Naantala ang aking pagtulog dahil sa ingay mula sa labas ng aking silid; kung kaya agad akong bumangon at pansamantalang umupo sa'king kama. Mahapdi ang aking mga mata, siguro dahil ito sa pag-iyak ko kagabi. Hindi ako makapaniwala sa mga kaganapan kagabi lalo na roon sa parteng sinundan ako ni Denver doon sa tabing dagat na malapit lamang sa campus.
"Allen... Frenny gising ka na riyan, buhay ka pa ba?"narinig kong boses ni Kimi sa labas lamang ng aking kwarto.
Napakunot-noo ako. "Gago ka. Malamang buhay pa. Anong klaseng tanong 'yan?"natatawang tanong ko sabay tayo at suray-suray na naglakad upang pagbuksan siya.
Pinihit ko ang kulay gintong busol ng aking pinto nang bumungad si Kimi sa aking harapan. Nakangiti ito ngunit unti-unting bumagsak ang kanyang matamis na ngiti at napalitan ng mapanuyang ngisi noong makita niya ako.
Umiling siya sabay halukipkip. "Anong nangyari sa mata mo, fren? Parang tinampal ka ng limang beses, ha,"aniya kung kaya napasinghal ako saka umirap.
"Maiwan ko muna riyan. Al, ikaw na ang bahalang magtimpla ng kape para sa kaibigan mo,"ani Lola habang palabas ng sala.
"Saan kayo pupunta, La?"pahabol ko habang sinusundan siya ng tingin.
"Sa kapit-bahay, tatanungin ko lang kung sino iyong nag-away kagabi,"tugon ni Lola ngunit bago pa ito lumabas ay lumingon muna. "Nag-uwi ata ng adik iyong batch mo ng elementary. Naku, nagmamahalan daw ang dalawa. Ay! Bata nga naman,"aniya sabay tawa ng marahan.
"Nako, kayo talaga. Huwag na kayong lumabas para iyon lang, e,"pagbabawal ko ngunit lumabas na ito.
"Huy! frend anong problema mo bakit mo kami iniwan doon sa campus?"tanong ni Kimi sa akin
"Paano naman kasi iniwan niyo ako doon sa table mag-isa habang kayo ay nagsasaya. Feeling ko tuloy pinagkaisahan niyo ako doon nakakainis kayo,"naiinis kong tugon dahilan para pumakawala ito ng buntong hininga.
"Tsaka bwesit na Jamaica na iyon tinapunan ba ako ng Durian Juice. Nangangamoy ako kagabi sobrang nakakahiya. Parang ayoko nang pumasok sa school,"dagdag ko pa saka dumeretso sa lababo upang maghilamos.
Naramdaman ko namang sumunod ito sa akin at kumuha ng upuan sa dining table.
"alam mo ba?"
"hindi ko pa alam"muli kong sagot habang sinasabon ang aking mukha.
"Syempre patapusin mo muna ako. Okray ka!"aniya at nagbuntong-hininga. "Pinaghandaan ko talaga iyong ebidensya frenny. Actually, matagal na iyong footage sa'kin. Siguro noong basketball league iyon, basta noong 'di tayo sumabay umuwi. Tinago ko iyon bilang reverse card sa kanila. Alam mo namang frenny mo ako 'di ba? Ayoko namang api-apihin ka sa mismong event,"mahaba nitong paglalahad kaya't humarap ako.
"Ibig mong sabihin may access ka sa mga CCTV doon sa campus?"tanong ko.
Umirap siya. "Wala. Nagkataon lang na nabigyan ako ng opportunity para ipahiya rin si Jesiel. For sure overthink malala ang gaga. Inunahan ko na si ma'am na turuan siya ng leksyon."
"Baliw ka dapat 'di mo ginawa iyon,"tugon ko naman.
Kumunot ang noo ni Kimi saka umirap. "Ayy! Walang awa-awa sa akin, tsaka haller! Physical at Emotional ka na ngang inabuso ng mga higad na iyon tapos maaawa ka pa?"tanong nito dahilan para tumango ako at mapaisip. Oo nga 'no?
"Anong nangyari? Nabanggit ni Denver sa akin na binigyan kayo ng disciplinary action,"
"Ayon na nga. Noong umalis ka ay siya namang pagdating ng Principal. Hindi naman nasira iyong event: all good naman,"aniya. "May record na ako sa Guidance office; kami nila Jesiel at Jamaica,"
BINABASA MO ANG
High School Love On [ Under Editing]
Teen FictionMinsan, loka-loka ang tadhana, kung sino iyong ayaw natin ay siya pa ang binibigay. Pero, natututo naman tayo 'di ba? Bakit di na lang nating aralin na mahalin iyong taong nais dumating sa buhay natin?