"Ito na nga!" sabay-sabay naming bigkas habang nakatingin sa malaking mansyon nasa aming harapan."Sab, ito nga ang mansyon na nakita ko sa mga nakasabit na picture sa coffee shop, and according sa record itinayo ito noong 1800's pa," saad ni Luna.
"Hindi ba't bahay na bato pa lang ang nauuso noong panahon ng spanish colonization?" Tanong ni Javier.
Ngumiti sa aming harapan si Luna, "Tama ka, ang bahay na bato ay popular sa mga elite or middle-class family, pero ang pamilya Montemayor ay higit pa sa inaakala natin. Sila ang pinakamayaman na pamilya sa buong San Fabian at ang kauna-unahang nagpatayo nitong mansyon."
"Whoah! Bigatin pala ang pamilyang ito, pero bakit walang nagmamayari ng mansyon ngayon? Tanong naman ni John, habang sinusuri ang basag na estatwa sa magkabilang side ng hagdan patungo sa main door.
"Hindi ko rin alam, dahil wala na akong nabasang info tungkol dito," tugon ni Luna.
Napaangat ako ng tingin kung saan kita ko ang nakaukit na letrang M sa pinakatuktok nito. Halata na may kaya talaga ang pamilyang ito dahil nagawa nilang magpatayo ng mataas at malaking mansyon. Siguro noon napakaganda nito, malayo sa itsura nito ngayon na hindi na kaaya-aya tignan, dahil sa pinaghalong kulay itim at berde ang kabuuhan. Mga basag na bintana at sirang mga terrace. May ilang parte ng pader ang basag na rin at dinadaanan ng mga ligaw na halaman papasok sa loob, habang ang iba naman ay pinapalibutan ang ilang bahagi ng pader sa labas.
At bago ka makarating sa main door, kailangan mo akyatin ang unang palapag nito, at sa bawat hakbang na aming ginagawa ay siya din pagtunog ng mga tuyong dahon sa aming dinadaanan. Si Javier ang nagbukas ng pinto at lumikha ito nang kakaibang tunog na umalingawngaw sa loob ng mansyon.
"Papasa ito sa mga horror movies," pabirong bulong sa amin ni John, habang isa-isa na kaming pumasok sa loob.
Nalanghap namin ang kakaibang amoy nito, 'yung amoy ng pinagsamang kulob at amag. Hindi na kasi nasisinagan nang araw at saka parang binagyo ang loob. Nagkalat ang mga iba't ibang klase ng kagamitan, 'yung mga upuan at lamesa hindi na maintindihan ang itsura, yung mga kurtina itim na ang kulay. Ang mga paintings na nakasabit sa pader hindi mo na maintidihan kung ano na ang nakapinta rito. Nagkalat din ang mga basag na salamin, mga papel na kulay dilaw na sa katagalan at ang kisame butas na rin.
"Papa?" tawag ko, may kahinaan pa kaunti ang boses ko 'nun kasi nag-e-echo naman siya.
"Papa! Nandito na kami!" pero hindi pa rin siya sumasagot. Naramdaman ko ang paglapat ng kamay ni Javier sa aking balikat.
"Mabuti pa maghiwalay tayo sa dalawang grupo para hanapin siya," suhestiyon niya.
"Kami na ni John ang maghahanap dito sa ibaba at kayo naman ang sa itaas," sabi naman ni Luna.
Naiwan na kami ni Javier at mula sa aming kinatatayuan may dalawang hagdanan sa magkabilang side paakyat sa itaas. Gawa ito sa purong kahoy, at gawa naman sa bakal ang hawakan nito na may design ng mga dahon at bulaklak.
Dahan-dahan pa kaming umakyat ni Javier, dahil may ibang parte na ang sira. Nang marating namin ang second floor ng mansyon, namangha kaming parehas kasi napakalawak nito. Hindi na ako magtataka pa kung gaano kayaman ang pamilyang nagmamayari nito noon. May sarili itong sala at mini library, tapos sa kabilang bahagi naroon ang isang malaking piano.
BINABASA MO ANG
La Dama del Pasado
Ficción históricaLa Dama del Pasado (The Lady from the Past) Sabi nila tayong mga tao ang gumagawa ng ating kapalaran. Pero paano kung ang kapalaran na ito ang siyang mismong magtatakda ng iyong buhay, may paraan pa kaya para mapigilan ito? Ako si Isabelle Louise F...