"Sa gitna ng hindi mabilang na kaguluhan.
Tulad ng mga taimtim na panalangin ng pag-ibig, ang mga taong nagmamahal ay tiyak na magkikitang muli."- Isabelle Louise Flores
*****
"Pre, pa stop-over naman sa gas station. Ihing-ihi na kasi ako e." Pakiusap ni John habang nakapikit pa ang kanyang mga mata at napapahikab ng malalim.
"Tiisin mo muna pre! Mga 5 minutes pa, nasa bayan na tayo 'dun kana umihi," sagot naman ni Javier at pinabilis pa niya ang pagmamaneho.
Wala pang limang minuto, narating na namin ang Bayan ng San Fabian at naghanap agad si Javier ng gas station. Sa kasawiang palad wala kaming mahagilap na kahit isa man lang.
"Next time kasi mag-pampers ka, para hindi ka nagkakaganyan diyan." Pangaasar ko kay John, na binigyan lang niya ako ng matatalim na tingin.
"Pwede ka naman umihi sa tabi ng puno para 'di ka magkasakit sa bato," suhestiyon ko pa sa kanya.
"NEVER! mamaya may maihian pa akong engkanto o dwende sa puno, baka lalo pang lumaki si manoy." Iritado niyang sagot sa'kin.
Halos mabulunan ako sa sinabi niyang 'yun. Pilit kong pinipigilan ang aking sarili na tumawa.
"Anong tinatawa mo diyan?" Naniningkit ang kanyang mga mata na tanong sa'kin.
"Well sabi mo baka lumaki pa lalo yung ----, paalala lang baka nakalimutan mo na alam ko ang original size ng----" hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin dahil mabilis pa sa segundo ang kanyang kamay sa pagtakip ng aking bibig.
"Subukan mo lang!" Pagbabanta niya sa'kin.
"Alam niyo tumigil na kayong dalawa," natatawang sita samin ni Javier. Oh diba, pati si Javier hindi makapaniwala sa sinasabi ni John.
"Pre, pati ba naman ikaw? Dapat ako ang kinakampihan mo dito! Sinisira ni Sab ang pagkalalaki ko," sabi ni John with matching paawa effect pa.
Mabilis kong tinanggal ang kanyang kamay sa aking bibig, gosh baho kaya! "As if naman kakampihan ka ni Javier, noh!"
Bumalik sa pagkakaupo si John, sigurado akong nagpipigil lang ito kaya tumahimik na siya. Anyway, hindi pa ito nanalo sa akin pagdating sa pangaasar at panigurado akong gaganti din ito sa akin. Kasalanan ko bang malaman kung ano ang size ng lawit niya gayong siya naman ang na-admit noon sa hospital. Sa kasamaang palad ako ang nakaduty that day, and hindi niya alam iyon dahil wala naman siyang malay, ito yung panahon na hindi pa kami nagsusundalo. Well, kapatid ko naman siya at marami na rin akong nakita na iba't-ibang hugis, size, etc... Para sakin wala lang 'yun, walang malisya, normal na tanawin lang ba, ganun sa medical field walang kaartehan. At kahit ganito ako sa kaniya hindi ko naman sasabihin, gusto ko lang siyang asarin madali kasing mapikon, eh.
Ipinarada na ni Javier ang sasakyan sa tapat ng isang local coffee shop at yung mokong ayun hindi na nakapaghintay at kumaripas na ng takbo papasok sa loob.
Doon ko lang nailabas ang malakas kong tawa na ikinagising ni Luna. Ang sama kong kapatid ano?! Bale lumabas na pala kami ng sasakyan at nag-unat-unat na ng aming mga katawan. Grabe parang isang dekada ata akong nakaupo kaya ang sakit na ng puwetan ko.
"Bakit pala kayo tumatawa kanina?" Bungad samin ni Luna habang kinukusot nito ang kaniyang mga mata.
"Ah, ayun ba? May nabasa lang ako sa phone na joke," dahilan ko, mukha naman naniwala siya sa sinabi ko at nagpresinta pa siyang bumili ng kape at tinapay.
![](https://img.wattpad.com/cover/198589779-288-k220330.jpg)
BINABASA MO ANG
La Dama del Pasado
Historical FictionLa Dama del Pasado (The Lady from the Past) Sabi nila tayong mga tao ang gumagawa ng ating kapalaran. Pero paano kung ang kapalaran na ito ang siyang mismong magtatakda ng iyong buhay, may paraan pa kaya para mapigilan ito? Ako si Isabelle Louise F...