kabanata 11

1.5K 45 1
                                    

Tulala at napako ang aking tingin sa notes ko ng Gen Math, kahit na paulit-ulit kong binabasa at isinasaulo ay wala ni isang impormasyon ang naiiwan sa 'king isip. Naparito kami dito sa study park dahil masiyadong maingay sa building namin.

"Nakakabanas na talaga! Ilang minuto na lang magsisimula na 'yung Gen Math,"sabi ko saka sinabunutan ang aking buhok.

"Ang taas naman kasi ng pangarap mo! Tsaka haller? Ikaw ang nag desisyon kahapon na 'di ka pupunta sa practice slash gimik nila Denver. Asaness ka vie! Hindi nga siya pumapatol sa beki, straight siya! Kasin tuwid siya ng ruler!"wika naman ni Kimi na abala ito sa pag t-take note. Ilang sandali ay nag-angat ito ng tingin at tinaasan ako ng kilay, "Mag focus ka diyan sa Gen Math mo, ang haba naman kasi ng buhok mo dahil nagkaroon ka pa ng secret admirer. Sana'y ako nalaaaaang!"wika nito sabay kanta't ginamit pa niya ang ballpen bilang mic.

"Grabe ka, assume lang naman tsaka pa'no kung siya nga e'di ang saya ko na lalo. Inggit ka lang dahil wala pang nagbibigay sa'yo ng gano'n. Kulitin mo kaya si Florence-hindi pala gayumahin mo baka may chance na mahulog siya sa'yo,"tugon ko naman at muling binasa 'yung notes.

Nahagip ng mata ko na umirap si Kimi at muling nag sulat. "Basta binalaan na kita noong una pa lang. Hindi naman masamang mangarap dahil libre naman ito, ngunit sana lang tandaan mo, Allen."wika niya sabay kalabit sa'kin kaya't napatingin ako sa kanya. "Tandaan mong nasa reyalidad ka at huwag mong hayaan na lunurin ka ng pagiging ilusyunado mo,"seryosong wika ni Kimi, hindi ako nakaimik. Tila natamaan ako sa sinabi niya, subalit ramdam ko naman na si Denver ang nasa likod ng mga nagaganap sa buhay ko, hindi ako nagkakamali at sa t'wing kasama ko siya ay halata sa mga kilos niya na may tinatago siya sa'kin.

"Alam ko naman iyon at hindi naman ako malulunod, kung gusto mo ay languyin ko na lang."biro ko dahilan para irapan ako ni Kimi. "Huwag mo akong alalahanin, pangako, hinding-hindi ako mahihibang sa kanya,"

"Wait 'di ba puro Mathematical problems 'yong binibigay sa'yo? Eh baka si Precious ang admirer mo, ang isa sa miyembro ng anak ni Einstein,"wika ni Kimi sabay tawa ng malakas dahilan para titigan ko siya ng matalim.

"Hindi ka nakakatulong!"usal ko sabay irap.

"Sorry baka lang naman 'di ba?"aniya ngunit hindi ko na siya pinansin pa. Binalot ng katahimikan sa'min ni Kimi habang abala kami sa paggawa ng sarili naming gawain. Taimtim akong nagsasaulo ng solution at si Kimi naman ay nagsusulat.

Maya-maya ay agad napapalakpak si Kimi habang naka tingin sa akin na tila may naisip na ideya. "Alam ko na Allen 'di ba sa bawat sulok ng campus natin ay may CCTV? Bakit hindi natin ito tignan kung sino nga ba ang nagbigay at naglagay ng mga anik-anik sa locker mo,"mungkahi nito dahilan para mabuhayan ako ng loob at mapatingin sa kanya, kahit papa'no nag-iisip pala ng mabuti si Kimi.

"Mabuti naman at nag-iisip ka, ang akala ko hanggang pambabara na lang ang alam mo, pero gusto ko iyang ideya mo, a. Siguro naman malalaman ko na rin kung sino nga ba ang taong iyon,"tugon ko sabay ngiti.

"Ano ka ba Allen, ang tunay na kaibigan ay nagsasabi ng katotohanan hindi iyong push ng push kahit na mali naman, plastic na ang tawag do'n, vie!"maarte nitong wika habang pinapaypay ang kanyang kaliwang kamay. Samantalang ako naman ay nangiwi na lang sa sinabi niya.

Tumayo na ako't inayos ang mga notes ko, parang nasabik ako no'ng mabanggit ni Kimi ang tungkol sa CCTV bagaman may kaunting kaba na namumuo sa aking puso.

At iyon nga ang plano, kaagad kaming pumunta sa guard house para tignan ang nakunang video sa loob ng locker room ng mga lalaki. Sa kabutihang palad ay pumayag ang gwadiya na silipin namin ang nakunang footage; sa mismong araw at oras. Ibayong tuwa ang namayani sa aking kaibuturan habang kami ni Kimi ay nag-aantay dito sa likod ng gwardiya na abala sa paghahanap ng video footage sa mga folders doon sa Computer.

High School Love On [ Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon