Chapter 21

2.7K 93 6
                                    

"Jema."

Ang mahinahong tinig ng matanda ang nagpaangat ng mukha niya.
"H-hindi ko alam kung magagawa ko." she whispered. Ang nagbabadyang luha ay tuluyan nang dumaloy sa mga pisngi niya.

"Tears.?" he mocked cruelly.
"Now that's very touching.!"

"You can do it Jema---" Isang nagbababalang tingin ang ipinukol nito kay Dean
"kung magagawang itikom nitong arogante kong anak ang bibig niya at makinig."

"Wala kang karapatang makialam Papa." Dean nearly exploded.
"Wala kang alam sa mga nangyayari."

"Mas higit akong may alam kaysa sayo.!" Tumaas na ang tinig ng papa niya.
"Kung tatahimik ka at makikinig ay malalaman mo ang dapat mong malaman.!"

"Oh God, tama na! Hindi kayo magsisigawan nang ganyan kung hindi dahil sakin.!"

"You've been a strain on my relationship with my family since the first day i married you. Bakit bigla'y nakokonsensya kang nagsisigawan kami.?"

"Hindi ko alam kung paano magsisimula." mahina niyang sabi.

"Get straight to the point, damn it.!" dean snarled.

"Huwag mong gawing mahirap para sakin ito Dean."

"Ikaw, kailan mo pinagaan ang buhay ko.?" He countered

Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Huminga siya nang malalim at pinahid ang mga luha sa pisngi.
"H-hindi ako naging matapat sayo tulad ng paniniwala mo sakin. The truth is, all these years i made you believe that RJ's----"

"What about RJ.?"

She squared her  shoulders. Yes, she had to get his over with. No matter what the consequences.
"Hindi ko anak si RJ.

Napaangat mula sa kinauupuan si Dean.
"What are you talking about? Gusto mo akong papaniwalaing hindi ko anak si RJ.?"

"No! Anak mo siya. Hindi ko ipinagsinungaling ang bagay na iyan. Subalit hindi ako ang ina ni RJ. Hindi ako ang nagsilang sa kanya."  she repeated more forcefully.

Humugot ito ng hininga upang pigilin ang paglabas ng higit pang galit.
"Kung hindi ikaw ang ina niya, Sino.?"

She raised her chin, trying to meet his eyes.
"A-anak siya ng kapatid ko."

"Liar.!"  halos sumigaw na ito. Napatayo mula sa kinauupuan.
"Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi mo.!"

"Nagsasabi siya ng totoo Dean." wika ng papa niya na nagpalingon kay Dean dito na para bang noon lang napansing naroon ang ama.

"What do you know about this? Huwag mong sabihing naniniwala ka sa mga ipinagsasabi niya.?"

Hindi agad ito sumagot, kinuha mula sa drawer ng mesa ang isang dokumentong nakafolder at iniabot sa anak.
"Hndi mo pa marahil nakikita ito."

Humakbang palapit si Dean sa ama at hinablot ang dokumento.

Tila naparalisa si Jema habang pinagmamasdan ang reaksiyon ni Dean sa binabasa. Iyon ang kopya ng record sa lying-in clinic nang ipinanganak si RJ.

"Ang sharon na nakapangalan dito, kapatid mo siya.?" singhal nito. Tumango siya.
"Why.?"  ang tinig nito'y napuno ng kalituhan, galit at hinanakit.
"Bakit mo ako pinaniwalaan na ikaw ang ina ni RJ.?"

"Dahil...ikaw ang ama niya. Kung malalaman mong hindi ako ang kanyang ina'y magagawa mo siyang ilayo sakin tulad ng unang binalak ng mama mo. Wala na akong pamilya, wala na ring matitirhan, wala rin akong sapat na trabaho para suportahan si RJ. I didn't stand a chance of him being awarded to me legally through the courts, not when Rolf Dean Wong was his father."

"Sa nakalipas na halos apat na taon ay nabuhay ako sa kaalamang ikaw ang ina ng anak ko." bitter anger made his voice vibrate.
"Ngayon sasabihin mo sa aking ang ina ni RJ ay isang babae na hindi ko man lang nakilala.!" halos malukot sa mga kamay nito ang hawak na dokumento.

Sa ilang sandali'y namagitan ang katahimikan.

Katahimikan upang tila marinig na ni Jema ang pintig ng sariling puso. Napapitlag siya nang ihagis ni Dean ang hawak nitong papel.

"You ask too much !" his tight voice declared, every mucle in his body rippling with the violence and tension of the moment.

Kumawala ang hikbi mula sa kanya.
"I'm sorry Dean." she murmured numbly, tumayo at nagmamadaling lumabas ng silid.

STAY WITH ME Where stories live. Discover now