Kabanata 14

1.2K 48 8
                                    


Hindi ako pinansin ni Florence maghapon tila naninibago ako dahil 'di niya ako kinukulit nitong araw, guilty tuloy ako sa ginawa ko sa kanya kahapon pero dala lamang iyon ng lungkot, tsaka nambabangga naman kasi siya, e, alam niyang pagod ako.

Kasalukuyang naka tamabay kami ni Kimi dito sa canteen para kumain ng meryenda dahil katatapos lamang ng aming klase kaya napag pasiyahan naming tumambay muna dito at para palipasin ang oras.

"May point ka naman, Allen, kaso nga lang sumobra ka kahapon. Naaawa tuloy ako kay Florence, kung ako siya ay talagang 'di na kita papansinin pa forever." nakangising wika ni Kimi sabay higop nang binili niyang frappé.

Pinanliitan ko siya ng mata. "Porket crush mo lang 'yung tao. Tsaka bakit kasi babanggain ako 'di ba? Ikaw kaya ang banggain ko, oh ano gusto mo?"

"Grabe siya, siyempre charot charot lang iyon. Pero kung talagang hindi ka na mapakali at 'di ka pinapansin, edi puntahan mo siya at humingi ka ng sorry. Sumobra ka kasi, Allen, ay hindi pala; both kayong nagkamali." Nakangiting wika ni Kimi sabay taas ng hinlalaki nito.

Napatingin ako sa labas, abala ang mga estudyante sa pakikipag kwentuhan sa mga ka-klase nila; ang iba ay nag gigitara. Fiber glass kasi itong wall dito sa canteen kaya makikita mo ang labas ng canteen.

Ilang sandali pa ay napalingon ako sa pintuan ng canteen at dito nga ay nakaramdam ako ng kaba, 'yung pakiramdam ay tila nasasabik ako na hindi ko maintindihan. Bigla na lamang akong tinulak ng aking sarili na tumayo at maglakad upang salubungin si Denver. Nahagip ng aking mata si Kimi na umawang ang bibig at lumaki ang mata habang maarteng hawak ang kanyang inumin.

"Hey! Kanina pa kita hinahanap sa classroom niyo."aniya sabay tapik sa aking balikat at saka ginulo ang aking buhok. Tila isa akong tuta na nakangiti ng malapad kay Denver. Hindi ko maipaliwanag ito, nagsimula lang naman noong gabing hinatid ako sa bahay, masiyado na ata akong tinatangay ng nagiibayo kong damdamin sa kanya.

"Bakit naman daw?"nakangiting tanong ko sa kanya na pakiwari ko'y tila may kumikiliti sa aking puso dahil kusang kumukurba ang matamis na ngiti sa'king labi. Para bang nasasabik ako sa kanya, tila ba hinahanap siya ng aking mata. Hindi ko maintindihan. Bakit kinakabahan ako dahil sa tuwa?

"Wala naman na tayong class, baka pwede ka ngayong hapon."aniya sabay kindat at ngumisi. "Samahan mo naman ako, miss kita, e. Nakaka-miss ka, boring kasi sa bahay tuwing weekends."aniya sabay pamulsa. Ngumuso siya na para bang nanunukso sabay tingin pa kay Kimi at kinindatan ito.

"Hala! Bakit naman daw? Pwede mo naman kasi akong sunduin sa bahay if bored ka."kamot-batok kong tugon.

“Hala! Bakit nemen daw?”panggagaya ni Kimi saka tumingin kay Denver. Ilang sandali ay binaling sa akin. Tila nanlulumo ang kanyang mata at ang kanyang kilay ay nagsalubong na wari'y maiiyak sa hindi malamang dahilan. "Mother, Allen. Pinagpala kang tunay sa sangkabaklaan. Please pray for us.”aniya saka pinagdikit ang mga palad at kumurap-kurap dahilan para ikuyom ni Denver ang kanyang kamay at hinarang sa kanyang bibig saka tumawa. Dahil don, maging kami ni Kimi ay natawa na lang.

Nakakaakit talaga ang mga mata ni Denver sa tuwing siya ay tumatawa, para bang isang astig na anghel kung pagmasdan. Masiyado siyang gwapo para maging isa sa mga katulad namin ni Kimi na low-key.

Ang kanyang malapad na balikat na hinulma ng kanyang paglalaro sa basketball ay siyang nagbibigay ng panghihina sa akin lalo na't hapit pa ito sa kanyang suot na puting t-shirt. Bukod pa rito, hindi maikakaila na mahulog ako sa kanya dahil tila sinalo na niya ang lahat ng kagwapuhan!

"Gwapo naman ako tsaka maginoo pa. Bakit hindi ako magugustuhan ni, Allen?"tanong niya sabay tingin sa akin at kumindat dahilan para ako ay mapangiti at makaramdam ng pagkailang sa kanya.

High School Love On [ Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon