kabanata 12

1.4K 46 4
                                    

HIGH SCHOOL LOVE ON

Written by: iMarjayNari

Kasalukuyang nakatambay na naman ako dito sa rooftop at abala sa pagmamasid sa mga estudyante, wala lang tila nakasanayan ko nang tumambay dito at tinuturing ko na itong sweetspot. Bukod sa mahangin dito ay gusto kong mapag isa.

Habang sa ganoong posisyon ay nakita ko si Denver na nakaupo sa study park, mag-isa ito at abala sa pagpindot ng kaniyang cellphone habang nakadekuwatro ang paa. Kaya napag desisyunan kong lapitan ito at subukang umamin sa kaniya sa aking nararamdaman. Baka ito 'yung paraan para malaman kung may kinalaman siya sa lahat ng nangyayari sa buhay ko dito sa campus.

Habang tumatagal ay nagiibayo na ang aking nararamdaman para sa kanya at hindi ko na ito madala-dala pa, ngunit kahit anong tibay ng loob ko ay tila nagdadalawang isip pa din ako na umamin.

Pagdating ko dito sa kinaroroonan niya ay napatingin ito saka ngumiti, ako naman ay hindi ko alam ang gagawin kung aatras ba ako o sasabihin na ito, isapa ay wala namang mawawala kung aamin ako sa kanya.

"Kumusta?"tanong niya saka umusog upang bigyan ako ng espasyo sa kanyang tabi.

"A-ayos lang naman,"tugon ko sabay upo sa kanyang tabi. Sobrang lakas ng kalabog ng aking puso na para bang hihimatayin ako dahil 'di ko ito masabayan. "Ano ba 'yang tinitignan mo diyan sa Google?"tanong ko sabay dungaw nang makita ko ang mga iba't-ibang uri ng solution sa math, ngunit kaagad niyang in-off ang kanyang cellphone.

"Wala ito, siya nga pala pwede ka ba mamayang hapon? Tara mamaya sa bilihan ng Milk tea, treat ko."aniya saka sumilay ang kanyang nakakaakit na ngiti.

"Mi-Milk tea? Sure, kailan ba?"

Napakamot ito ulo at kumunot ag noo. "Mamayang hapon nga"

"Ay Oo nga pala. Saglit lang may ich-check lang ako sa phone ko kung malinis ang schedule ko mamaya."palusot ko naman sabay kuha ng cellphone ko sa bulsa. Pakunwari akong nag scroll bagamat wala naman talaga akong gagawin mamaya. Ibayong tuwa ang namamayani sa aking kalooban dahil parang totoo nga ang iniisip ko. Maliban do'n ay nahahagip ng aking mata na nakikisilip sa cellphone ko.

Napatingin ako sa kanya kaya gano'n na lamang ang kilig at panggigigil na aking naramdaman. "Wala akong schedule mamaya, saka nakakahiya naman kung ililibre mo ako, pera ko na lang."

"Baliw okay lang, ako ang nag aaya sa'yo, tsaka sabi ko nga 'di ba ayokong masabihan ng paasa. Palagi na lang na d-delay 'yung lakad nating dalawa."

"Okay lang, hindi mo naman iyon sinasadya dahil alam ko namang busy ka lagi,"tugon ko naman sabay ngiti.

"Alam mo mas cute kang tignan kapag ganito ang style ng buhok mo,"aniya sabay ayos ng aking buhok pataas. Habang inaayos niya ito ay 'di ko mapigilang titigan ang kanyang mukha. Para bang tumitigil ang lahat kapag nasa harapan ko siya, ganito ba kapag kinikilig?

Ilang sandali pa ay nahuli niya ang aking tingin kaya't nagbanggaan ang aming mata. Kaagad akong dumistansya at nagbaling ng tingin sa kabilang grupo ng estudyante.

"Allen may tanong ako sa'yo,"wika ni Denver kaya humarap ako sa kanya.

"Ano na naman iyan, ikaw ah palagi mo na lang akong pinapakaba."tugon ko kung kaya kumunot ang kanyang noo.

High School Love On [ Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon