Capítulo 1 - Medical Mission

1.3K 151 645
                                        

"Ang polio po ay hindi birong sakit, hindi rin po ito nagagamot. Ang tanging paraan para maiwasan po ito ay sa pamamagitan ng pagbabakuna sa inyong mga anak. Ito lamang ang ligtas at epektibong paraan para maiwasan ang sakit na polio," matiyaga kong ipinapaliwanag sa mga nanay na nasa harap ko ngayong umaga.

Nandito kami ngayon sa baranggay Ituk, Jolo Sulu, kung saan nagaganap ang Medical Mission na isinagawa ng Gobyerno kasama ang mga dayuhang doctor, para sa libreng check-up at libreng gamot na ipamimigay sa mga tao.

"Paano niyo naman masasabi na ligtas ang aming mga anak, kung sa bakuna nga nang Dengvaxia may namamatay," reklamo ng isang ginang na nakaupo sa gitnang bahagi, habang karga nito ang kaniyang anak.

Mariin akong napapikit, heto na naman po tayo. Paulit-ulit ko na rin ipinapaliwanag sa kanila na magkaiba ang Polio Vaccine sa Dengvaxia. Simula kasi magkaroon nang Dengvaxia Scare, marami ng mga magulang na ayaw mapa-bakunahan ang kanilang mga anak. Kaya nagkaroon nang Measles outbreak at ngayon naman ay ang Polio outbreak, na matagal na sanang nawala kaso bumalik pa. Gosh! Para lang 'yung ex mong nagpaparamdam sa'yo.

Humugot ako nang mahaba at maraming pasensiya sa kaibutiran ng aking katawan at kaluluwa. Dahil nararamdaman ko na kaunti nalang ay magwa-walk out na talaga ako sa kanilang harapan. Kanina pa ako nage-explain nang mabuti sa kanilang lahat at halos maubos na ata ang aking laway sa pagkukumbinsi sa kanila at eto pa, paulit-ulit nalang ang mga tanong nila na paulit-ulit ko na rin sinasagot.

"Nanay iba po ang Dengvaxia sa Polio Vaccine, matagal na po ginagamit ito sa buong bansa at napatunayan po na maganda, ligtas at epektibo po ito," tugon ko sa katanungan ng ginang at binigyan ko ito nang pilit na ngiti.

Kailan pa ba sila matatapos sa katatanong nito sa akin...

Nagsimula na naman silang magbulong-bulungan na para bang hindi makapaniwala sa aking sinasabi. Kalma ka lang Isabelle! Kaunti nalang talaga lalayasan ko na silang lahat, nang bigla kong naisip si Apolinario Mabini. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang siya nagparamdam sa aking isipan, hanggang sa maalala ko na isa nga pala ito sa mga nabiktima ng Polio Virus ng kapanahunan nila and during that time hindi pa uso ang bakuna. May kung anong bombilya ang lumutang sa aking harapan.

"Sino po ang nakakakilala sa ating bayani na si Apolinario Mabini?" Bigla kong tanong sa kanilang lahat. Natahimik sila at tinignan ako na para bang may mali sa aking katanungan, hanggang sa isa-isa silang nagsitaasan nang mga kamay na umabot sa twenty. Its's a good sign.

"May nakakaalam po ba kung ano ang dahilan kung bakit siya'y naging lumpo?" 

Nagkaroon ng ibat-ibang sagot sa bawat panig, ang iba sinasabi na ipinanganak na siyang lumpo. Grabe ang saklap naman nun! May sumagot na dahil ito sa isang aksidente. Pwede, kaso mali ang sagot. Ang iba naman ay dahil sa sakit. Tumpak!

"Sino po sumagot ng dahil sa sakit?"

Tumayo ang sampung nanay, "Alam po ba ninyo kung anong sakit ito?"

Nagtinginan ulit sila sa isa't-isa at sabay din silang napailing sa akin, napangiti ako dahil dito. "Tama po ang inyong sagot. Ang dahilan nang kanyang pagkalumpo ay dahil sa sakit at ang sakit na iyon ay walang iba kundi ang Polio."

Parang may dumaan na anghel sa aming harapan, dahil natahimik silang lahat sa aking sinabi. "Kung ayaw niyo pong maniwala, pwede niyo naman po siyang i-google," sabay ngiti ko sa kanila.

"Katulad po nang sinabi ko sainyo kanina, ang pagkalumpo ay isa sa mga sanhi at pwede itong mahantong sa kamatayan kung hindi ito maagapan. Matindi po ang epekto ng virus na ito sa mga batang wala pang limang taon pababa, dahil sila ang mabilis na mahawaan. Oras na makapasok sa katawan ng tao ang naturang virus sa pamamagitan ng bibig, mabilis itong dumarami sa loob ng bituka at kalaunang kumakalat sa nervous system ng pasyente. Dumaraan ang virus sa gulugod paakyat sa utak, dahilan para maparalisa o malumpo po ang pasyente."

La Dama del PasadoMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon