Isang linggo ang nakalipas pagkatapos ang malakas nag pagyanig dito sa aming lugar. Sa kabila ng mga pinsala nito ay unti-unting bumangon ang aming paaralan sa delubyong iyon. Patungkol naman sa amin ni Florence, mas lalo pang umigting ang samahan naming dalawa buhat noong maging study pal kami. Aaminin ko na sa bawat oras na magkasama kami ay tila ba may nabubuong comfort sa tuwing kasama ko siya, minsan nga ay hinahanap siya ng aking mga mata kapag wala siya sa paligid na aking ginagalawan.
Samantala, bumalik na ang mga mag-aaral sa kanya-kanya nilang aktibidad dito sa campus. Ang mga school organization and clubs ay muling nagsimula at bumalik na sa normal ang daloy nito. Sa kabilang banda, kasalukuyang nag-aayos ng mga palamuti at mga lamesa ang student council dito sa gymnasium. Ito ay para sa magaganap na farewell party ni Denver sa basketball team nito at sa aming campus. Malaki ang naging parte ni Denver sa athletics kung kaya naman nais ng aming school principal na bigyan ito ng simpleng party upang magpaalam na sa kanya ng tuluyan.
"Ba't tulala ka riyan?" Tanong ko kay Jerson, kasama namin sa council, dahil nakaupo ito sa monoblock at nakatitig lamang sa isang karton ng banderitas.
Humalukipkip ito. "Eh paano aalis na iyong crush ko. Feeling ko mawawalan na ako ng gana ever!" Aniya dahilan para matawa ako.
"Mag drop ka na lang para buong maghapon kang magdrama sa bahay niyo," biro ko naman na ikinairap niya.
"Gaga may pangarap ako 'no!" Wika ni Jerson habang nakasimangot. "Makakabangon din ako," bulong nito sabay tingin sa labas.
"Gano'n? Akala mo naman may namagitan sa inyo ni, Denver." Sabi ko saka tumawa ng marahan. "Ilagay na lang kita sa loob ng maleta, tapos dalhin ka niya sa America," hirit ko naman dahilan para tumayo ito at umalis.
Habang sa ganoong posisyon ay siya namang pagdating ni Kimi na may dalang camera at nakasuot siya ng organization shirt nila sa publication. "Bes!" Pagtawag nito tsaka kumaway. "Hinahanap ka namin ni Florence kanina. Nandito pala kayo," aniya.
Napangiti ako nang marinig ang pangalan ni Florence kung kaya inusisa ko ito. "Bakit daw?"
"Ewan ko sa kanya pinapahanap ka e," Tugon naman nito. "May sasabihin siguro o baka naman sasabihin niyang sasabay na siya sa'yo mag-lunch,"
"Gano'n? Ang advance mo namang mag-isip," sabi ko naman na parang wala lang, pero nagtatalontalon ang puso ko sa kanyang tinuran. Weird!
"Siya nga pala, bes. Kapag nakita mo siya pakibigay naman 'tong envelop sa kanya." Dito ay inabot niya sa akin ang maliit na envelop.
"Ano naman ang nilalaman nito?"
Umismid si Kimi. "Basta. Huwag mo na lang bubuksan, confidential documents 'yan," sabi niya saka ngumiti.
"Sarah, ikaw ba iyan?"
"Geronimo?" Tanong ni Kimi.
"Duterte. May confidential confidential kang nalalaman e," ani ko dahilan para humagalpak ito nang tawa.
"Harsh mo naman, bes." Nakanguso nitong wika dahilan para matawa ako.
Ala una ng hapon na'ng magsimula ang event dito sa gymnasium. Mainit ang pagsalubong ng mga campus organization at mga estudyante sa liga ng koponan nila Denver, na parang katulad ng init ng panahon. Habang lumalapit ang mga manlalaro sa mga estudyante, mas lalo pang lumakas ang hiyawan, na parang isang fans meet-up ang nangyayari. Samantala, abala naman sila Kimi at mga kasama niyang kumukuha ng larawan para sa kanilang article write up.
Habang ako naman ay narito sa grandstand nakaupo kasama ang mga ibang student-leaders. "Uy! Kumakaway si Denver sa'tin!" Kinikilig na wika ng katabi ko kung kaya napatingin ako sa baba, at namataan si Denver na parang sa akin naman siya kumakaway.
BINABASA MO ANG
High School Love On [ Under Editing]
Teen FictionMinsan, loka-loka ang tadhana, kung sino iyong ayaw natin ay siya pa ang binibigay. Pero, natututo naman tayo 'di ba? Bakit di na lang nating aralin na mahalin iyong taong nais dumating sa buhay natin?