Lumipas na ang mga magagandang araw sa aking buhay, ngunit mas maganda ngayon ang samahan namin ni Florence. Kung dati ay bastos at hindi kaaya-aya ang kanyang pagsasalita, ngayon ay may modo na siya at maganda na ang lumalabas sa bibig nito.
Samantala, palagi kaming nagkakasalubong ni Denver, tila ba ang tadhana'y may sariling paraan upang ipagtagpo kami. Subalit, ang lahat ng iyon ay nagbago mula noong araw na hinalikan niya ako sa labi. Kung dati ay lagi siyang nakangiti, ngayon ay halatang umiiwas siya. Sa bawat pagkakataong magkakasalubong kami, laging nag-iiba siya ng direksyon, para bang naglalakad siya palayo hindi lamang sa akin, kundi sa bawat alaala na pinagsaluhan namin. Nakakalungkot mang isipin, ngunit anong magagawa ko? Sa kabila ng lahat, parang nandidiri na siya sa akin. Hindi ko kasalanan ang mahulog sa kanya, sapagkat ang aking puso ang pumili. Pero sa huli, tanging pangungulila ang iniwan niya.
Kasalukuyan kaming nakatambay ni Kimi rito sa student park, isang lugar kung saan abala ang mga mag-aaral sa paggawa ng kanilang takdang-aralin sa ilalim ng lilim ng mga puno. Sa paligid, may mga upuang gawa sa bato, at naririnig ang katahimikan na nagbibigay-daan sa pag-aaral at pagpapahinga
"Huwag ka ngang umastang nagre-review diyan. Halata namang baliktad iyang notes mo, e," wika ni Kimi sabay hablot ng notebook sa harapan ko. "Ano bang bumabagabag sa isip mo?"
Umismid ako't napatingin sa kanya. "Iniiwasan ako ni, Denver. Halatang-halata sa mga kilos niya. Hindi ko naman alam kung ano iyong ginawa ko sa kanyang mali?" Tugon ko naman.
"Baka awkward sa kanya 'yung ginawang paghalik sa'yo noong nakaraan. Ewan ko sa'yo, bes, sabi ko naman sa'yo na ginagamit niya lang iyong face card niya para mahulog ka at mahibang," sabi ni Kimi at marahang umusog palapit sa'kin at tinapik ang aking balikat. "Alam ko na mahirap tanggapin, pero minsan talaga, tila suntok sa buwan ang magmahal ng taong hindi rin tayo kayang mahalin pabalik," aniya.
Tila ba may kung anong lungkot ang namayani sa aking puso sa sandaling iyon. Kung kaya isang buntong-hininga ang aking pinakawalan.
"Ang bigat sa dibdib, kasi umasa ako sa mga salitang binitawan niya isama mo na rin iyong mga binigay niyang motibo. Nakakaasar kasi 'di naman niya pinanindigan ang mga iyon." Turan ko.
"Hindi kita masisisi, Allen, dahil nagmamahal ka lang naman ng taos-puso. Pero siguro, panahon na para ibaling mo ang pagmamahal na 'yan sa taong tunay na mag ma-match ng 'yong enerhiya at halaga mo. Huwag kang mawalan ng pag-asa, dahil mayroong tao diyan na handang pahalagahan at tanggapin ka kung sino ka talaga, bes." Sabi naman nito dahilan para yakapin ko si Kimi nang mahigpit.
"Alam mo, bes? Ayaw kong mag sana all sa'yo kasi nahalikan ka ng crush mo, kasi hindi ka naman pinanindigan," ani Kimi sabay tawa nang marahan.
Science class
Habang abala ang aming guro sa pagdi-discuss ng aralin sa Science, ako naman ay walang gana at kung anu-ano na lang ang sinusulat sa aking notebook. Sa likod ng aking notebook, may mga math solutions ako na hindi tama. Nariyan din ang mga drawing ko na hindi malinaw kung tao ba o alien; tiyak na matatawa si Da Vinci at masasayang ang kanyang magandang mood kung makita niya ito. Nasa tabi rin ng mga doodle ang ilang beses kong pagsubok sa "FLAMES" – paulit-ulit kong isinusulat ang pangalan ko at pangalan ni Denver, ngunit laging 'failed' ang lumalabas.
"Sa pagtatapos ng araling ito, dapat kayong makapaglarawan kung paano dumarami ang mga halaman," sinabi ng aming guro, ngunit hindi niya natapos ang kanyang pangungusap. Biglang pumasok si Florence, hindi man lang bumati at halatang masama ang kanyang pakiramdam.
"Ang aga mo naman ngayon, Mr. Ladesma. Parang wala kang nakitang guro sa harap mo, ha?" tanong ng aming guro na may itaas ang kilay. Napatingin ako kay Florence na tila wala sa mood at halatang naiinis. Hindi ko alam kung ano ang problema niya dahil naka-yukom ang kaniyang mga kamao na tila nagagalit.
BINABASA MO ANG
High School Love On [ Under Editing]
Teen FictionMinsan, loka-loka ang tadhana, kung sino iyong ayaw natin ay siya pa ang binibigay. Pero, natututo naman tayo 'di ba? Bakit di na lang nating aralin na mahalin iyong taong nais dumating sa buhay natin?