Kabanata 7

1.6K 53 3
                                    

Abala ako sa paghahanda para sa pagpasok sa aking paaralan. Tungkol naman sa black eye ko ay gumamit na lang ako ng concealer para itago; ngunit medyo pansin parin ito. Pero mabuti na lang at hindi na katulad kahapon na halos nagmu-mukha na 'kong panda. Binuksan ko ang aking closet upang kunin 'yong long sleeve at vest na uniform namin sa campus. Kulay maroon at may logo ito ng aming paaralan.

"Aalis na po ako,"pagpapaalam ko sabay labas ng aming tarangkahan at kaagad na sumakay sa loob ng traysikel. Medyo makulimlim ang buong kalangitan at tila may nagbabadyang malakad na ulan. Mabuti't nakapagdala ako ng kapote at payong para may gagamitin ako mamaya.

Tumigil ang traysikel dito sa tapat ng maingate ng aming campus kung kaya agad akong bumaba kasabay nito ang pag-abot ko ng aking pamasahe. Pumasok na ako sa gate at sinalubong ako ng mga estudyanteng nakikipag-kwentuhan sa mga kabarkada nila, at ang iba naman ay nagbabasa ng aklat. Ngunit karamihan ay mga estudyanteng palakad-lakad sa paligid.

Ganito ang palaging senaryo na makikita sa loob ng Saint Luis High School, may mga campus idol at mga normal na estudyante na walang ginawa kundi tumutok na lang sa kanilang pag-aaral.

Sikat parin si Denver mula noong unang tapak ko dito sa paaralang ito, marahil dahil ito sa taglay niyang kagwapuhan at kakisigan na talaga namang magpapakamatay ang lahat para lang maka-date siya.

Pagdating ko rito sa ground floor ng aming building ay nagtungo muna ako ng locker room, upang ilagay itong dala kong kapote at payong. Gusto ko kasing magkaroon ng espasyo sa loob ng aking bag, bukod pa rito ay madami akong dala na libro.

Bahagya kong inikot 'yung susi at dito'y bumukas ang aking locker, pero noong mabuksan ito ay biglang nagsihulugan ang mga bulaklak galing sa loob, at mga papel na may disenyo na animo'y mga love letters. Napansin ko rin ang korteng puso na kahon sa pinaka loob, at noong kunin ko ito ay naglalaman ng chocolate.

Tila natuod ako sa aking nakita habang nagkalat ang mga bulaklak at mga love letters sa sahig. Binalot ako ng pagtataka kung sino ang naglagay nito sa aking locker. Pinulot ko pa ang mga 'to at sinilid sa loob. Siniyasat ko pa kung akin nga ba itong binuksan kong locker at 'di naman ako nag kamali.

Halos uminit ang aking tainga at nakaramdam ako ng kilig sa aking kaibuturan. Pakiwari ko'y nangangatog ang aking tuhod, dulot ng kakaibang boltaheng gumagamapang sa 'king mga ugat. Napansin kong may mga stolen shots pa dito, kaya na tawa na lang ako sa aking itsura. Sa likod ng aking larawan ay may naka sulat na "10-9=?" kaya nakunot ang aking noo nang mabasa ko 'yun.

"Sino naman ako para bigyan ng ganito?" tanong ko sa aking sarili. Sa mga oras na 'to ay parang sinakop na ng teorya ang aking isipan. Maraming palaisipan ang bumabagabag sa 'kin, subalit wala kahit isang sagot ang nais pumasok sa aking utak.

"Allen,"isang boses ng binata ang umalingawngaw dito sa loob ng locker room, sanhi nito ang pag-angat ng ang aking ulo. Doon ay bumungad si Denver na nakatayo sa tapat ng pintuan.

"Denver ikaw pala, bakit anong kailangan mo?"

Ngumiti siya at pumasok dito sa loob. Ibayong kaba ang namayani sa aking kaibuturan, dahil sa bawat hakbang ni Denver palapit sa 'kin ay mas lalong lumalakas ang pintig ng aking puso, animo'y lalabas na ito.

"Pwede ka ba mamaya? Kung wala kang gagawin ay pumunta ka ng covered court. Gusto ko sana na nandoon ka para suportahan ako, practice lang naman, pero malaking bagay na sa 'kin kung dadalo ka,"aniya sabay ngiti.

Tinuro ko ang aking sarili at hindi ako makapaniwalang nandito siya sa harap ko upang imbitahin para manood ng kanilang practice.

"O-Oo naman! Ikaw pa ba, kahit na hindi tayo masiyadong close ay malakas ka na sa 'kin,"tugon ko naman at parang kinakapos ako ng hininga dahil sa pinaghalong kaba at tuwa.

High School Love On [ Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon