Parang nabalutan ng yelo ang mansiyon ng mga Wong ng mga sumunud na araw. Hindi sila naguusap ni Dean. Sa guest room ito natutulog at tuluyan nang nalaman sa mga biyenan niya ang uri ng pagsasama mayroon sila. Maging si RJ ay bihira na kung lumapit sa ama dahil lagi itong nakasinghal.
Ilang gabi ng hindi maayos ang tulog niya. Ilang beses niyang binalak na puntahan si Dean at sabihin ditong mahal niya ito. Pero hindi niya magawa. Hindi siya mauunawaan nito. She was an idiot if she though Dean would be contented in platonic relationship.
Sa kanya isinisisi ng Mama ni Dean ang mga ikinikilos ni Dean. Maaga itong umaalis sa umaga at hatinggabi na kung umuwi. Ang biyenang lalaki lang ang nagpapakita ng simpatya sa kanya. Yet, he, too, seemed a bit grim and accusing.
Higit sa lahat si RJ ang nahihirapan sa nangyayari.
The hostile atmosphere in the house was something RJ hadn't experienced before. Nang yayain ng mga Torres na sa bahay ng mga ito magpalipas ng weekends si RJ ay agad siyang pumayag matapos kausapin ang mga magulang ni Mark.
Patungo na siya sa guest room upang lakas loob na kausapin si Dean. Tinalo pa nila ang pipi at bulag dahil wala silang ginawa kundi ang mag-iwasan. Nasalubong niya ito sa hallway. Her steps faltered, then stopped. Nakabihis ito at sa kanang kamay ay ang briefcase."A-aalis ka ba.?"
Tumango ito, bahagya na siyang tinapunan ng tingin. Nagpatuloy ito sa paglalakad at nilampasan siya, sumunod siya.
"Nagyaya si Mark na sa kanila magpalipas ng weekends si RJ.""Bahala kang magpasya."
"Pinayagan ko na siya. Pero maaari bang ikaw na ang maghatid sa kanya sa bahay ng mga torres.?" suhestiyon ni Jema.
"Bakit hindi ikaw ang maghatid? Wala kang ginagawa, di ba.?" he said coldly.
"Gusto kong magkasama kayo ni RJ, Dean. Nagtataka na siya kung bakit bihira ka na niyang makita rito sa bahay." nakikiusap ang tinig niya.
"Dapat siguro ay ipaliwanag mo sa kanya kung bakit." panunuya nito.
"Dean please.!"
"Please what.?" he snapped bitterly.
"Ano ang inaasahan mo sakin? Magpakasaya pagkatapos ng lahat? A man has only two things he can give a woman Jem. His love and his name. At tinanggihan mong pareho iyon! Hindi ka man lang makapagbigay ng paliwanag sakin kung bakit.!"Walang salitang lumabas sa bibig niya, although a thousand words flooded her mind. Her voice quivered as she murmured a very weak.
"I'm sorry." at tumalikod pagkatapos.Nang makaalis si Dean ay naihatid na rin niya ang anak sa bahay nina Mark. Iniwasan niyang sagutin ang alin mang tanong ng anak tungkol sa kanilang magasawa.
Makalipas ang isang oras ay nasa mansiyon na siyang muli. Ipinarada niya ang family Van sa likod ng isa pang sasakyan ng mga Wong. Pagkatapos bumaba'y sa likuran siya nagtuloy.
Naglakad siya sa gilid ng pool at pagkatapos ay naupo sa upuang bato. Tears of self-pity stung her eyes as she suddenly felt sorry for herself at the mess she had made of her life."Hindi ko alam na narito ka." ang malumanay na tinig ng father-in-law niya mula sa likuran.
"Bakit ka umiiyak.?"Kaagad niyang pinahid ang mga luha at sapilitang ngumiti. Nagkibit siya ng mga balikat.
Humakbang palapit ang biyenan.
"Here, drink this." inialok nito ang hawak na baso ng alak.
"Mas kailangan mo ito kaysa sakin."Tinanggap iyon ni Jema. She took a couple of swallows.
"Thank you.""Lumalala ang away ninyo ni Dean, Jema." Said the old man. Hinila ang isang silya at naupo roon.
"Tinalo pa ng anak ko ang isang may sakit na hayop. Lahat ay sinisigawan."Nanatili siyang tahimik at nakayuko. Ano ang isasagot niya?
"You're in love with my son, aren't you.?"
Nag-angat siya ng mukha rito. Hindi niya magawang itanggi ang katotohanang iyon. She sighed sadly, hindi pa rin makahagilap ng sasabihin.
"Hindi ko gustong makialam Jema, pero maaari ko bang itanong kung ano ang pinag-awayan ninyo.?"
She took a deep breath.
"Hinihiling ko kay Dean na maghiwalay na kami."Nabigla ito sa sinabi niya. Napatuwid ng upo.
"Bakit? Nitong huli'y nakita kong maayos na ang pagsasama ninyo.""I-I can't tell you the reason Papa. I'm sorry."
Mat ilang segundong nakatitig lang ang matanda sa kanya, pagkatapos ay,
"Ang susunod kong tanong ay personal Jema.""Ask away." sagot niya, hindi lumilingon.
"Alam ba ni Dean na hindi ikaw ang ina ni RJ.?"
Tila huminto sa pagpintig ang puso niya sa narinig. Nabitawan niya ang basong hawak. Napilitan siyang lingunin ito.
"P-paano...ninyong nalaman.?""Sabihin na nating hindi ako katulad ng anak ko na maniniwala kaagad sa isang babae na ni minsan ay hindi pa namin nakita O kung ang bata nga ba ay apo ko. Noong una kang dumating dito'y naghinala akong ipinapasa mo lang kay Dean ang bata bilang anak nito. Subalit hindi ko magawang isatinig iyon dahil nakita ko ang biglang pagkislap ng mga mata nang aking asawa nang matitigan ang batang kalong mo.
Nang kunin niya ang bata mula sayo ay ngumiti siya, kauna-unahan mula nang mamatay ang aming bunsong anak. Hindi ko magawang sirain ang sandaling iyon. Sinabi ng doktor na malaking bagay ang pagdating ni RJ sa kalusugan ng aking asawa. Marami akong salapi Jema. Hindi kayang ubusin ni Dean iyon gaano man kaluho ang aking anak. At ang pagdating mo sa buhay namin ay hindi makakabawas sa kayamanan ko, ano man ang motibo mo. Sa paglipas ng mga araw ay natanto kong hindi ako nagkamali ng pasyang sang-ayunan ang mungkahi ng asawa ko na pakasalan ka ni Dean.""Y-you haven't told me how you knew RJ's not my son." she said in trembling voice.
Tumayo ang matandang lalaki. He was pacing the pavement. Nasa loob ng mga bulsa ng pantalon ang mga kamay.
"I had you investigated." The eyes that turned to her were kind and full of regret.
"I saw the copy of the clinic records where your sister gave birth to RJ. My money made it possible. Naisip mo ba ang galit ko nang mabasa ko roon na ang nakasulat na ina ng bata ay ang kapatid mo.?""B-bakit hindi mo sinabi sakin o kay Dean ang nalaman ninyo.?"
"Legal kang kasal sa anak ko. Isa pa'y ikamamatay ng asawa ko kung ilalayo mo si RJ sa kanya. But believe me Jema, had you been a promiscuous woman. It could have easily thrown you out of my house in a snap of my finger and have RJ stayed with us, Wong or not."
Ang ngiti ng matanda ay hindi umabot sa mga mata nito.
"I purposely encouraged Dave to come here on the pretext of discussing business. Para magkakilala kayong dalawa. He was a handsome man, masalapi rin naman walang hindi maaakit. Lalo na ang isang tulad mong walang asawa sa tabi. Lingid sayo'y inoobserbahan ko ang pakikitingo mo kay Dave. I even knew you met with him weeks ago."Speechless, she gape at the old man.
"Si Dave ang itinuturing kong malaking pagsubok ko sayo---"
"Ang...affection ni Dave sakin, was it part of the test.?" she asked bitterly. Sa kabila ng lahat ay itinuturing niya pa ring kaibigan si Dave at masakit isiping ang pakikitungo nito sa kanya'y dahil iniutos ng biyenan.
Umiling ang matandang lalaki. He smiled sadly.
"Totoong nahuhulog ang loob ni Dave sayo. Ikinalulungkot kong naging instrumento ako sa kasawian niya sayo. Ikinalulungkot ko ring gawin ang mga ginawa ko pero ano ang inaasahan mong gawin ko matapos kong malamang hindi ikaw ang ina ni RJ.?""I...I won't grudge you for that Papa."
YOU ARE READING
STAY WITH ME
RomanceJedean story po ito😄 Lalake po dito si deanna .. Rolf Dean Wong / Dean Jessica Margarett Galanza / Jema