sa paligid ng subdivision.
Nahinto sa gitna ng silid si RJ. Nakatingala sa ama at hindi malaman kung ano ang gagawin. Ang excitement na naramdaman kanina'y napalitan ng tensiyon.
Si Dean ay hindi rin malaman ang gagawin. He smiled at the boy.

"Hello son."

"D-dad? Are you....really my Dad.?"

"In fresh and blood." ani Dean,kumislap ang mga mata.

May ilang sandaling hindi kumibo si RJ. Nanatiling nakatingala rito.

"Y-you're zo tall and big." he said uncertainly. Then he asked seriously.
"Magiging kasintaas mo rin ba ako paglaki ko.?"

Nang sandali siyang sulyapan ni Dean ay noon lang namalayan ni Jema na nagpipigil siya ng hininga.
Tinignan ni Dean ang anak. Then he answered just as seriously.

"Maaaring higit pa."

Namayani ang katahimikan,subalit nawala na ang tensiyon. Nakatitig si Jema sa mag-ama na tila nakalimutan na ng mga ito na naroroon din siya sa silid. They were so close together,yet not speaking or touching. Both were staring at each other....parehong nasa mga mukha ang walang katiyakan.

"W-were you having breakfast downstairs.?". sa wakas ay tanong ni RJ.

Umiling si Dean.
" I want us to have breakfast together. Tayo ng Mommy mo." tumingin ito sa kanya.

Kumislap ang mga mata ng bata.
"I-i like that. Tulad ni mark at ng mommy at daddy niya."
lumingon ito kay Jema.
"Mom,hurry up. Gusto ni daddy na sabay-sabay tayong magbreakfast."

"Bakit hindi mo ipahanda sa cook ang gusto mong almusal natin RJ? At pagkatapos ay susunod kami ng mommy mo."

"Of course." RJ said excitedly,akmang tatakbo palabas nang hawakan ito ni Dean sa braso.

"I'm glad i'm home RJ."

Natigilan sandali ang bata. Tipid na ngumiti at pagkatapos ay iniabot ang kamay sa kanya na tila matanda. Nabiglang tinanggap ni Dean ang pakikipagkamay ng bata.

STAY WITH ME Where stories live. Discover now