The question surprised Jema." What made you doubt that.??
Tumaas baba ang munting mga balikat ng anak ." Tinutukso na nga ako ng mga playmates ko sa school.Wala naman daw akong daddy. Pretend daddy lang daw. Baka si lolo at lola lang ang nagbibigay ng gifts sa akin tuwing birthday ko."
Itinuwid niya ang sarili." You know that's not true RJ. Nagkikita kayo ni Daddy sa webcam."
Nagkibit ng mga balikat ang bata." It could be like the ones in the movies, daya lang. And he looks like an Arab."
Muntik na siyang matawa sa huling sinabi ng anak. "That's ridiculous. Besides,your father's coming home this year."
"I've heard that many times before." Mahinang sabi nito.Nasa tinig ang resignation,ipinagpatuloy ang paglalaro sa pagkain.
" Darating ang Daddy mo sa birthday mo Promise."
Kumunot ang munting noo at tumingala sa kanya.
Hindi niya kailanman inusal ang salitang "promise" dito kung hindi rin lang niya kayang tuparin. Alam ni RJ iyon. Unti unting umaliwalas ang mukha nito.
" Are you sure Mommy.?"
Tumango siya. Sinikap na ngumiti." So, now eat your meal sayang iyan."
May siglang binalingan ni RJ ang pagkain." Sana'y birrhday ko na bukas para nandito na si Daddy."
Nasisiyahang ngumiti ito at dinala sa bibig ang fried chicken.
Napasandal sa upuan si Jema nakahinga siya nang maluwag.For now napanatav si RJ. It wasn't empty promise though.Sa nakalipas na tatlong taon at kalahati ay hindi umuuwi ng pilipinas si Dean. Natitiyak din niyang hindi ito uuwi sa taong ito kaya naman nitong nakaraang linggo sinulatan niya ito sa pamamagitan ng internet ay nakiusap siyang sana'y magbakasyon naman ito sa birthday ni RJ. Nangako itong darating.
Hindi niya alam kung matutuwa siya roon o mag-aalala. But she was left without any choice. RJ wanted his Father. Tatlong taon at kalahati na sa Bahrain si Dean at hindi pa ito nagbakasyon kahit minsan. Umalis ang asawa dalawang buwan matapos silang ikasal upang magtrabaho sa ibang bansa sa halip na pangasiwaan ang negosyo ng pamilya.
Alam niyang kung bakit ginawa ni Dean iyon upang iwasan siya. Nang mga panahong iyon ay ipinagpasalamat niya iyon. It was a convinient escape for her. Pero hindi nitong lumalaki na si RJ. Naghahanap na ito ng ama. Ang labis na pagtingin ng mga biyenan niya sa anak ay hindi kayang sapatan ang pangangailangan at paghahanap ng bata sa ama nito.
Katunayan, kahit ang mga biyenan ay nauubusan na ng maidadahilan sa bata kahit ang mga itoy hindi mahikayat si Dean na umuwi nitong nakalipas na tatlong taong mahigit. Alam niyang siya ang sinisisi ng biyenang babae sa pagalis ni Dean patungong ibang bansa. Kung maaari lang siyang paalisin nito ay iwanan sa mga ito ang apo ay ginawa na ni Mrs.Judith Wong.
Isa maharil kumbinyente kung iiwan niya si RJ sa mga biyenan at umalis na lang.Dapat ay iyon ang ginawa niya una palang. Dapat ay ipinagkaloob na lang niya sa mga Wong ang sanggol.
Pero nanaig ang takot at insekyuridad sa kanya.
She was barely 21 and hadn't even finished her college when Dean married her. Ang ama niya'y namatay nang nasa ikalawang taon siya sa kolehiyo. Ang mama niya na isang public school teacher at ang nakatatandang kapatid na si Sharon ang patuloy na nagbalikat sa kanyang pagaaral.
Isang malaking tulong sa kanilang magina ang may kalakihang suweldo ni sharon na empleyado sa isang kilalang travel agency. Subalit nang nasa huling taon na siya sa kolehiyo ay inatake sa puso ang kanyang ina na siyang sanhi ng pagkamatay nito. Four months later,sumunod sa ina si Sharon.
Grieving,confused without any money, Jema had nowhere to go. It was a desperate measure. Hindi niya pinlano. Makalipas ang tatlong buwan mula nang ipinanganak ang bata ay nagtungo siya sa mga Wong.
Muli siyang humugot ng malalim na hininga. That had been almost four years agl. Malaki na ang ipinagbago ng buhay niya. She was financially secured now. Bagaman hindi unuuwi si Dean ay nagpapadala ito ng salapi sakanya bilang asawa. Salaping labis-labis sa alinmang luho niya.
Two years ago,tinapos niya ang pag-aaral ayon narin sa suhestiyon ng biyenang lalaki. On her collage graduation,tinanggap niya mula sa biyenang lalaki ang isang bagong Toyota Corolla.
Dapat ay maligaya siya pero hindi iyon ang nararamdaman niya. May bahagi ng pagkatao niya ang tila may hinahanap at alam niya kung ano iyon. Tumagos ang paningin niya sa clear window papalubog na ang araw naagaw ang atensiyon niya ang dalawang magkasintahang nakatayo sa labas ng burger chain at magkahawak-kamay. Nasa mga mata ng dalawa ang pagibig at romansa habang naguusap at nagtititigan sa isa't-isa.
Iyon ang kulang sa buhay niya,muli'y hindi niya maiwasang makadama ng lungkot. She would be 25 in a couple of months time,hindi pa nangyaring hindi siya nakatawag ng pansin sa tuwing naglalakad siya sa pampublikong mga lugar. Maganda siya,mestisahin,ang buhok niya'y itim at lampas balikat there was classic lift to her cheekbones and nose, and a warm sensuous mouth. Totoong maganda siya at hindi miminsang may mga nagmumungkahing sumali siya sa mga beauty contest sa school at sa lugar nila noong kadalagahan niya na pawang hindi niya pinatulan pero wala na ang dating Jema. Ang impluwensiya at halimbawa ng kanyang biyenang babae ay nagpabura sa dating school girl image niya. And it was replaced with a poised and sophisticated young woman.
YOU ARE READING
STAY WITH ME
RomanceJedean story po ito😄 Lalake po dito si deanna .. Rolf Dean Wong / Dean Jessica Margarett Galanza / Jema