Kabanata 2

3.6K 78 2
                                    

"Hoy! wala kabang balak mag recess? nagugutom na ako kanina pa tayo naka tayo dito sa harap ng canteen. Ano bang tinitignan mo?"tanong ni kimi ngunit hindi ko siya pinansin dahil nakita kong naka-tambay ang grupo ni Denver sa loob ng canteen. Ito ang dahilan kaya halos matulala ako at mapahinto kaya naman natawa nalang si Kimi sa inasta ko.

"Nakita mo nanaman si Denver, hindi ko alam kung kailan mo siya titigilan, since grade 9 pa tayo no'ng naging crush mo siya a, at wow! Ang tagal naman ng feelings mo para sa kanya samantalang walang nagtatagal na relasyon diyan kay Denver. Chicboy iyan at palainom ng alak anong mapapala mo sa kanya aber?"aniya habang naka-pameywang

Tumingin ako kay Kimi sabay ngiti, "dahil sa huli ako din lang naman ang makakatuluyan niya, at ako ang makakapagpatino sa kanya kaya itaga mo 'yang itak sa mukha mo." sabi ko sabay lakad papasok ng canteen habang si Kimi ay naiwan sa labas habang umiiling.

Umupo kami ni Kimi malayo sa upuan nila Denver para hindi kami mapansin. Nakakahiya naman sa kanya at isa pa'y nandoon 'yung mga barkada niya, ayaw ko namang mapahiya siya dahil may nag hahabol sa kanyang 'tulad ko. Hindi naman ako totally bakla na lantad, kundi 'yung maayos at disenteng manamit.

"Anong kakainin natin? Tara order tayo kahit fries lang," wika ni Kimi ngunit tila ayaw kong tumayo dahil nandoon si Denver; sa harap ng clerk kung saan doon ka mag-o-order ng pagkain.

"Sandali lang naman, nandoon si Denver nahihiya ako."bulong ko naman at biglang tumingin si Denver sa direksyon namin ni Kimi dahilan para agad kong takpan ng libro ang aking mukha at yumuko. Basta kapag palagi siyang tumitingin ay tila natatakot akong humarap sa kanya, ang lakas ng loob kong sabihin ang mga katagang crush ko siya sa harap ng mga kaklase ko ngunit 'pag nandiyan na siya ay tila pa-paralyze ako at hindi makaimik.

"Tara na kasi, bibili lang naman tayo pagkatapos non ay wala. Umakto ka kaya na parang hangin lang siya, para hindi ka mabagabag sa pogi niyang mukha."pag-aya ni Kimi sabay hatak sa akin dahilan para matumba ang monoblock na inuupuan ko; kaya halos lahat ng mga tao dito sa canteen ay nagsitinginan sa amin, samantala ang mga grupo ni Denver ay nakatingin din sa amin ni Kimi. Ngunit, ang iba ay walang pakialam at nakadukdok lang sa cellphone nila. "Ano ba Allen bibili lang tayo! parang ipapakain naman kita kay Denver!"malakas na boses ni Kimi dahilan para uminit ang aking magkabilang tainga, habang si Denver naman ay tila nagulat na marinig ang kanyang pangalan.

"Bwisit ka! Bakit mo nilakasan 'yung boses mo nakakainis ka talaga kimi F.O na tayo."naiinis kong bulong dahilan para matawa ito at hilain ako papunta sa counter. Habang papalapit kami ni Kimi sa kinauupuan nila Denver ay siya namang pagkalabog ng puso ko na wari'y kinakabahan.

pagtapat namin sa kinauupuan nila ay parang may pinaguusapan sila patungkol sa report, ngunit hindi ko nalang sila inintindi at inisip kong walang tao sa gilid ko-walang Denver na nakaupo.

"Tol, wala pa tayong report sa chemistry, sigurado mag so-solve ulit tayo sa board mamaya ayaw ko namang mapahiya sa harap ng classmates natin pati na din sa mga dumadaang estudyante sa harap ng corridor natin, baka ma-turn of sila sa akin, mahina pa naman ako sa pagsagot ng porblems."wika ng isang barkada ni Denver-si Bryan.

"Oi! huwag mo nga kaming idamay, ikaw lang naman ang hindi nakikinig sa klase e, puro pag pa-pa-gwapo ang ina-atupag mo men! Alam mo sayang 'yang itsura mo kung walang laman iyang utak mo."sabay katok ni Brix sa ulo ni Bryan dahilan para mapakamot ito ng ulo.

"Gawin niyo na iyang assignment niyo at ako na ang bahala sa report, pero ano ba dapat yung topic natin? Oh! alam ko na Hydrocarbon nalang madami itong information."boses ni Denver, parang nangatog 'yung mga tuhod ko noong marinig ito.

"Tol! Gusto mong magpagod sa hydrocarbon na iyan? Grabe tol, nakaka pagod naman ata iyan"reklamo ni Bryan at nahagip ng aking mata na abala ito sa pagpindot ng kanyang iPad.

"Siyempre ayaw nating mapagod, ayaw nating masira ang itsura natin dahil baka iwasan tayo ng mga babae doon sa ABM. Kapag nagkaroon tayo ng eyebugs sigurado akong iiwasan nila tayo, pero! Kailangan nating magpakitang gilas sa harap ng teachers natin. Hindi lang tayo basta ma-appeal dahil matalino din tayo. Lakas 'diba mga tol?"tugon naman ni Brix sabay apir sa mga barkada niya at sabay-sabay silang nagtawanan.

"Dalawang box ng fries at isang iced tea at one burger at lemonaide,"wika ng Clerk sabay abot ng tray namin ni Kimi. Maglalakad na sana kami nang agad magtanong si Kimi kila Denver.

"Hello Denver! May pinaguusapan ba kayo patungkol sa Report niyo? Chemistry iyan noh? naku, naku, 'yung kaibigan ko sobrang talino sa Chemistry. Halos lahat ng nakikita niyang bagay sa daan ay inaalam kung anong elements ang mga nandoon sa bagay na iyon."Taas noong wika ni Kimi, hindi ko alam kung sinong kaibigan ang tinutukoy niya basta ako naka tingin lang sa labas ng bintana.

Napansin kong umiling si Denver at ngumiti ng matamis kung kaya't sumilay ang malalim nitong biloy. "Kahit huwag na kaya nanamin ito."matipid na sagot ni Denver.

"Perfect! Itong katabi ko ay si Allen nagmula sa HUMSS, classmate ni Brix."pagpapakilala sa akin ni Kimi dahilan para manlaki ang mata ko, ako? Magaling sa chemistry? Puteeek! Hindi ah electrical distribution nga diko kaya, buong chemistry pa kaya.

Nagkatinginan silang tatlo noong tawagin ako ni Kimi at agad akong pinaupo sa tabi ni Denver, na halos umakyat ang dugo ko sa aking pisngi sa pangyayari. "Siya ang kaibigan ko si Allen James Garcia ng grade 11 HUMSS, siya ay magaling sa Chemistry at never siyang naka-missed ng A+ na grade."wika ni Kimi dahilan para mapakagat ako ng dila, lumingon ako kay Kimi na abot langit ang kanyang ngiti kaya naman ginawaran ko siya ng masamang tingin. "Gaga! hindi ako magaling sa chemistry bwisit ka talaga Kimi!"bulong ko at nangiti siya, "Ito na yung chance para mapalapit ka kay Denver, thank me later."bulong nito sabay masahe sa aking balikat.

"Sige punta lang ako sa table namin enjoy and have fun!"maarteng wika ni Kimi sabay lakad papunta sa table namin. Kumekendeng ito na naglakad samantalang ako naman ay tila naliligo na ng sariling pawis. Naiilang akong tumingin sa kanila at ramdam ko ang tumutusok nilang titig sa akin. "Allen right? Sabi ni Kimi ay magaling ka raw sa chemistry, direcho-hin na kita a, kasi kailangan naming matapos iyong assignment namin at pati nadin 'yung sa report namin."naka ngiting wika ni Bryan habang si Denver naman ay walang imik.

Kaming dalawa ni Denver ay magkatabi habang naka harap naman sa amin si Brix at Bryan na kapwa nakangiti.

"Ay! Si Allen, naku, totoo ang sinabi ni Kimi. Palagi nga 'yang nag re-recite sa tuwing nagkakaroon ng recitation ang buong HUMSS."pangangatong naman ni Brix sabay ngisi sa akin, kaya naman inirapan ko ito.

"Ka-kaya niyo iyan"pilit na ngiti kong wika dahilan para umiba ang ekspresyon ng kanialng mukha.

"ganito kasi Allen kailangan naming mag submit ng report sa teacher, ano kaya ang mas magandang ibigay na report?"tanong sa akin ni Bryan habang nakangiti dahilan para pagpawisan ako sa tanong nila, sabi ko nga, mahina ako sa chemistry at isa pa anong alam ko diyan e, STEM sila, samantalang ako HUMSS ang strand.

"Punnet Square."bigla kong nasabi sabay takip sa aking bibig dahilan para matawa silang tatlo, "Allen ang punnet square ay pang grade 9 lang at isapa tungkol iyon sa Heredity."nakangiting sabi sa akin ni Denver

"Baka kasi mukha tayong bata tol."natatawang wika ni Bix habang ako ay nakikingiti nalang at nakaramdam ng matinding pagkahiya, samantala si Denver naman ay parang nagpipigil ng tawa habang nakahalukipkip. Hindi ko tuloy maiwasang titigan siya.

"Huy allen bakit titig na titig ka kay Denver gusto mo ba siyang kakainin"hirit ni Bryan dahilan para magtawanan sila habang si Denver ay tumatawa parin at ako naman ay nakaramdam ng pagkahiya dahilan para tumayo ako kung kaya't natahimik silang tatlo.

"Sorry pero hindi ako magaling sa chemistry nagsinungaling si Kimi sa inyo aalis na ako"sabi ko sabay alis sa kanilang lamesa natahimik silang tatlo habang si Kimi ay nakatingin sa akin habang palihim na nagmamasid. Ngumiti ito noong papalapit ako sa kanya ngunit inirapan ko lang siya, kabanas."ayos ba? Thank me later beshy."nakangising usal niya ngunit hindi ko ito pinansin at kaagad kong kinuha 'yung bag ko. Akma akong lalabas ng canteen nang bigla akong tawagin ni Kimi kaya nilingon ko siya, "yung burger at lemonade mo sa akin na?"tanong niya kaya naman agad akong bumalik sa lamesa namin at kinuha ito sabay walk out.

Naiinis talaga ako kay Kimi hindi niya alam na napahiya ako sa mga oras na iyon, nagsinungaling pa siya kina Denver feeling ko tuloy ang bobo ko dahil hindi ko manlang naisip na yung punnet square ay pang grade 9 bwisit.

High School Love On [ Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon