Kabanata 10

1.6K 50 2
                                    

Lumipas ang normal na araw bilang buhay estudyante. Matapos ang pagkapanalo nina Denver sa Basketball league ay nag focus na ang lahat sa pag-aaral.

"In fairness nagbago na ang takbo ng career ni Florence, char. Kung dati ay isa lang siyang tambay at sakit sa ulo, pero ngayon ay naging sikat na siya at kinagigiliwan ng lahat. I love him so much talaga,"wika ni Kimi habang nakatingin sa malawak na school ground.

"Sabi nga ng iba ay karibal ni Denver si Florence. Pero para sa 'kin magiging best buds sila,"tugon ko naman.

Humarap si Kimi sabay halukipkip,"Kampihan mo nalang si Denver, akin na si Florence. Susuportahan ko siya kahit anong mangyari, maglalaban kami ni Denver sa mactan kung aawayin niya si Florence ko!"

Napangiwi ako sa kanyang sinabi. Boang na nga siya kay Florence, "Sa 'yo lang! Walang aagaw Kimi. Magpakaboang ka sa kanya, tsaka wala akong kinakampihan dahil pareho silang magaling sa paglalaro ng basketball,"tugon ko naman sabay irap.

"Ay ganun? Taray beshy isa pa nga."natatawang hirit ni Kimi sabay yakap sa 'kin.

Nagpapahangin lang kasi kami ni Kimi dito sa rooftop. Napansin kong hindi na nakikipagusap si Denver sa 'kin, marahil abala lamang siya sa paghahabol ng kanilang lesson. Samantala, si Florence naman ay medyo nagiging malapit na kami sa isa't-isa. Siguro nga ay mali
ang unang impresyon ko sa kanya, kaya pangit ang tingin ko kay Florence no'n.

"Kailan din kaya ako sisikat?"tanong ko kay Kimi dahilan para magpigil ito ng tawa.

"Sali ka rin ng basketball club, tignan natin kung 'di ka sisikat agad. Ano ba 'yang mga iniisip mo, hindi na kailangan pang sumikat ka dahil madami namang nag mamahal sa'yo. Malay natin, pati classmate mo mahal ka na rin,"tugon naman nito kaya't ngumiwi ako.

"Grabe naman, baka ako pa 'yung i-shoot nila,"

Natawa si Kimi at tinapik ang aking balikat, "Baka i-shoot nila sa'yo ang bola,"

"Pa'no naman?"kunot noo kong tanong.

"Hay! Ewan, PLDT ka talaga, ang slow mo."natatawa niyang wika samantalang ako'y napakamot na lang ng ulo.

Binalot ng katahimikan sa aming dalawa ni Kimi, kapwa kami nalilibang sa panonood ng mga estudyante sa baba. Ilang sandali pa'y may napansin akong kulay lilang lobo sa harap ko. Sumabit ito sa bakud ng rooftop, kaya't agad ko itong inabot upang kunin.

Tumingin pa ako sa baba baka may taong nagmamayari nito ngunit wala namang tao at palakad lakad lang naman ang mga estudyante doon sa school ground.

"Saan mo nakuha 'yan?"tanong ni Kimi no'ng bumaling ang tingin sa 'kin.

Nagkibit-balikat ako, "Ewan, basta na lang sumulpot diyan sa harap ko, tumingin ako sa baba pero wala namang tao."sagot ko naman sabay usisa ng lobo.

"May papel pa ata sa loob, tignan mo nga tutal wala naman 'yung nagmamayari diyan."ani Kimi sabay kuha ng lobo ngunit agad ko itong binawi.

"Anong gagawin mo? Baka mamaya paakyat na 'yung may ari nito."

"Wow, a! Pa'no mo naman na sabi e wala namang tao diyan sa baba na nakaabang."tugon niya.

"Ah basta! Ibalik natin 'to sa may ari,"giit ko dahilan para sumimangot si Kimi.

"Ito naman sobrang honest, baka mamaya kunin ka na ni lord,"pagmamaktol nito dahilan para irapan ko si Kimi.

Napatingin ako sa lobo at napansin kong may papel sa loob. Binaling ko ang tingin kay Kimi na nakanguso.

"Bitakin mo na kasi, kung may nagmamayari niyan, edi sana kanina pa siya nakarating dito sa taas. Tsaka sana sumenyas siya na kung sana pwede ibalik natin."pangungumbinsi niya.

High School Love On [ Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon