Kasalukuyang naglalakad ako dito sa hallway palabas ng aming building, halos wala ng katao-tao sa mga classroom na nadadaanan ko. Mariin kong naririnig ang tunog aking sapatos na lumilikha ng ingay mula sa bawat sulok ng hallway. Pagkalabas ko ng building ay agad akong nagtungo sa locker room naming grade 11-HUMSS; maganda dito sa pinapasukan kong paaralan, bukod sa malawak ang espasyo sa ground ay may basketball court para sa mga sumali sa sports na 'to. Parang Japanese style dahil may rooftop ang bawat building na binabakuran ito ng alambre.
Madami kaming club dito sa Saint Luis, at sa hindi pagmamayabang ay nabibilang ako sa badminton club. Sa dulong likod ng aming campus ay nandoon ang Tennis at Soccer court, sa kaliwang gilid naman ay nandoon ang covered pool na kung saan doon pumupunta ang mga sumali ng swimming club. Masaya dito sa aming paaralan lalo na't palaging may magagandang events na nagaganap kada buwan.
Pagdating ko dito sa locker room ay kaagad kong inalis ang mga librong kargada ng aking bag at nilagay lahat dito, pero, napatingin ako sa bandang sususihan na tila may sira ngunit hindi ko masiyadong inusisa at nilisan nalang ang silid.
Pagdating ko ng main gate ay nilibot ko ng tingin ang paligid at nag baka sakaling nandito ba si Kimi, ngunit bigo akong hanapin siya, marahil nandoon pa siya sa council office-cleaners kasi sila ngayon doon sa office namin.
Lalabas na sana ako ng gate nang biglang may tumawag sa akin mula sa likod, kaya bahagya ko siyang nilingon, "Ow! De-Denver nandito ka pa?"nauutal kong tanong dahilan para matawa ito at tumakbo palapit sa akin, heto nanaman ako kinakabahan at lumalakas ang tibok ng aking puso. Habang papalapit ito ay parang bumabagal ang lahat sa paligid na tila isang slow motion ang kaniyang pagtakbo, maya-maya pa ay unti-unti niyang inalis ang kanyang blazer uniform sa paraan ng pag alis ng kanyang butones- hanggang sa puting sando nalang ang natira.
Halos napalunok ako ng walang laway sa nakita at pakiwari ko'y nangangatog ang aking mga tuhod dahil sa napagmasdan, umawang ang aking bibig dahil sa kanyang biceps at ang perpektong pagkakahugis ng kanyang katawan. Pero, mas lalo akong naulol noong inalis niya ang kanyang sando, dahilan para manlaki ang mga mata ko sa anim nitong pandesal. Hindi ko inaasahan na ganito pala kasarap si Denver kaya naman pala madaming bakla at babaeng lumalandi sa kanya.
"Allen, gusto mong sabay na tayong umuwi?"naka ngiti nitong tanong no'ng makalapit siya sa akin sabay kuha sa 'king kaliwang kamay, at dito'y pinahawak niya sa akin ang kanyang batak na abs na damang-dama ko ang tigas nito. Nakalabas pa ang garter nitong kulay neon orange namay tatak na Bench.
"Allen ayos kalang? Bakit ka nakahawak sa tiyan ko, ey?"tumatawa niyang tanong sa akin, kaya kaagad kong napagtanto na imahinasyon lang pala ang lahat. Nakahawak parin ako sa kanyang tiyan, habang siya naman ay nakangiti habang kinakamot ang kanyang batok. Halos manlaki ang aking mga mata dahil sa ginawa ko dahilan para makaramdam ako ng matinding hiya, nakakainis!
"Ano bang nangyari sa'yo? nagulat nalang ako no'ng agad mong hawakan 'yung tiyan ko. Bakit gusto mo bang makita yung abs ko? O, baka naman yung little elephant ko?"pilyo nitong tanong sa akin sabay kagat ng ibabang labi, dahilan para tapikin ko siya sa kamay at umirap habang siya naman ay tumatawa lang.
Dahil sa sobrang hiya ay tumakbo sko palayo sa kanya ngunit napansin kong humabol ito kaya naman mas binilisan ko pa ang aking pagtakbo. Nakakinis! Kinakabahan nanaman ako, pakiwari ko ay kinikilig ako na kinakabahan.
"Allen! Saan ka pupunta ey! hintayin mo ako sabay kana sa akin pauwi ihahatid kita, oi!"tawag nito sa akin habang sinusundan ako, samantalang ako naman ay tinakpan ang aking tainga habang binibilisan ang takbo. "Huwag na! Mauna ka na please huwag mo akong sundan," sagot ko ngunit hindi parin siya tumitigil at nakasunod pa rin.
Lumiko ako ng kanto para iligaw siya ngunit sadyang makulit si Denver dahil sinundan pa niya ako. Pero, patuloy lang ako sa pagtakbo, hanggang sa wala na akong daan dahil isang malaking pader na ang nasaharap ko. Kaya naman wala na akong ibang nagawa kundi bumalik.
"Ikaw a! Allen hindi mo naman sinabi sa akin na gusto mo pala makipag-habulan sa 'kin. Edi sana sinabi mo nang mas maaga para napaghandaan ko,"hingal aso nitong wika habang nakahawak sa kanyang mga tuhod. Samantalang ako naman ay pawis na pawis dahil sa pagod.
"Bakit mo pa ako sinundan?"pasigaw kong tanong at tumingin sa akin si Denver habang hawak ang isang I.D- akin 'yun.
"Ibabalik ko sana sa'yo ito nahulog no'ng hinawakan mo yung tiyan ko,"nakangisi nitong wika namay halong pang-aasar. Napakagat naman ako sa aking hinlalaki kaya lumapit ako sa kanya upang kunin ito.
Ngunit, humakbang ang kanyang paa pasulong kasabay ng paghulma ng ngisi sa kanyang labi. Tumingin ito na may halong panunukso kung kaya't tila nakakaramdam ako ng kaba sa kanyang mga titig.
"Habulan pala ang gusto mo a, kung gano'on, ako naman ang habulin mo,"aniya sabay takbo ng mabilis kaya naman hinabol ko ito upang mabawi 'yung I.D ko. Mistulan kaming mga batang naghahabulan sa mga oras na iyon, ngunit masaya ako dahil habang tumatagal ay napapalapit na ako sa kanya, 'di tulad ng dati na hanggang iwas at tago ang aking ginagawa kapag dumadaan siya sa corridor ng aming classroom.
Noong mahuli ko siya ay nabigla ako no'ng kaagad niya akong hinawakan sa baywang at mabilis na inikot dahilan para lumiyad ako, samantala humawak si Denver sa aking beywang habang nakangiti. Para kaming magkasintahan sa aming posisyon. Nakatitig siya sa akin at ganon din ako kung kaya't nagtama ang aming mga mata. Ngumiti si Denver ng napakatamis at mabilis niya akong ninakawan ng halik.
Natulala ako at napahawak sa 'king labi, sobrang bilis ng pangyayari! Hindi ako makagalaw at ramdam kong painit ng painit ang aking temperatura sa katawan. Tila isang video na paulit-ulit na nag p-play sa aking isipan ang ginawa niyang paghalik sa 'king labi. Ibayong tuwa at kilig ang nadarama dahil sa ginawa ni Denver. Gusto kong humiyaw dahil sa kilig at nais ko siyang yakapin ng mahigpit sabay bulong sa kanya upang sabihin kung gaano ko siya kagusto.
"I.D mo sa susunod huwag kang tatakbo a! pinagod mo ako," wika ni Denver sabay suot sa akin ng I.D at inayos pa ang aking kuwelyo. Ngumiti siya ng matamis kaya muling sumilay ang kanyang malalim na biloy, ginulo pa niya ang aking buhok at naglakad siya palayo sa akin.
Sinundan ko lamang siya ng tingin at noong papasok na ito ng kanilang kotse ay lumingon pa si Denver sabay kaway sa akin, kaya naman sinuklian ko din ito ng isang matamis na ngiti at kaway. Hindi ko parin maigalaw ang aking mga paa na tila tumigas na ang mga 'to.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nag-sink in sa aking utak na hapon na pala at palubog na ang araw, kaya naglakad na ako pauwi habang iniisip ang pangyayari kanina. Minsan napapangiti ako na parang baliw sa daan at napapakagat nalang ng labi dahil sa panggigigil. Napatingin ako sa dagat na kumikinang-kinang ang tubig nito dahil sa sinag ng araw, may mga alun-alon pa na banayad sa tainga kung pakinggan.
Abot langit ang aking ngiti habang naglalakad pauwi ng aming bahay. Hindi ko lubos maunawaan kung bakit ako hinalikan ni Denver. Kinikilig ako sa halik niya at hindi ko alam kung may ibig sabihin iyon, pero sana 'yung nararamdaman ko ay mutual sa para naman hindi unfair.
Please Lord! Kahit si Denver lang sa birthday ko.
Itutuloy....
BINABASA MO ANG
High School Love On [ Under Editing]
Teen FictionMinsan, loka-loka ang tadhana, kung sino iyong ayaw natin ay siya pa ang binibigay. Pero, natututo naman tayo 'di ba? Bakit di na lang nating aralin na mahalin iyong taong nais dumating sa buhay natin?