Kabanata 16

1.2K 45 5
                                    

Nagniningas ang buwan sa madilim na kalangitan kasama ang mga bituing kumikisap na wari'y mga alitaptap sa madilim na kawalan. Napatingin ako sa labas ng aking bintana at humalumbaba sa harap ng aking vanity dresser dahilan para kumunot ang aking noo at ngumuso.

"Nakakairita, ang pangit 'di ko bagay."

"Al, ano magkukulong ka na lang ba riyan? Anong oras ka ba pupunta gabi na,"pagtawag sa akin ni Lola mula sa terrace, habang abala ako sa paglagay ng liptint sa aking bibig.

"Okay na siguro 'to, magiging utusan lang naman ako mamaya, "bulong ko sa aking sarili habang nakatayo rito sa harap ng salamin ng aking silid.

Umikot-ikot ako upang makita ang aking kasuotan. Simple lang naman ang suot ko, puting long sleeve at chaleco na kulay itim na may mga maliliit na kumukutikutitap na hindi totoong diamond; at itim na bow tie na pinaresan ng slacks at black shoes.

"Nandito na si Kimi, lalabas ka pa ba o hindi?"muling tawag sa akin ni Lola kaya agad kong binuksan ang pinto at mabilis na lumakad palabas nang salubungin ako ni Kimi.

"Anong say mo? Havey na havey 'di ako waley!"wika niya sabay taas ng dalawang kamay at pomorma. Nakasuot siya ng pulang Filipiñana namay malaking orasan sa bandang tiyan. Nagsuot pa ito ng wig na kulay blonde, kung kaya para itong amerikana sa kanyang awra.

"You're so matagal, namamawis na itong kilikili ko, buti na lang naka rexona ako, fresh all day kahit pawis ito, wanna smell?"Maarte nitong wika dahilan para mapatakip ako ng bibig.

"Ang harsh mo naman sa akin. Pero in fairness, mukhang Top ang itsura mo tonight,"aniya sabay tawa dahilan para irapan ko siya.

"Sa pagkakaalam ko student night ngayon at hindi nanay nights. Ano ba 'yang suot mo? Dinaig mo pa si Jinx sa Pokemon,"pang-aasar ko dahilan para sumimangot ito.

"Nakakaloka ka, siyempre head turner dapat tayo 'no. Time is gold ang datingan dahil gold ako,"pagtatanggol nito sa sarili niya kaya tumango na lang ako habang nagpipigil ng tawa.

"Sige na punta na kayo sa school niyo baka late na kayo, huwag gagawa ng katarantaduhan ha,"sabi ni lola sa amin kaya tumango kami ni Kimi sabay thumbs up.

Lumabas na kami ni Kimi sa aming tarangkahan at dito'y sinalubong kami ng malamig na simo'y ng hangin at humahalimuyak ang matamis na amoy ng pabango ni Kimi.

Sumakay kami sa kanilang kotse— talaga namang bonggang-bongga ang awra ni Kimi ngayong prom night, sigurado akong hindi siya makikilala mamaya sa campus.

Naka silip lang ako rito sa bintana habang pinag mamasdan ang nadadaanan naming street light; samantalang si Kimi ay abala sa pakikinig ng musika sa kaniyang headphone at rinig ko ito dahil sa lakas ng Volume nito.

Napatingin ako sa kanya dahil naramdaman kong hinawakan niya ang aking kamay nang nakangiti siya. "Huwag kang kabahan, fren, hindi nila tayo magugulo dahil Student Council tayo kaya huwag kang matakot sa mga feeling elites na grupo nila Dev,"dahilan para gawaran ko ito ng hilaw na ngiti.

"Hindi naman iyon ang iniisip ko kundi si Florence,"matamlay kong wika dahilan para kumunot ang noo nito.

"Napapadalas na ang pagbanggit mo sa kanya, a, don't tell me crush mo na rin iyon?"tanong nito dahilan para matawa ako

"Loko hindi,"

Dahil nga nabuksan ko ang usapan tungkol kay Florence ay tinalakay namin ang nangyari noong nakaraan na kung saan siya (Florence) dapat ang kasabay kong uuwi; ngunit hinatid ako ni Denver kasi nag-aantay din pala ang binata sa labas ng gate. Pakiwari ko ay isa akong nalantang bulaklak. Tila ba nais kong bumalik ng bahay at matulog na lang, magkahalong kaba at katamaran ang namamayani sa aking kaibuturan. Wari'y may mangyayaring masama sa akin mamaya, hindi ko mapakiramdaman, baka niloloko lamang ako ng aking isip at tinutukso ako nitong mag-isip nang mag-isip.

High School Love On [ Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon