DALAWANG araw bago ganapin ang naturang Junior Senior Prom, kaya abala kaming mga Committee sa paglilinis at pagdedesenyo rito sa gymnasium. Pagkatapos, nagkabit kami ng pailaw sa mga Pine trees at pinaikutan ito ng makukulay na LED Lights; na nagbigay ng kaakit-akit na liwanag sa mga puno.
Abala ang lahat sa paghahanda, ang mga iba ay pinag hahandaan ang kanilang kasuotan sa gabi ng prom; ngunit ako ay hindi ko alam kung dadalo ba ako o hindi.
"Sumama kana kasi, Al, ang kill joy mo ever! Malay mo isasayaw ka pala ni Denver sa Prom night, ayaw mo ba iyon?"pangungumbinsi ni Kimi sa akin ngunit hindi ko ito pinansin dahil abala ako sa pagkakabit ng mga banderitas dito sa Gym.
"At baka malay natin pati pala 'yung mga barkada niya isayaw ka. Sabi nga nila, birds fly together flocks together. Foursome, threesome pak!"pangungulit nito dahilan para mapailing ako.
"Mali naman 'yang kasabihan mo,"tugon ko naman.
"Ah basta 'yung bird."
Humarap ako sa kanya at nag buntong-hininga. "Wala akong gana, alam mo ba 'yung feeling na tinatamad ka tapos alam mo na mangyayari? Iyong tipong parang dumalo ka lang para mainggit, nandoon ka lang para pagmasdan 'yung mga estudyante na may date at punong-puno ng kilig moment; samantalang ako uupo at kakain tsaka mag cellphone lang sa gilid."
Umismid siya at pumamewang. "Bakit mo kasi inuunahan 'yung mga mangyayari sa Prom? Sino ka ba sa tingin mo, si Madam Vision? Hulaan lang ganern."
"As if namang isasayaw niya ako na parang kay cinderella..."tugon ko naman. "Tsaka 'di naman ako tanga para malunod sa feelings ko kay Denver, lalaki iyon oy! Suntok sa buwan 'yung gusto kong mangyari."
"Ay korique ka riyan madam, baka jombagin pa ang facesung mes, aring. Basta! Dumalo ka bukas please lang, tsaka for experience na rin, e, 'no!"pangungulit pa rin ni Kimi.
Kinuha ko ang isang bandiritas na nakasukbit sa'king balikat saka ito kinabit. "Tapos na'ko. Bilisan mo riyan dahil nauuhaw na ako,"
Agad namang kinuha ni Kimi ang isa pang bandiritas sa malaking box saka kinabit ito at bumaba na rin. "May chance ka namang maisayaw, e. Lahat tayo rito sa loob ng campus ay magsasayaw," nakangiti niyang wika dahilan para kumunot ang aking noo.
"Ano ang ibig mong sabihin?"tanong ko dahilan para ngumisi ito at hinugot ang cellphone niya sa kanyang bulsa. Pindot niya ito at pinakita sa akin ang mensahe sa group chat naming council.
"Ayan, sana naman makatulong itels para ma convince kitang bakla ka."nakahalukipkip nitong wika.
"Eh? Inimbitahan ang lahat ng mga gwapo at magandang estudyante bawat strand ng Senior High at sections ng Junior High para isayaw 'yung mga walang ka-date o kapareha?"tanong ko habang binabasa ang message.
Tila nasabik ako noong mabasa ko iyon lalo na't naaalala ko ang nangyari noon sa second floor. Tila ba isang telebisyon ang aking isipan dahil muling bumalik ang tagpo namin ni Florence noong nakaraan, maging ang pagiging malapit sa'kin ni Denver. Pakiwari ko'y kinakabahan dahil wari'y may nais ipahiwatig ang dalawa sa akin no'n. Hindi naman sa assuming ako, pero paano kung totoo nga ang iniisip ko? Sandali nga! Heto na naman ako, e, nag-iisip na naman ng kung anu-ano.
"Oh, kita mo dinaig mo pa 'yung mga character sa mga pelikula kung mag-isip habang kinakausap ang sarili. Hindi ka na maka-get over sa nabasa mo 'no?"tanong ni Kimi dahilan para tignan ko ito.
"Huwag na ata, nakakatakot naman at isa pa na issue tayo ng mga spyce girls baka ipahiya tayo sa Prom alam kong malaki ang galit nila sa akin,"sabi ko dahilan para ngumuso siya at gumuhit ang pagkadismaya sa kanyang mukha.
BINABASA MO ANG
High School Love On [ Under Editing]
Teen FictionMinsan, loka-loka ang tadhana, kung sino iyong ayaw natin ay siya pa ang binibigay. Pero, natututo naman tayo 'di ba? Bakit di na lang nating aralin na mahalin iyong taong nais dumating sa buhay natin?