Humarap ako kay Kimi nang makita ko itong nakangisi sa akin. "Titigil na talaga ako sa paghahabol diyan kay Denver, ayoko na peksman!"pagmamaktol ko.
"Weh, sure na ba 'yan o rehearsal mo lang? Saka tigil-tigilan mo nga ako sa mga inarte mo eh halos araw-araw nag lalaway ka diyan kay Denver, kaya imposibleng titigil ka na. Huwag ako."tugon naman nito na ikinaismid ko.
"Ay pak! May pa JS Prom pala ang campus natin infairness naman itong president natin sa council at narinig na ang mga prino-prostesta ng mga soulsisters dito sa campus."dagdag pa niya habang naka titig sa laptop niya.
"Ayokong dumalo sayang oras, matutulog na lang ako o kaya babawi sa acads ko. Stress talaga ako kay Denver!"
"At ano namang kasalanan ni Denver sa'yo bakla."wika ng isang babae sa harapan namin kaya naman sabay kami ni Kimi na nag angat ng tingin. Ito ay walang iba kundi si Darlene; miyembro ng Spyce Girls.
"Wala, bakit kasali ka sa usapan namin?"tanong ni Kimi.
"Hindi ikaw ang kausap ko kaya tumigil ka, pero okay lang ganyan talaga ang mga bakla kahit na hindi kinakausap ay sumasabat."
"Eh anong ginagawa mo dito?"tanong ko naman.
"Well narinig ko na may JS Prom daw na magaganap, pero kung nagbabalak kayo na sumali edi go! As long as may partner kayo. Pero, sino naman ang papayag na maging partner kayo eh mga mukha kayong janitor ng campus. Tsaka bawal ang Jologs don lalo na ikaw Allen."wika ni Darlene sabay bitaw ng matamis na ngiti at maya-maya ay umirap ito.
"Wala kang pakialam kung jologs man ako sa paningin mo, pero don't worry di ako dadalo."tugon ko naman.
"Mabuti 'yan, eh saan ka naman kukuha ng isusuot mo kung dadalo ka di ba? Alangan namang aabang ka ng barong diyan sa tabi-tabi, ang cheap!"aniya dahilan para ikuyom ko ang kamay ko. Napatingin ako kay Kimi sabay irap saka muling binaling ang tingin kay Darlene na nakangiti—plastik na ngiti.
"Eh ano naman kung cheap yung mga barong diyan sa tabi-tabi di ba? At least babagay sa akin at 'di tulad ng sa'yo na parang isasagala sa Santa Krusan."bawi ko naman.
"Walang maayos na rebat?"tanong ni Darlene sabay tawa na animo'y nakakatawa talaga. "Tignan mo na lang soon, baka nga umatras ka dahil 'yung damit na isusuot mo ay mumurahin lang, pang tuition mo na lang beh, kawawa naman lola mo kung mangungutang pa, hayaan mo na si Denver dahil kami din lang ang makikita niya. Alangan namang ikaw 'di ba? Eh sa itsura mo pa lang talo na at huwag ka nang umasa pa Allen, walang straight na lalaki ang nakikipareha sa tulad mong bakla."sabi ni Darlene sabay tapik ng balikat ko.
"Huwag kang mag-apply ng concealer ha, baka mapagkamalan ka pang taga baryong pipitchugin, alam mo na minsan 'yung mga taga baryong dumadalo eh minsan jologs."dagdag pa niya sabay lakad palayo sa amin.
Tila gusto ko na itong sampalin o sabunutan para man lang mailabas ang inis na nadarama ko bwesit na hayop at dinamay pa pati Lola ko! Eh never nga kaming nangutang gaga siya!
Para bang binastos niya ang pagkatao ko at higit sa lahat ay minaliit lamang kami. Dahil don pakiwari ko'y maluluha ako ngunit mas pinili kong tatagan ang sarili ko kaysa mag mukhang kaaawa-awa.
"Hayaan mo na ganiyan talaga sila masiyadong offensive magsalita. Part tayo ng student council tandaan mo yan fren, di dapat tayo pumapatol."ani Kimi habang niyayapos ang aking likod. Hindi ko na lamang kinibo at binaling sa iba ang aking atensyon.
PAGKATAPOS ng klase namin sa hapon ay nabuo ang bulungan at usapan sa hallway tungkol sa magaganap na JS Prom. Tulad ng inaasahan ay nagagalak ang lahat dahil nga ito ang kanilang pinapangarap, ngunit ako, heto walang pakialam at wala akong gana upang sumali sa Prom. Ewan ngunit nararamdaman kong mapapahiya lamang ako sa magaganap na Event, tsaka tama naman 'yung sabi ni Darlene na walang may gustong makapareha ako.
BINABASA MO ANG
High School Love On [ Under Editing]
Teen FictionMinsan, loka-loka ang tadhana, kung sino iyong ayaw natin ay siya pa ang binibigay. Pero, natututo naman tayo 'di ba? Bakit di na lang nating aralin na mahalin iyong taong nais dumating sa buhay natin?