Capítulo 15 - Pagtakas

327 60 201
                                    

"Ca-Capt. Fl- ores, parang awa mo na ibalik mo na ako sa amin," nanghihina niyang sambit. Bakas sa kaniyang boses ang nanunuyo nitong lalamunan.

Para akong napipi nang makita ko sa malapitan ang kaniyang kondisyon. Nanginginig ang kaniyang mga kamay na mahigpit na nakakapit sa mga rehas.

Bahagya akong napaatras at inilihis ang aking paningin, hindi ko alam kung bakit  nakaramdam ako ng awa sa taong ito. 

Ibinaling ko na lang muna ang aking paningin sa kabuuan ng silid na may katamtaman ng lawak. May lamesa at tatlong upuan sa gitnang bahagi, may maliit na bintana sa magkabilang pader at tanging ang dalawang sulo sa magkabilang panig ang siyang nagbibigay liwanag sa buong paligid. Kapansin-pansin din ang madilim na bahagi kung saan patong-patong ang mga kahon, mukhang ginagawa rin ata nila itong imbakan.

"Valdez, maupo ka muna," rinig kong sambit ni Diego. Hindi ko namalayan na nabuksan na pala niya ito.

Maingat niyang inalalayan si Valdez at marahang isinandal sa pader sabay dukot sa kaniyang bulsa ang napitpit na tinapay at isang lalagyan ng inumin.

"Sandali," pagpigil ko bago lumuhod  sa harapan nila para suriin ang lagay ng kaniyang kasama.

Wala siyang kahit na anong sugat o pasa man lang sa katawan ngunit, kapansin-pansin ang pagiging maluwag ng kaniyang damit. Lubog ang kaniyang mata at nangingitim ang ibabang bahagi. Nanunuyo ang kaniyang biak na mga labi at halos lubog na rin ang kaniyang magkabilang pisngi.

"Bigyan mo muna siya ng maiinom,  'yung paunti-unti lang para hindi mabigla ang kaniyang tiyan," suhestiyon ko kay Diego bago tumindig.

Mukhang pinahirapan nila siya sa pamamagitan ng sikolohikal na paraan, at kung magtatagal pa siya sa kulungang ito maari niyang ikamatay, bagay na iniiwasan kong mangyari.

Hindi ko maiwasan na hindi pagmasdan ang mukha ni Valdez. Sabi nila ito ang lalaking bumaril sa akin at nakasama naming mapadpad sa panahong ito. Pero bakit sinasabi ng isip ko na hindi ito ang lalaking bumaril sa akin.

Maarahan akong napahaplos sa aking kwintas at mariin kong ipinikit ang aking mata. Pilit kong inaalala ang mga huling pangyayari sa gubat na iyon, hanggang sa maramdaman ko na lamang ang malakas na pwersa na humigop sa aking katawan.

Napaluhod ako bigla at sinapo ang aking dibdib. Pilit kong hinahabol ang bawat hangin na lumalabas sa aking bibig, hanggang sa unti-unting naging normal ang aking paghinga. Dahan-dahan akong tumayo at nagulantang sa aking nakita.

Nasa harapan ko ngayon ang isang taong may hawak ng baril. Nakasuot nang itim na uniporme at may takip ang mukha. Sinundan ko ng tingin kung saan nakatutok ang kaniyang baril at halos mailuwa ko ang aking mata ng makilala ko kung sino ang taong iyon.

"Sa-sandali, pa-paanong? A-ako 'yan!" Gulat kong sambit sa sarili.

Mayamaya'y walang pagaalinlangang kinalabit  ng taong iyon ang gatilyo at mabilis na tumama ang bala sa aking likuran, hindi pa siya nakutento at inulit pa niya itong muli, dahilan ng pagbagsak ng aking katawan sa ilog.

Nanginginig ang aking mga ngipin kasabay ng pagkuyom ng aking kamao. Siya ang dahilan kung bakit halos malagay ako sa bingit ng kamatayan.

Sinundan ko ng tingin ang taong iyon na tumalikod kasabay ng pagsigaw ni Javier sa aking likuran para sunggaban ang taong iyon, ngunit mabilis na ihinarang ni Vincent ang sarili.

Nagsisimula nang lumabo ang aking paningin, kasabay ng unti-unting pag-gapang ng puting liwanag sa bawat puno at lupang nasasakupan ng kagubatang ito.

Flores!

Flores!

Mabibilis na pagyugyog ng aking katawan na halos magpaalog ng aking utak nakakunot noo akong napatingin sa taong gumawa nito sa'kin.

La Dama del PasadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon