Capítulo 9 - Paglakbay sa Nakaraan

492 99 242
                                    


Mabilis naming tinahak ang daan palabas ng mansyon at dumeretso patungo sa gubat. Hindi ko akalain na matutunton nila kami dito nang ganun kabilis at mukhang hindi rin sila magpapahuli hanggat hindi nila nakukuha ang kanilang kailangan.

Takbo...tigil...takbo, ang aming ginagawa para lang makalayo sa kanila.

"John, nakita mo na ba ang daan palabas ng gubat?" rinig kong tanong ni Javier.

Tumingin si John sa kanyang phone at mukhang naiinis, "Nawala yung connection ko sa drone, mukhang mahirap makakuha ng signal sa loob ng gubat na ito."

"Ang mabuti pa ipagpatuloy na lang natin ang daang ito baka sakaling may makita tayong kalsada," suggest ko sa kanila. Hindi ko alam pero sa lahat ng gubat na aming napasok ito ang kakaiba. Napaka-misteryo ng gubat na ito na nakapagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam yung tipong lahat ng galaw mo may nakamasid.

Napatingala ako sa kalangitan, mag-tatakip silim na pala pero nandito parin kami sa loob ng gubat. Gaano ba kalaki ito at bakit parang paikot-ikot lamang kami, hindi kaya---

"Sandali naliligaw na tayo," sabi ni Luna habang may tinitingnan sa isang puno.
"Nadaanan na natin ito kanina," sabay turo niya sa pulang marka. Tama nga ang hinala ko, paulit-ulit lang namin dinadaanan ang lugar na ito.

Napatigil kami nang marinig namin ang mahihinang usapan sa di kalayuan kaya mabilis kaming nagtago sa likod ng malalaking puno. Mabuti na lang unti-unti nang dumidilim ang buong paligid, sapat na para malaman kung sino at ilan sila.


Kasalukuyan tinatahak ngayon ng mga armadong lalaki ang daan kung saan kami nagkukubli. Marami-rami din sila at puro nakasuot ng itim na damit. Balot na balot din ang kanilang mga mukha. Base sa aking nakikita mukhang sanay ang mga ito sa pakikipaglaban, at matataas din na klase ng mga armas ang kanilang mga hawak.

May isang bagay na pumukaw ng aking atensyon at 'yun ang dalawang lalaki naguusap at mukhang nagkakatuwaan pa. Boses palang nila ay kilala ko na at kahit ipikit ko pa ang aking mga mata alam ko na sila nga 'yon.

Parang bumalik sa akin ang lahat nang pangyayari ng gabing namatay si Sam. Hinding-hindi ko sila mapapatawad sa kanilang ginawa.  Akmang tatayo ako ng bigla akong pigilan ni Javier, "Hindi ito ang oras para maghiganti. Kailangan natin mahanap muna si Tito Roman," paalala niya sa'kin.

Kahit naiinis ako ay inisip ko ring mabuti ang kanyang sinabi. Wala akong mapapala kung galit ang papairalin ko at mukhang malalagay din kami sa alanganin kung kami mismo ang susugod.

Hinintay namin na makalayo na sila bago kami lumabas ng aming pinagtataguan. Hindi pa ako nakakasunod kela Javier nang makaramdam ko ang matinding pag-hampas sa aking likod.

"F----" napasinghal ako sa nangyari hindi ko siya napansin. Sinakyan niya ako at sinakal sa leeg, masyado siyang malaki at malakas at kinakapos na rin ako ng hininga. Pilit kong kinakapa ang kanyang pantalon at nagkataon na may nakasabit na isang maliit na punyal. Kinuha ko ito agad at buong lakas kong isinaksak sa kanyang leeg.

Halos habulin ko ang aking hininga nang makawala ako sa pagkakasakal at mabilis na lumayo sa kaniya. "Maling babae ang iyong binangga," ani ko habang pinagmamasdan siyang nag-aagaw buhay.

Muli akong tumakbo kung saan nagtungo ang aking mga kasama at habang tinatahak ko ang madilim na daan may isang babae akong nakitang tumatakbo sa di kalayuan.

Sinundan ko ito, "Miss! Sandali lang!" Tawag ko sa kaniya, pero hindi ata ako narinig at patuloy lang ito sa pagtakbo. Maya-maya'y isang putok ng baril ang umalingawngaw sa buong kagubatan kasabay ng pagkabagsak ng babae sa lupa. Agad ko itong pinuntahan at nilapitan, akmang hahawakan ko sana siya nang bigla itong naglaho sa aking harapan kasabay ng pagtapik sa aking balikat.

La Dama del PasadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon