AN: pasenya na guys ngayon nalang nakapag update bawi nalang ako 😅😅
>>continue
Nasa kalagitnaan na ng hapunan ng bumaba siya.Tumayo si dave at hinila ang isang upuan para sa kanya. She murmured her thanks along with her smile.
"I'm sorry,hindi agad nakatulog si RJ." hinging paumanhin niya.
"Walang dapat ihingi ng paumanhin hija." ani Mr.Wong, isang nakakaunawang ngiti ang ibinigay sa kanya. Malaki ang pagkakaiba ng biyenang lalaki niya sa biyenang babae. Kung si Mrs.Wong ay walang komento sa bigla niyang pagdating sa bahay ng mga Wong, si Mr.Wong naman ay naroon antimano ang pag-aalinlangan sa pagkatao niya, nakita at naramdaman niya iyon agad itong nagusisa tungkol sa kanya sa pamilya niya. Gayunman, nang imungkahi ni Mrs.Wong na pakasalan siya ni Dean ay sandali lang ang pagaatubili nito.
Her Father-in-law was open and honest. Naobserbahan nito kung paano siya nagbagong anyo from unwordly young girl barely out of school to a sophisticated young lady.Unti-unti ay nagbago rin naman ang pakikitungo niya rito. It changed into respect and admiration at kahit papaano ay napalapit siya nang bahagya kay Mr.Wong.Nararamdaman niya na may nalalaman ito sa sitwasyon nila ni Dean. Maliban sa lihim niya.That secret was hers alane.Nagsisismula na siyang kumain nang magsalita si Mr.Wong
"Bago ka bumaba'y napagusapan namin na magpaparty sa anibersaryo namin sa isang linggo Jema."
"That's an excellent idea." she agreed cheerfully.
"Mula nang dumating ako rito'y ngayon lang kayo maghahanda sa anibersaryo ninyo ni mama."
Tumango ang matanda kasabay ng buntong hininga tumingin sa asawang nagkibit ng mga balikat at nagpatuloy sa pagkain.
"Nang dumating kayong mag-ina rito ay hindi pa natatagalan mula nang mamatay ang bunso naming anak matapos ang ilang buwang comatose. Napagpasyahan naming muling magkaroon ng kasiyahan sa bahay na ito."
"And what a better way to start it with but on your thirty-fifth anniversary Mr.Wong...ma'am.." deklara ni dave tinapunan ng tingin ang matandang babae."
Tinanguan iyon ni Mrs.Wong at nilinga ai Jema.
"You can invite your friends Jema."
"Perhaps I'd invite one or two of them." they weren't actually friends but acquaintances mga magulang din ng mga batang classmates ni RJ sa prep school. Malibang imbitahin siya ng mga itong dumalo sa isa sa mga birthday parties ng mga bata, wala na siyang masasabi pang okasyon dinadaluhan iyon na ang hangganan ng social life niya.
"Tutulungan ko kayo sa pagpaplano sabihin natin kay Manang Juling kung anu-ano ang mga ipaluluto." pahabol niya.
"Oh, magpapacater ako. That way, hindi tayo gaanong mahihirapan." ani ng biyenang babae.
"It is set then." nasisiyahang wika ng biyenang lalake at binalingan si dave. " Ikaw dave, kumusta na ang pakikipagkita mo kay Dean.?"
Marahang napahugot ng hininga si Jema. "N-nagkita kayo ni Dean sa Japan.?"
Dinampot ni dave ang linen napkin at nagpahid ng bibig. His smile was without humor. "Pagkagaling ko sa Japan ay nagtuloy ako sa Bahrain Jema."
Hindi na niya makuhang magsalita pang muli. Itinuon niya ang pansin sa pagkain na bigla'y nawalan ng lasa.
"Nasabi ba sa iyo ni Dean na uuwi siya sa anibersaryo namin ng papa niya Dave.?" tanong ng matandang babae.
"Wala siyang sinabi ma'am." sagot nito. "Pero natitiyak kong alam niyang anibersaryo ninyo sa isang linggo. Ano ang malay natin at baka magbago ang isip niya at agahan ang uwi."
Nahawi ang pagasam sa mukha ng matandang babae at nagbuntong hininga. Ang natitirang sandali sa pagkain ay ginugol ng dalawang lalaki sa paguusap tungkol sa naging lakad ni dave sa japan branch ng Wong Equipment.
Hindi nagtagal pagkatapos ng hapunan ay nagpaalam na sa dalawang matanda si Dave. Inihatid ito ni Jema sa labas.
"Bakit hindi mo binanggit sa akin nang huli tayong magusap na tutuloy ka sa bahrain.?" Jema accused mildly. "Sana'y naipadala ko sa iyo ang personal na sulat ni RJ para sa ama niya."
Sandaling huminto sa paglakad si dave at tinitigan siya. "It was a last minute instruction from your father-in- law Jema." sagot nito.
Umiwas siya ng tingin..
"D-darating ba siya sa birthday ni RJ.?"
"Hindi kami gaanong nakapagusap. He was too busy. Pero hindi niya nakaligtaang banggitin na matatapos ang kontrata niya bago ang birthday ni RJ."
Anim na buwan pa bago ang fourth birthday ni RJ. Pero agad nang umahon ang kaba sa dibdib niya, nahahati siya sa pagitan ng pagaalala at pag-asam sa posobilidad na uuwi si Dean anim na buwan mula ngayon. Pagaalala dahil kontento na siya sa ganitong kaayusan ng pagsasama nila. Pag-asam, para kay RJ.
"You look very lovely in that dress Jema ." dave commented huskily, cutting off her thoughts.
A half smile curved her lips.
" Thank you."
"Do you believe in love at first sight.?" tanong nito na ikanagulat niya.
"No!" Nagulat pa siya sa karahasan ng tono niya. Years ago, bago pa ipanganak si RJ, she had been taken by Dean's charm... at sinira nito ang ilusyon niya tungkol sa pag-ibig. "No, i don't..."
idinugtong niya sa mas banayad na tinig.
"Anyway, akoy'y naniniwala roon." patuloy nito.
"Noong una kitang makita sa bahay na ito ay iyon mismo ang naramdaman ko sa iyo. I kept growing more curious about you. Ipinagtataka ko kung paano napanatili ng mg Wong ang perpektong pagsasama ninyo ni Dean gayong hindi siya umuuwi. I found myself growing jealous that you might have a lover on the side. I couldn't figure out until i realized that i wanted to be that man."
"Please dave, hindi ko gustong pagusapan ang mga bagay na iyan.. Baka may makarinig sa iyong sinasabi mo sa akin iyan..."
Dave opened his mouth to say something. Pero agad niyang dinugtungan ang sinabi.."Goodnight, magingat ka sa pagmamaneho."
Naulinigan niya ang pagkadismaya sa buntong hininga nito, ilang saglit siyang tinitigan at pagkatapos ay ipinagpatuloy ang paghakbang patungo sa kotse. "Night." anito nang makasakay. "I"ll see you next week."
Tumango siya nanatili siyang nakatayo roon hanggang sa makababa ng driveway ang sasakyan nito. Hindi naman siya manhid para hindi maramdaman ang mga pahaging ni dave sa kanya sa tuwing nagtutungo ito sa mansiyon. Subalit iyong ang unang pagkakataong diretsahan nitong sinabi ang nararamdaman.
But Jema old fashioned morals wouldn't allow her to disregard the diamond wedding ring on her finger and her vows of fidelity,regardless of the manner of man she had given to.AN: ok na ba yan guys ang haba na yan pahinga muna ako konti update uli mamaya ..
YOU ARE READING
STAY WITH ME
RomanceJedean story po ito😄 Lalake po dito si deanna .. Rolf Dean Wong / Dean Jessica Margarett Galanza / Jema