There are two types of pain.
Pain that hurts you and Pain that changes you.*****
Isabelle's POV
"Isabelle, hindi ka ba dadalaw sa kaniya?" Nag- aalalang tanong sa akin ni Luna. Oo nga pala, dalawang linggo na ang lumipas nang mangyari ang gabing iyon. Hindi rin ako sumipot sa araw ng libing ni Sam, dahil mas pinili ko pang magkulong nalang sa aking kwarto.
Narinig ko ang pagbuntong hininga nito, "Sana huwag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari kay Sam. Tandaan mo sa buhay ng isang tao kailangan natin tanggapin ang mga bagay na hindi naaayon sa ating kagustuhan."
Napatingin ako sa kaniya, sa totoo lang sa aming apat masasabi kong mas matatag at matapang si Luna. Isang katangian na sana meron din ako, siguro kaya niya ito nasabi dahil narin sa mga karanasan niya noong bata pa siya. Pinagmasdan ko siya ngayon, ang layo na niya sa batang kalye na nakilala ko noon.
Samantalang ako, narito umiiwas sa problema, nagtatago at isinara ang aking sarili mula sa mga taong nagpapahalaga sa akin. Pinaparusahan ko ba ang aking sarili? o hindi ko lang matanggap na wala akong nagawa para sa kaniya? Kahit ako mismo ay hindi ko rin alam ang kasagutan sa sarili kong katanungan.
Nagtungo na ito sa pintuan palabas ng aking kwarto, napapagod na siguro siyang unawain ako. "Huwag mo sana kalimutan na kailangan pa natin hanapin ang papa mo. Alam kong nagluluksa ka pa sa kaniyang pagkawala, naiintindihan ko 'yun dahil kaibigan din namin siya. Pero sa pagkakataong ito maisip mo rin sana na kailangan ka ngayon ni Tito Roman, Isabelle. Buhay pa siya at kailangan ka niya... kailangan ka namin." Binuksan na niya ang pintuan, "Nandito na si Gen. Sandoval sana magawa mo na siyang harapin, ilang araw na rin siya pabalik-balik dito." Dugtong pa niya at tuluyan na siyang lumabas ng aking silid na hindi man lumilingon sa akin.
Ilang araw nila akong pinag-tyagaan kausapin pero ni isa sa kanila ay hindi ko pinapakinggan.
Sumosobra na yata ako...
Tumayo ako at lumapit sa salamin, pinagmasdan ang aking sarili. Bakas pa sa 'king pisngi ang mga naghihilom na sugat. Ilang araw na wala pang maayos na tulog, dahil sa tuwing ipinipikit ko ang aking mga mata naaalala ko ang gabing iyon. Napahawak ako sa aking maputlang mukha.
"Ako na ba ito?", bulong ko sa sarili. Tama nga si Luna kailangan ko nang ayusin ang aking sarili hindi namin mahahanap si Papa kung patuloy akong ganito at sigurado akong hinihintay niya na rin ako.
*****
Third Person's Pov
Abala sila Javier sa pagkalkal ng mga gamit na pwedeng makatulong sa paghahanap nila kay Roman, habang si Gen. Sandoval naman ay may kausap sa telepono para alamin ang kalagayan ni Manang Criselda. Medyo nahirapan pa sila dahil sa dami ng libro at mga papeles na nagkalat. Simula kasi ng sumalakay ang mga armadong lalaki ay hindi pa nila ito ipinapalinis.
Napatigil silang lahat sa kanilang gingawa ng biglang may pumasok sa silid na iyon. Lihim naman napangiti ang tatlo ng makita nila si Isabelle, habang si Gen. Sandoval naman ay nagmamadaling lumapit sa dalaga at binigyan ito ng mahigpit na yakap. Sobra itong nagalala sa kalagayan ni Isabelle, nakita kasi niya ang sitwaston nito matapos ang kanilng rescue operation sa Jolo.
"Ni-nong, hi-hindi po ako makahinga" reklamo ni Isabelle.
"Pa-pasensiya kana Hija hindi ko lang mapigilan, masyado mo kasi akong pinag-alala. Teka, wala na bang masakit sa iyo? Yung sugat mo magaling na ba?" Sunod-sunod nitong tanong.
![](https://img.wattpad.com/cover/198589779-288-k220330.jpg)
BINABASA MO ANG
La Dama del Pasado
Historical FictionLa Dama del Pasado (The Lady from the Past) Sabi nila tayong mga tao ang gumagawa ng ating kapalaran. Pero paano kung ang kapalaran na ito ang siyang mismong magtatakda ng iyong buhay, may paraan pa kaya para mapigilan ito? Ako si Isabelle Louise F...