Biyernes. Free day namin ngayon kaya pwede naming isuot ang mga nais naming isuot. Dahil nga hindi ako sumipot noong inanyaan ako ni Denver para makipag friendly talk sa cafeteria, ay minarapat kong pumunta doon sa basketball court ng aming campus upang panoorin siya ngayon. Marahil, nagsimula na ang kanilang pag-eensayo.
Parte si Denver ng varsity dito sa campus. At sa lahat ng kanilang laban ay naiuuwi nila ang titulo. Kaya naman labis ang aking paghanga sa kanya dahil sa pagiging matalino niya sa lahat ng larangan. Bukod pa Doon ay kasali rin si Zanbrix at Bryan sa varsity.
Habang naglalakad ako dito sa hallway ay damang-dama ko ang tuwa ng bawat estudyante. Hindi lang naman ako ang humahanga kay Denver dito sa campus, madami kami at dinaig pa ang artista sa dami ng fans niya. Mukhang, marami talaga ang nag-aabang sa gaganaping practice mamaya.
Diretso lang ang aking lakad at hanggang sa biglang may humarang sa 'king harapan, kung kaya bigla akong natigil.
"Ikaw si Allen, tama ba ako?"tanong ni Regina; miyembro ng anak ni Einstein. Sinakop ng salamin sa mata ang kanyang mukha. Mataba at binabakuran ng kulay asul na braces ang ngipin.
Dahil sa gulat ay tumango-tango na lamang ako bilang tugon.
"Naghahanap kami ng bagong member sa grupo namin, napagpasiyahan namin na bagay ka sa grupo kaya heto nilapitan kita upang malaman ang pasya mo. Pero bago 'yun, dapat nakapagbasa ka na ng at least 45 educational books para maging qualified ka,"sabi ni Regina sabay galugad ng itaas na ngipin gamit ang kanyang dila, dahilan para mapangiwi ako.
"Pasensya ka na, a. Hindi kasi ako fund ng books, normal type lang ako at hindi bookworm,"tugon ko naman sabay ngiti ng pilit.
"Ga-Ganon ba? Sana nakinig nalang ako sa instinct ko, nag dalawang isip ako no'ng napagpasiyahang isali ka sa grupo. Alam ko namang unti lang ang IQ mo, salamat sa oras."nakangiting usal niya sabay lagpas sa akin. Naiwan akong nakanganga dito sa gilid ng hallway.
"Bastos,"tanging naibulong ko na lang.
Habang sa ganoong posisyon ay mas lumakas ang tilian ng bawat estudyante dito sa hallway. Pinapalibutan nila ang isang lalaki ngunit 'di ko batid kung sino. Pero, sa tingin ko'y si Denver ito o kaya isa sa dalawa nitong kaibigan; si Bryan o Zanbrix.
Pero mas dumami pa ang lumapit sa kanya lalo na 'yung mga classmates ko, tila wala lang ako dito sa gilid dahil binabangga lang nila ako.
"Psst! Glenda, sino ba 'yan? Bakit baliw na baliw kayo diyan, e, si Denver lang naman ata 'yan?"tanong ko. Sa HUMSS kasi ay unti lang kaming fans ni Denver do'n.
Lumingon ito habang abot langit ang ngiti. "Gege si Florence 'yan! Nag try out siya kahapon at pasok siya. Finally may varsity player na ang strand natin. Kahit anong mangyari isu-support ko siya, dahil bukod sa gwapo si Florence ay bagay na bagay sa kanya ang Jersey ng campus natin. Diyan ka na,"wika nito sabay takbo at nakisiksik sa mga estudyante.
Napansin kong napatingin si Florence dito sa aking kinatatayuan at walang anu-ano'y kumindat ito sabay thumbs up sign. Nginitian ko lang siya at muling naglakad palabas ng hallway. Bakit ang bilis naman ata ni Florence nakuha sa basketball club. Sabagay gwapo at magaling naman siya kaya walang duda.
Pagdating ko ng basketball court ay walang katao-tao sa paligid, ang akala ko ba nandito sila ngayon, hindi ba natuloy? Patuloy ako sa pagmuni-muni dito sa loob ng court hanggang sa napagpasyahan kong bumalik ng classroom.
Umatras ako at naglakad nang aksidente kong mabangga ang isang lalaki, pamilyar ang amoy dahil sa nakakapanghina ito ng tuhod. Minarapat kong i-angat ang aking tingin, at biglang lumakas ang pintig ng aking puso no'ng makita ko si Denver na nakangiti. Napagtanto kong nakasubsob ako sa kanyang matipunong dibdib, kaya naman kaagad akong dumistansya sa kanya.
BINABASA MO ANG
High School Love On [ Under Editing]
Teen FictionMinsan, loka-loka ang tadhana, kung sino iyong ayaw natin ay siya pa ang binibigay. Pero, natututo naman tayo 'di ba? Bakit di na lang nating aralin na mahalin iyong taong nais dumating sa buhay natin?