Kabanata 5

1.7K 59 5
                                    

HUWEBES, nakatamabay ako ngayon dito sa upuang gawa sa bato kasama ang iba pang estudyante dito sa silok ng punong-maple. Abala kasi ako sa pagbabasa ng notes ko sa Gen Math dahil may recitation daw kasi kami sa susunod na araw. Gusto ko namang makasagot kahit papa'no, ayaw ko namang ma zero sa recitation. Bukod sa malilim dito sa tambayan namin ay presko ang hangin kaya naman makaka-reeview ka ng maayos, tungkol pala kay Kimi abala siya kasi may gaganapin silang outreach program; inihalal kasi siya bilang pangalawang pangulo sa pangkalahatang STEM.

Habang sa ganoong posisyon ay biglang may tumakip sa aking mga mata mula sa likod ko, kaya naman kaagad kong hinawakan ang kamay nong tumakip ngunit hinigpitan niya lamang ito.

"Denver ikaw ba 'yan?"nakikilig kong tanong. Kung hindi ako nagkakamali ay oxygen G.A.S ang kanyang pabango, sobrang bango at nakakapanghina ng tuhod. Barakong-barako ang amoy na bumagay sa kanyang tindig.

"Hindi. Kaklase mo 'to, si Florence, bakit ba kilig na kilig ka sa lalaking 'yon nandito naman ako para sayo,"pagpapakilala niya sabay alis ng kanyang kamay. Umupo ito sa ibabaw ng lamesa paharap sa akin.

"Mas gwapo naman ako kay Denver, hindi ko alam kung bakit tumitingin ka pa sakanya e, nandito naman ako para maging kabaliwan mo tsk, tsk,"nakangisi nitong wika sabay iling sa akin kung kaya't napangiwi ako.

"Para sa ikaalam mo, ibang-iba si Denver sa 'yo, sabihin na nating siya ay palainom ng beer at chickboy. Pero, samantalang ikaw? Oo, may hitsura ka nga pero basagulero naman,"pang-aasar ko dahilan para ilapit niya ang kanyang mukha. Pero, kaagad naman akong umiwas at baka ano pang gawin niya.

"Aruy! Ang pangit naman ng impresyon mo sa 'kin, pero hindi lang naman si Denver ang may abs a! Gusto mong makita ang akin?"sabay taas ng kaniyang white T-shirt dahilan para tumambad sa akin ang maputi at makinis nitong tiyan na may apat na pandesal.

Tumikhim ito sabay ngisi, "Baka gusto mong hawakan at bilangin. Huwag kang mag-alala mabango 'yan dahil oxygen ang brand ng body spray ko,"aniya

"I-Itigil mo nga 'yan, masiyadong maginaw dito at baka pasukan ka ng lamig, baka kabagin ka,"pagbabawal ko habang umiiwas ng tingin sa kanyang tiyan na wala manlang ka taba-taba. Nakakainis ang rupok-rupok ko talaga pagdating sa ganiyan.

"Pasimple ka pa gustung-gusto mo din lang naman, huwag ka ng mahiya pa sa 'kin. Kaklase naman kita kaya bilang kapalit ay turuan mo nalang ako sa lahat ng lessons natin, ang hirap e,"nakangiting wika ni Florence atsaka lumipat doon sa katapat kong upuang gawa sa bato. Magkaharap na kami ngayon, halumbaba siya sabay ngiti sa akin. Tila natatamaan ako sa kanyang ngiti kung kaya't inirapan ko ito at sinilid ang mga notebook ko sa bag. Makulit siya pero ang lakas ng appeal, sayang lang, pero kung nag-aaral siguro ito ng mabuti ay botung-boto ako sa kanya.

"Oi! Huwag ka ngang magpa-gwapo sa harap ko, ang pangit tignan e, pero kung gusto mong tulungan kita ay magbago ka muna. Please lang ayaw ko ng makulit at basagulero,"kunwari kong wika-gwapo naman talaga siya.

"Sige magbabago na ako para sa 'yo. Pero, aminin mo muna na naga-gwapuhan ka sa akin,"nakangiti nitong wika kung kaya't natawa ako dahil sa kakulitan niya.

"Bakit ka nga pala nandito, e, para lang sa mga mag-aaral ang lugar na pinuntahan mo?"biro ko sa kanya sabay kuha ng libro sa bag ko- ang It's time to say Good bye book 2.

"Nakakainip sa classroom at wala akong magawa, saka ang ingay nila doon nakakarindi 'yung boses ng mga singer nating kaklase,"sagot ni Florence sabay silip sa binabasa ko kaya kaagad ko itong sinara.

Napakamot siya ng ulo at pinangunutan ako ng noo, "Ano ba 'yang binabasa mo? Ang hilig niyong magbasa, nakakabagot. Mas maganda sana kung pinapanood mo 'yan."

High School Love On [ Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon