Kabanata 9

1.5K 59 1
                                    

Lumipas ang Ilang araw at dumating na nga ang pinaka aantay ng lahat; ang Municipal Basketball League Tournament. Labanan ito ng iba't-ibang paaralan dito sa lalawigan ng Ilocos Sur. Idineklarang maglalaban ang Team Lightning Volt at Blue Dragon ng Lauren High. Samantala, pinayagan kami ng aming Principal na manood ng paligsahan, kaya naman nagpagawa ang mga estudyante ng banner bilang simbolo ng suporta para sa 'ming manlalaro; na kung saan ay ang mga Lightning Volt. Gayunman ay hindi parin ako makakapanood ng maayos upang suportahan si Denver. Dahil ang mga kagaya kong student council ay naatasang magbigay ng inumin sa mga manlalaro namin.


Mistulang magigiba ang buong auditorium dahil sa lakas ng hiyawan ng mga estudyante na galing pa sa iba't-ibang paaralan. May mga hawak silang balloon habang winawagayway sa ere.

Kasalukuyang nakatayo kami ng aking kasamahan dito sa gilid ng auditorium, kasama si Kimi na kanina pa picture ng picture.

"Mag u-update ako mamaya ng profile mga beks! Pakipusuhan nalang. Ayoko ng like please lang!"ani Kimi.

"Gagang 'to hindi ka naman maganda para pusuhan ng lahat. Mabuti sana kung member ka ng Spyce Girls, edi mapipilitan silang i-hit 'yung heart reaction,"wika ni Jerson.

"Awts gege. Parang sinasabi mong hopless na 'ko,"pagmamaktol naman ni Kimi. "Well speaking of spyce girls, parating na sila,"

Naghiyawan ang mga estudyante ng Saint Luis. Kanya-kanya sila ng banner para suportahan din ang Spyce Girls, naku ewan ko sa kanila, wala naman silang gagawin kundi mag cheer lang.

Pumagitna ang mga member ng Spyce Girls at doon ay nag cheer nga sila. Nandoon 'yung tumambling sila sabay split. Maayos naman 'yung execution at variation ng kanilang steps, kaya wala namang problema.

Pagkatapos no'n ay nagsimula nang magsalita ang announcer...

Announcer: Magandang umaga sa inyong lahat! energy nga diyaaaaan! Nandito tayo ngayon upang saksihan kung sino nga ba ang makakasungkit ng 'golden blazing ball trophy, sa araw na ito. Kung sino man ang mananalo ngayon ay kaagad na makakapasok sa division league, simulan nating tawagin ang mga Lightning Volt ng Saint Luis High School. Kung saan lahat ng player ng kanilang athlete ay gwapo.

Nagsilabasan ang mga basketball players ng Saint Luis High School dahilan para balutin ng hiyawan at tilian ang bawat sulok ng auditorium.

Sobrang sakit sa tainga at talaga namang nakakabingi ang kanilang ingay. Samantala, kusang ngumiti ang aking labi noong makita si Denver habang kumakaway ito sa mga manonood. Umeksena rin ang mga baklang galing pa sa kanilang parlor, ang iba ay umuungol na ewan at inaaya ang players namin.

"Wala naman talagang masama sa pagiging bakla. Pero ang ibaba ang dignidad mo sa pamamaraang hindi naayon sa ugaling mag-aya ka ng anu-ano, ay 'di na pwede 'yun. Kaya maraming na ba-bash na bakla dahil sa mga ganiyang ugali."wika ni Kimi na matalim ang tingin sa mga baklang hayok makita ang players namin, dahilan para mapangiwi ako.

"Hayaan mo na, baka nag bibiro lang sila, grabe ka uy!"mungkahi naman ni Francis na abala sa pagkain ng mamon.

"Huwag niyo nang pansinin itong si Kimi no Yawa, masakit lang 'yung kalooban niya dahil hindi siya sinipot ng ka date niya doon sa Grindr."tugon ko naman na ikinairap ni Kimi sa 'kin.

"Kimi no Yawa talaga? Grabe ka naman frenny."

Samantala napansin ko naman si Florence na kumakaway sa akin, kaya naman kumaway din ako sa kanya pabalik, nang bilga itong kumindat. Binelatan ko na lamang siya dahil masiyado siyang palaglag (pa fall).

Announcer: ang init! grabe pinagpawisan ako. Ituloy natin, at ngayon naman salubungin naman natin ang Blue Dragon ng Lauren High!

At doon nagsilabasan ang mga players ng Lauren High, maskulado ang mga 'to at talaga namang kapansinpansin na nag g-gym sila. Bahagya akong napatingin kay Kimi na nakasimangot at umiiling-iling na animo'y may mali sa mga players.

High School Love On [ Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon