"Again Cultural Relativism is the idea that person beliefs, values, and practices should be understood base on person own culture rather than be judged against the criteria of another. So kung pilipino ka tapos the way you eat is nagkakamay; kasi usually tayong mga pinoy ay nagkakamay sa tuwing kumakain. Tapos, kapag nakita ka ng mga ameikano; they will judge you kasi mas formal yung paraan nila kung sila ay kumakain."pag tatalakay ng aming guro patungkol sa Culture.
Boring itong subject ni Sir Sajor kaya wala ni isa sa amin ang nakikinig sa lesson niya, bukod sa boring; matanda na kasi ang lolo natin, pumuputi na ang buhok na parang K-pop kaya hindi mo kami masisisi kung iba-iba ang ginagawa namin. Dito sa campus namin ay may kaniya-kaniyang grupo tulad ng:
SPYCE GIRLS
- Mga campus sweetheart ng taon. Lima sila sa grupo na pinangungunahan ni Devorah. Ang kanyang miyembro ay sina: jamaica, Jesiel, Darlene at Yvonne. Sila ang dakilang head turner sa mga kalalakihan, sila din ay mayaman, matalino at maganda. Ayaw nilang lumantad sa araw kaya nman, palagi silang nag dadala ng sunblock cream. Gumagamit din sila ng liptint at iba pang beauty cosmetics. Member sila ng cheering squad dito sa aming campus, samaktwid, halos bumaha ang laway ng boys kapag naka-cheering suit ang mga spyce girls. Malalaman mo din agad kung malapit lang sa 'yo ang mga 'to, dahil sa lakas ng amoy ng pabango nila. Sa kahulian, lahat ng gwapo dito sa campus ay binabakuran nila at sa oras na nakipaglandi ka sa mga Hearthrob ay dead ka.ANAK NI EINSTEIN
- Kadalasan geek, nerd at introvert ang paningin ng mga studyante sa kanila. Dahil ang palagi nilang hawak ay puro educational books. Consistent honor-student sila at wala silang pake sa mga puppy-love basta ang goal nila makapagbasa ng higit 2,000 na educational books sa isang taon. Aktibo sila kapag Pre-calculus, Gen Math at Science ang subject. Mabibigla ka nalang sa dami ng solution at equation sa board. Lahat ng Paranormal na bagy na nangyayari sa mundo ay mayroon silang paliwanag ukol dito. pinangungunahan ito ni Angelica at ang kaniyang miyembro ay sina Lovely, Regina, Precious at Georgia.FAMEWHORES
- sila yung mga taong walang ginawa kundi upload ng upload ng magagandang larawan nila. Mistulang model na sila ng downy dahil sa mga magagarang damit na sinusuot nila. Sa karagdagan, kahit saan sila magpunta ay hawak-hawak nila ang kanilang cellphone, at kung 'di niyo tatanungin, pati banyo ay ginagawang photo booth. Madami silang reactors kasi nakasali sila sa Active likers na group chat at magugulat ka nalang 'pag nag chat sila sayo ng "bes! Pa heart nga DP ko"
Madami pang grupo dito sa Paaralan namin, hindi ko na maalala at mabilang pa sa sobrang dami. Ayos lang sa akin na hindi maging papular dito sa campus, basta maging mataas ang grado ko at mapansin ni crush ay ayos na. Hindi ako gwapo at ma-appeal tulad ng ibang studyante dahil isa lamang akong hamak na simpleng studyante.
Ako si Allen 17 taon gulang mula sa akademikong sangkap ng HUMSS. Parte ako ng student council sa Saint Luis High School, balak ko kasing kumuha ng journalist o broadcaster kaya Humss ang kinuha kong strand. May taas akong 5'8 at may maayos naman akong pangangatawan, mabalbon ang aking kilay at sinasabi nilang palagi akong naka-fierce, pero ngumingiti naman ako para hindi ako mapagkamalang masungit.
Hindi madali ang pakikipagsapalaran ko dito sa Saint Lui dahil lahat kami ay naghahangad na maka akyat sa stage para mabigyan ng karangalan bilang isang honor student, aaminin ko na ay minsan nahihirapan ako, ngunit sa tulong ng ngiti ni Denver ay tila nabibigyan ako ng lakas upang ipagpatuloy ang aking ginagawa. Masaya rin ako na naging kaibigan ko si Kimi hindi niya totoong pangalan ang totoong pangalan niya ay Mike Zander Tamio hindi ko alam sa echoserang baklang iyon dahil Kimi ang gusto niyang itawag sa kanya. Mabait siyang kaibigan at masayahin, iyon ngalang ay nasa STEM siya kung saan nasa lugar siya ni crush. Balak niya kasing maging Nurse kaya wala akong magagawa sa desisyon niya.
Ayokong maging papansin sa harap ng aking hinahangaan at kung maaari ay ayokong makasalubong siya dahil pakiramdam ko ay para akong bakla na nagpapapansin sa kanya. Hindi ko din naman sinisiksik ang sarili ko sa kanya, basta para sa 'kin gusto ko siyang maging kaibigan at ayos na ito para sa akin.
Warning!
This boy love story is maybe based on a true story. The storyline showing in the BXB may be exagerated, and is the particular of individual person for Entertainment without intending to make any dishonor to any profesional within. Also, I have no intent to instruct or persuade anyone to behave in sexual activities which go against social mores make negative attitude to any group of people or Gender, if there are any mistakes I apologize.
@iMarjayNari
K. Amanashi
BINABASA MO ANG
High School Love On [ Under Editing]
Teen FictionMinsan, loka-loka ang tadhana, kung sino iyong ayaw natin ay siya pa ang binibigay. Pero, natututo naman tayo 'di ba? Bakit di na lang nating aralin na mahalin iyong taong nais dumating sa buhay natin?