"Mystery creates wonder and wonder is the basis of man's desire to understand."
- Neil Armstrong -
*****
Sa sobrang bilis ng aking pagtakbo hindi ko namalayan nakarating na pala ako sa pamilihan ng bayan. Doon lamang ako nakahinga ng maluwag.
"Hindi mo na ba ako mahal? Wala na ba akong puwang diyan sa puso mo? Hindi ba't nangako ka sa akin na babalik ka pero bakit ganito, nakakausap, nakikita at nahahawakan kita pero hindi ko maramdaman ang pag ibig mo saakin?"
"Aaaaah! Ba't ba paulit-ulit ito sa aking isip," kinakausap ko na ngayon ang aking sarili tapos napapahawak pa ako sa aking ulo halos magulo ko na nga ang aking buhok dahil sa kakaisip sa sinabi ng lalaking iyon. Napapansin ko na rin na pinagtitinginan na ako ng mga tao dito.
Ah! Umayos ka Isabelle mapapagkamalan ka talagang baliw sa ginagawa mo."Ayos ka lang ba ineng?" Tanong sakin ng isang matanda, nakaupo ito sa gilid ng kalsada at naglalako ng mga kakanin.
"Ah, eh, opo lola," sagot ko habang napapakamot sa aking ulo. "Ayos lang po ako."
"Mabuti naman, akala ko kung napa ano kana riyan," sabi niya. May lumapit na isang matabang bata sa kanyang tabi.
"Apo... bakit nakabusangot na naman iyang mukha mo?" Tanong nito sa bata habang linilinis niya ang madumi nitong pisngi.
"Lola gusto ko po kasi humingi ng magandang tinapay na iyon, ayaw naman nila akong bigyan," sabay nguso nito sa isang tindahang nagtitinda ng mga cupcakes. Tinapay ang tawag niya 'dun.
"Naku apo, hindi ka talaga bibigyan 'nun dahil kelangan mo itong bilhin. Hayaan mo kung may naibenta na ako rito bibilhan kita ng tinapay na gusto mo," inaalo ni lola ang kanyang apo.
Tumingin ako sa benta ni lola na puro kakanin, mabuti na lamang may dala akong pera rito at binili ko na lang yung kalahati ng paninda niya.
"Naku ineng, ikaw ang buena-mano ko sa umagang ito pero wala pa akong panukli sa pera mo, baka meron kang maliit na halaga riyan?"
"Huwag niyo na po ako suklian lola sa inyo na po iyan at saka pwede po ba akong magpasama sa apo ninyo? Bibili lang kami ng tinapay na iyon," sabay turo ko sa tindahan na binanggit ng bata. Makikita naman niya kami, dahil katapat lang niya ito. "Ibabalik ko po agad yung apo ninyo, promise po."
"O sige ineng," sabi niya sakin na may ngiti sa labi niya. "Apo samahan mo ang dalagitang ito, bibili daw kayo ng tinapay," sabi ni lola sa apo niya at mabilis pa sa daga itong tumayo at naglakad patungo sa tindahan. Aba, siga si kuya liit maglakad ah! Natutuwa ako sa batang ito walang pakeme-keme.
Nang marating namin ang tindahan, agad itong nagturo ng gusto niyang tinapay (cupakes), matindi si kuya liit parang alam na niya na ililibre ko siya.
"Mmmm... a-ang tsa-rap po ni-to!" Mangha niyang pagkasabi habang puno pa ang kanyang bibig.
"Teka mabulunan ka 'nan," suway ko at inabutan ko kaagad ng inumin.
"Ate ganda, pwede mo ba bilhan sila ate at kuya?" Sabi niya na nagpapacute pa.
Aba marunong rin pala itong mambola. Pinisil-pisil ko nga ang mataba niyang pisngi, "Bakit kasi ang cute cute mo!" Panggigigil kong sabi.
Hindi na ito nakapalag pa dahil binilhan ko siya ulit, pati na rin sa kanyang mga kapatid at sa lola niya. At katulad ng aking ipinangako kay lola ay ibinalik ko rin kaagad ang kanyang apo.
BINABASA MO ANG
La Dama del Pasado
Historical FictionLa Dama del Pasado (The Lady from the Past) Sabi nila tayong mga tao ang gumagawa ng ating kapalaran. Pero paano kung ang kapalaran na ito ang siyang mismong magtatakda ng iyong buhay, may paraan pa kaya para mapigilan ito? Ako si Isabelle Louise F...