Kabanata 6

1.6K 57 7
                                    

"Sige na! Inumin mo na 'yan bago pa pasukan ng langaw. Grabe ka naman maka-react 'kala mo naman naging jowa ka niya. Sinabi ko na kasi sa 'yo na chikboy 'yang si Denver;madami siyang reserba"wika ni Larry sabay abot ng pink drink sa 'kin.

"Hindi naman sa gano'n, siyempre nakaramdam lang naman ako ng selos. Saka 'yung feelings na nararamdaman ko sa kanya ay akin na lang 'yon 'no! Isa pa'y dahil sa crush crush na 'yan, na crushed tuloy yung puso ko noong makita ko siyang nakikipag yakapan sa babaeng 'yon," sabi ko dahilan para matawa si Kimi.

"Ang oa mo friend, basta para sa akin lang kilalanin mo muna siya, sadyang mapaglaro 'yang si Denver. Ginagawa niyang pain 'yung kagwapuhan niya, tapos kapag kumagat naman 'yung mga marurupok diyan; kawawa sila dahil paglalaruan lang ni Denver 'yung feelings nila!"natahimik ako sa sinabi ni Kimi hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba 'yung nakita ko kahapon, pero huling-huli ko sila sa akto na nagyayakapan.

Ilang sandali pa ay biglang pumasok sina Denver at mga barkada niya dito sa canteen, kaya naman kaagad kaming tumayo ni Kimi para umalis. Ewan ko, ngayong nakikita ko siya ay nakakaramdam ako ng inis. Aktong aalis kami ay bigla silang humarang sa dinadaanan namin.

"Aalis na kayo ni Kimi? Tara huwag muna kayong umalis, manlilibre si Bryan ng milk tea,"nakangiting salubong ni Zanbrix, ngunit hindi ko siya pinansin, bagkus ipinagpatuloy ko ang paglalakad, pero, natigilan ako nang hawakan ni Denver ang kamay ko.

"Allen may problema ka ba? bakit 'di ka pumapansin?"tanong nito sa akin kaya umiling ako bilang tugon, inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at nginitian siya.

"Wala akong problema, nagmamadali kami ni Kimi dahil may gagawin kami,"kaswal kong tugon saka kami lumabas ng canteen. Ang hirap mag panggap naiinis parin ako sa kanya, akala niya siguro 'di ko sila nahuli kahapon. Pumasok na ako ng classroom namin, habang si Kimi naman ay pumunta na din sa kanyang classroom.

Nag discuss ang aming Science teacher at nakinig naman ako, pero aminado akong walang pumapasok sa utak ko dahil umiikut-ikot ang pangalan ni Denver sa isip ko. Hindi naman siguro ako obsess sa kanya para isipin siya araw-araw.

Pagkatapos ng malawak na talakayan ay kaagad na akong bumaba ng building. Napagisipan ko munang tumambay doon sa bakanteng grandstand, doon sa kabilang lote ng aming paaralan.

Labas na ito ng school namin, na kung saan nakaharap ito sa berdeng bukirin at mga palay na malapit nang anihin.

Presko ang hangin at ngayon lang ako tumambay dito. Kung alam ko sanang maganda pala ang lugar na 'to bilang pampalipas ng oras, ay marahil palagi akong nandito. Tahimik at walang masiyadong ingay, tanging lawiswis at sipol ng hangin ang maririnig; banayad kung dumapo sa mga palay na tila mga alon sa dagat.

Ilang sandali pa ay may narinig akong kaluskos sa kung saan, kaya tumayo ako upang usisahin ito nang biglang pumasok si Florence doon sa gate ng grandstand, may hawak itong malaki't matabang kahoy.

Pero ang nakapagtataka ay hinahabol siya ng mga hindi kilalang lalaki, at sa tingin ko mga tambay 'yon. Nagulat na lang ako noong nakipag buno siya sa mga limang tambay, isa laban sa lima ano 'to the clash?

Malakas na hinampas ni Florence 'yung hawak niyang kahoy sa lalaking lumapit sa kanya, dahilan para matumba at mabitak ang bibig nito. Ngunit mabilis namang hinagis ng matangkad na lalaki kay Florence 'yung hawak nitong bato; dahilan para matamaan si Florence sa ulo at mawalan ng balanse, dahil dito'y sinamantala nila ang segundong 'yun para pagtulungan si Florence at walang awang binugbog.

Daglian akong bumaba ng grandstand upang tulungan si Florence, pero parang wala silang balak na tantanan ito. Nakabulagta lang ang aking kaklase at nakatagilid habang nakasuklob ang kanyang kamay sa ulo.

High School Love On [ Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon