Chapter 22

2.8K 88 4
                                    

   "JEMA.!"

The anger in his voice made her run faster. Pumanhik siya sa silid niya sa itaas na sa palagay niya'y mapagkakanlungan niya mula rito.

"Jema, bumalik ka rito.!"
Dean hated her when she rejected the love he offered.
Lalo lamang nadagdagan ang pagkamuhi nito sa kanya sa pagkaalam na ginamit niya ito sa nakalipas na mga taon.

Nasalubong niya ang biyenang babae sa itaas. Sandali siyang nahinto sa pagtakbo. Nagsalubong ang mga kilay nito sa anyo niya. Nang marinig niya ang tinig ni Dean sa hagdan ay muli siyang tumakbo patungo sa silid niya.

"Dean ano ang nangyayari.?"  hinawakan nito ang kamay ng anak.

"Mamaya na Ma."

"May karapatan akong malaman kung ano ang nangyayri sa sarili kong pamamahay.!"  sabi ng ina nito sa galit na tinig.
"You look as if you're about to strangle your wife "

"And i might as well, damn it.!"

"Walang WONG ang nananakit ng asawa Dean. Gusto kong ipaalala sayo iyan. Saktan mo ang asawa mo at mananagot ka sakin."  babala nito bago binitawan ang anak.

Another time, Jema would have smiled at that. Pero malayo sa pagngiti ang nararamdaman niya. Pumasok siya sa silid niya at sinusian iyon. Kasabay nang pagsara niya ng pinto ng adjacent door sa silid ni RJ ay ang marahas na pagkatok ni Dean sa silid nila.

"Jema buksan mo ang pinto.!"

"Please, go away Dean."

"Bubuksan mo itong pinto O sisirain ko ito.!"

Napahugot siya ng hininga. He could easily do that. Kung may bagay siyang ipinagpapasalamat ay ang wala si RJ. Lumakad siya patungo sa pinto at alanganing binuksan iyon. Pagkabukas ng pinto ay agad siyang umatras. She resolved not to cry nor attempt to gain his sympathy. Hindi siya karapat-dapat doon pagkatapos niyang abusuhin ang tiwala nito.

"Tumingin ka sakin Jema." he demanded savagely.

She raised her head and looked in his eyes.
"We...we could talk this in the morning Dean. May...may dinner date ka sa labas di ba.?"

"No, Jema. Pag-alis ko'y natitiyak kong babalutin mo ang mga gamit mo at aalis ka. Tatapusin natin ang usapang ito ngayon at dito."

"Nasabi ko na ang lahat ng dapat mong malaman. Ang tangi ko lang maidadagdag ay ang katotohanang hindi kita intensiyong dayain. I never meant to do that."

"Bakit ka nagpakasal sakin.?"

"Sinabi ko na sa papa mo ang dahilan. Alam mo ang bahagi ng mga dahilang iyon, si RJ. Hindi ko maiiwan sa inyo ang pamangkin ko. Siya na lang ang natitirang pamilya ko. And i love him like my own."  she added in a whisper.

"Ang ideya na magiging Mrs.Wong ka ay hindi man lang pumasok sa plano mo? Titira ka sa malaki at marangyang bahay, ligtas sa pinansyal na gastusin, makapagsusuot ng damit na kahit sa panaginip ay hindi mo maisusuot? Hindi ba kasama ang mga iyon sa desisyon mo.?"

Pride gleamed brightly in her eyes.
Hindi ko itinatangging dahil sa pinansyal na dahilan kaya ako nagtungo rito Dean. Pero hindi para sa sarili ko kundi para kay RJ. Being a Wong is his birthright. May karapatan siyang mabuhay na tulad niyo. And i married you as part of the package. Dahil kung tinupag mo ang pangako mo sa kapatid ko na babalikan mo siya makalipas ang isang linggo, sana'y hindi napadali ang buhay niya dahil hindi siya mawawalan ng trabaho dahil lumalaki ang tiyan niya pero walang asawa!
Sana'y hindi inatake sa puso ang aking ina nang hindi na kayang itago ng kapatid ko ang paglaki ng tiyan niya at malaman ng mama na magsisilang siya ng sanggol na walang kikilalaning ama. And yes Dean, ipinagpapasalamat ko ang mga materyal na bagay na ipanagkaloob ng mga Wong sakin bilang asawa mo." she laughed bitterly.
"and if you want to brand me as a scheming, gol-digging tramp, go ahead. Hindi kita maaawat doon."

Tila nawalan ng sasabihin si Dean. Tinitigan siya nito nang matagal. Pagkatapos ay nahahapong umiling ito at lumakad patungo sa couch. Itinukod nito ang mga braso sa mga binti at ikinulong ang mukha sa mga palad.
   May ilang sandali itong nanatili sa gaanoong ayos bago muling nag-angat ng mukha sa kanya.
"Kaya kong tanggaping hindi ikaw ang ina ni RJ at ang mga dahilang sinabi mo. Kaya kong paniwalaan iyon. Pero ang kaalamang ang kapatid mo ang ina niya'y hindi madaling tanggapin Jema bahagi ng alaala niya'y hindi man lang sumasagi sa isip ko."

"You were drunk."

"That's given. Pero ano mang lasing ng isang tao'y matatandaan niya ang kahit na bahagyang pangyayari sa araw na iyon. And i don't remember a thing, damn it! Ipaalala mo sakin.!"

Humakbang siya patungo sa dresser at kinuha mula sa loob ng bag niya ang wallet. Mula roon ay inilabas ang larawan ng kapatid. Iniabot iyon kay Dean.
"This is Sharon,Dean."

Tinitigan ni Dean ang larawan
"She's beautiful...pero wala akong natatandaang nakilala ko siya Jema. O nakita ko man siyang kasama mo nang gabing iyon sa party."

"Hindi ko maunawaan kung bakit hindi mo siya matandaan."  lumalim ang kunot sa noo niya.
"Magkasama kami ni Ate sharon sa party na iyon ng anak ng may-ari ng travel agency na ginanap sa puerto azulm pinilit ko siyang isama ako. Nasa kainitan na ang party nang dumating kami."

"I remember that night. Nakita kita nang pumasok ka sa pavilion. Only you. I couldn't take my eyes off to you. Your youth and innocence made you shine that night Jema."
Mapait siyang ngumiti.
"Luma ang damit ko at ako lang ang mukhang estuyante. Katunayan ay mukha akong alalay ni Ate sharon hindi ko inisip na may makakapansin sakin."

"I did Jema. I saw an uncut diamond. Naupo ka sa pinakasulok na mesa. I've watched you for minutes, a lovely young woman sitting in the semi-darkened corner. Nilapitan kita at nagpakilala ako sayo..niyayang sumayaw. You almost said no."

Natatandaan niya ang kabang naramdaman nang nakita ang paglapit nito. Sa isang kamay nito ay baso ng alak at ni hindi ito halos makalakad nang tuwid dahil sa nainom. Frightened,her eyes searched the sea of faces for her sister. Subalit hindi niya matanaw si Sharon sa grupo ng mga tao..






Flasback po tayo next chap.

Malapit na po matapos to..

STAY WITH ME Where stories live. Discover now