Chapter 03

5.3K 128 5
                                    

Isa lang ang naiwan sakanya, iyon ang lihim na galit niya kay Rolf Dean Wong the man whose name she bore. Ang tanging nagpapatagal lang sa pagsasama nila ay dahil kay RJ. RJ belonged to her and could never be taken away hang gang nananatili siyang kasal kay Dean. Ang pagiisip Niya pinutol ng tinig ni RJ. "Could we send Dad a message tonight mom.?"
"Nagpadala ka lang ng sulat sa daddy mo noon isang araw RJ. "
"RJ pouted." Sasabihin kong anniversarry nina lolo at lola next week para mas mapadali ang uwi niya."
"Oh" napasandal siya sa upuan sa isang linggo'y ikatatlumpu't limang anibersaryo ng mga biyenan niya. Natitiyak niyang hindi darating si Dean dahil kung darating ito'y nabanggit na nito sa kanya sa palitan nila ng usapan sa internet. But he promised to come home on RJ's birthday.
Please,darling huwag nating madaliin si daddy sa pag-uwi kung hindi pa talaga due ang bakasyon niya. Tiyak na hindi siya papayagan ng boss niya at mahalaga ang trabaho ng daddy mo sa kompanya niya RJ ."
"Hindi ba mahalaga rin naman sina lolo at lola dahil anniversarry nila?"
"Of course,but your grandparents understand that daddy's too busy. Hindi siya maaaring umuwi hangga't hindi natatapos ang kontrata niya. Mahirap na boss ang mga arabs diba.?"
RJ grimaced."I wish he didn't have to work with those Arabs Mom. Sabi nga ni lolo, dapat sa company na lang natin siya nagtrabaho."
Wala siyang maisagot doon hindi niya alam kung ano ang sasabihin ipinagpatuloy ni RJ ang matamlay na pagkain habang pasulyap-sulyap sa mag-aamang nasa kabilang mesa.
Napatitig siya sa anak. Habang lumalaki ito ay walang mag-iisip na hindi ito isang Wong. Kahawig ito ng biyenang lalaki. Nang araw na nagtungo siya sa mansyon ng mga Wong ay konti lang ang pag-asa niyang kikilalanin ng mga ito ang bata. Subalit nakita niya ang biglang pagkislap ng mga mata ni Mrs.Judith Wong nang titigan nito ang sanggol. Ni hindi nito gustong bitawan ang bata kahit ng magsimulang umiyak.
She hadn't expected marriage ang motibo niya lang nang magtungo sa mga Wong ay upang hingin ang suportag pinansiyal sa bata subalit agad na naakit si Mrs.Wong sa sanggol at nang matiyak ng mga itong hindi niya iiwan ang bata ay agad na inudyukan ni Mrs.Wong si Dean na pakasalan siya.
Isang linggo makalipas ay ikinasal sila ni Dean sa isang simpleng Civil Wedding. Dalawang linggo pagkatapos ay muling pinabinyagan ni Mrs.Wong ang sanggol nang malamang apelyido niya ang taglay nito-Galanza.
Madaling nagawan ng paraang magkaroon muli ng panibagong birth certificate ang sanggol. Kay daling mangusap ng salapi. Ang sanggol ay pinangalanang Raphael Joshua Wong bilang sunod at alaala sa namayapang bunsong anak ng mga Wong. Tatlong buwan makalipas ay umalis si Dean patungong Bahrain.
"Let's go mommy." muling pukaw ni RJ sa daloy ng isip niya. Isang simsim sa softdrinks nito ang ginawa at saka patalong bumaba mula sa silya.







AN""" continue lang po ang mga susunod na mga Chapters ..
Tatapusin ko po ito kahit walang magbasa kung meron man salamat narin 😅😅😅

STAY WITH ME Where stories live. Discover now