Alas kwatro ng hapon ng dumating ang aming guro sa Oral Communicaton at nag discuss ito patungkol sa bago naming aralin, hindi ako na bo-boring sa subject na 'to dahil ito ang pinaka gusto ko sa lahat. Tungkol naman kay Kimi kahapon hindi ko pa siya pinapansin, meron pa ring inis sa aking damdamin dahil sa ginawa niya kahapon dahil nag mukha tuloy akong bobo sa harap ni Denver.
"Interpersonal communication it involves two person intimate or very personal to formal,"pagtatalakay ng aming guro nang biglang may pumitik sa aking tainga mula sa likod dahilan para mapalingon ako at nakita kong palihim na tumatawa ang mga kaklase kong loku-loko. Inirapan ko nalang sila at hindi na pinansin pa. Samantala, sa kanang upuan naman ay tulog na tulog ang pinaka gwapo naming kaklase, ngunit wala namang saysay ang ka-pogihan niya dahil puro kalokohan ang alam, transferee siya galing Nueva Ecija at tama nga ang sabi nila na gwapo raw ang mga nakatira doon ngunit anyare sa utak nito?
Kadalasan siyang napapagalitan dahil sa pagiging makulit, pero hinahabol siya ng aking mga kaklase dahil sa taglay nitong karisma. Maamo ang kaniyang mukha, singkit at bilugan ang kaniyang mga mata; isama mo na din ang kaniyang matangos na ilong at manipis na labi na animo naka-lipgloss palagi. Ngunit wala akong paghanga sa kanya dahil basag ulo siya, ayaw ko namang maging katulad niya 'no eng eng niya.
Ibang-iba si Florence kay Denver. Oo aaminin ko magaling uminom at chicboy si Denver, natural lang dahil pogi siya pero itong si Florence? Naku pogi lang ang meron siya basag ulo pa.
"Intrapersonal communication can be positive or negative and can directly influence how people perceive and react to situations," wika ng aming guro habang nagsusulat sa pisara at ako naman ay nakahalumbaba habang pinagmamasdan siyang nagsusulat. Makalipas ng ilang sandali ay muling may pumitik sa aking tainga ngunit hindi ko nalang sila pinansin kasi masiyado lang silang K.S.P mga chonggo ng taon! Hindi ko alam kung bakit sila napunta dito sa strand na ito, may pasabi-sabi pang "I want to become Policeman someday," e, mukha naman silang kriminal.
"Ok that's all for today class goodbye,"sabi ng aming guro sabay labas ng aming classroom, dito ay nagsilabasan na din kaming lahat upang makauwi na. Samantala si Florence ay mabilis na nagsukbit ng bag sabay alis ng classroom ewan ko sa lalaking iyon.
Kasalukuyan akong pumapanhik pababa ng hagdan nang biglang sumulpot si Kimi sa bungad at mabilis na lumapit sa 'kin, kasabay nito ang paglingkis ng kaniyang kamay sa braso ko, "Fwend! uuwi ka na? Aysus, sayang naman kung uuwi ka na talaga kasi ganito 'yon, may bagong bukas na barbeque resturant doon sa may foodcourt malapit sa palengke,"masayang wika nito ngunit binigyan ko lamang ng irap saka naglakad naglakad direcho ng hallway.
"sino kaba, kaibigan ba kita?"tanong ko sa kanya sabay taas ng kaliwang kilay dahilan para ngumuso ito, "Fwend naman eh gomenasai! Hindi ko na uulitin iyon gusto ko lang naman kasing mapalapit ka kay Denver e, aay! Usapang Denver, nandoon sila ngayon sa bagong bukas na barbeque resturant"pagpaparinig nito sa akin dahilan para mapatingin ako sa kanya.
"Totoo ba iyan? sige tara na ang bagal mo naman!"wika ko at dali-daling nilisan ang hallway upang pumunta sa barbeque-han, hindi ko alam kung bakit bigla akong nabuhayan parang may kung anong kilig na nararamdaman ko ngayon.
"Grabe siya kapag usapang Denver nabubuhayan ka anywayz highwayz! Let's go at baka maubusan pa tayo ng pagkain doon, isa pa ay baka hindi nanatin maabutan pa si Denver," wika nito sabay lingkis ulit ng kamay niya sa akin. Dito ay masaya kaming nag kwentuhan papunta sa bagong bukas na kainan, ganiyan talaga kami ni Kimi minsan biglang may hindi pagkakaunawaan tapos hindi mag papansinan, pero hindi magtatagal ay magkakabati din kami.
Pagdating namin dito sa harap ng kainan ay tila nakaramdam ako ng kaba no'ng makita ko si Denver sa loob. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman basta kusa nalang kumalabog ang aking puso, tapos ang nakakahiya ay kapag nasa harap ko na siya bigla nalang akong matutulala.
BINABASA MO ANG
High School Love On [ Under Editing]
Teen FictionMinsan, loka-loka ang tadhana, kung sino iyong ayaw natin ay siya pa ang binibigay. Pero, natututo naman tayo 'di ba? Bakit di na lang nating aralin na mahalin iyong taong nais dumating sa buhay natin?