"Dream becoming reality runs like water between the fingers."
- Willem Elsschot
*****
Isabelle's POV
Tumatakbo ako sa isang madilim na lugar, hindi ko mawari kung paano ako nakapunta rito, pero isa lang ang alam ko. Pagod na pagod na ako sa kakatakbo kaya tumigil ako sandali. Napahawak ako sa tuhod at hinahabol ang aking hininga, nang maging ok na ay agad akong dumeretso ng tayo.
"May tao ba rito?!" Sigaw ko sa kawalan, walang sumasagot kaya nagpasya na lang akong manahimik.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa may naaninag akong munting liwanag sa aking harapan at sinundan ito. Sa bawat hakbang na ginagawa ko ay siya din paglayo ng liwanag saakin kaya nagsimula muli akong tumakbo para maabutan ang liwanag na iyon.
"Sandali!... hintayin niyo ako!" Sigaw ko rito hanggang sa ito'y tumigil at napatigil din ako sa pagtakbo. Napansin ko na parang may gumalaw sa liwanang na yun.. parang may something pakiramdam ko pa nga lumingon pa ito. Hindi ko mawari kung tao ba iyon o anumang klaseng nilalang siya, ang mahalaga ay maabutan ito para makaalis na dito.
Nabigla na lamang ako ng mabilis na lumapit ito sa akin at halos mabulag ako sa sobrang liwanag na nilikha nito sa buong paligid.
Napabalikwas kaagad ako mula sa higaan. Ramdam ko ang mga butil ng pawis na namuo sa aking noo. Ipinikit ko ang aking mga mata at sinapo ang aking dibdib, pinapakalma ang aking sarili.
Kalma lang Isabelle ... Kalma lang...
Isang panaginip, nakakailang beses ko na ito napapaginipan. "Ang puting liwanag na iyon, 'yun din kaya ang liwanag na nagligtas sa akin sa pagsabog?" Napapailing na lang ako sa tuwing naaalala ito.
"Teka asan ba ako?" Napansin ko kasing nasa loob ako ng kwarto.
Hindi ito ang aming bahay. Malawak ang espasyo nito parang kwarto ng prinsipe o prinsesa. Magarbo ang mga kagamitan at mukhang galing pa ata sa ibang bansa. Malalaki din ang iba't ibang paintings na nakasabit sa wall. Hindi rin ganoon kaliwanag ang buong silid pero may mga ilaw naman na nagmumula sa mga lamparang nakasabit sa pader. Akalain mo uso pa pala ito, mostly sa mga old western movies ko lang ito nakikita.
Maya-maya'y nakaramdam ako ng kaunting sakit sa aking katawan...
Wait... hindi kaya...
Napahawak ako bigla sa aking sarili, kinapa ang aking dibdib, tiyan at agad kong itinaas ang kumot. Napahinga ako ng maluwag, mabuti nalang may damit ako. Walang pinsalang nangyari.
"Huwag kang mag-alala Señorita, wala akong ginawang kababalaghan sa'yo," malamig na sabi ng lalaki sa aking tabi.
Mabilis pa sa alas-cuatro akong lumundag palayo sa kamang iyon lalo na sa lalaking nagsalita.
"S-sino ka?" Nauutal kong tanong sa kaniya.
Bahagya itong natawa, "Masiyado ka namang magugulatin, Señorita Isabelle Louise Flores"
Nanlaki ang aking mga mata, Pa-paano niya ako nakilala? Ni hindi ko nga siya kilala.
"Tama ka, hindi mo nga ako kilala pero ikaw kilalang-kilala ko." Sabi niya at napahalukipkip pa ito. Hindi ko masiyado maaninag ang kaniyang mukha dahil medyo madilim sa parte ng kaniyang kinauupuan.
BINABASA MO ANG
La Dama del Pasado
Historical FictionLa Dama del Pasado (The Lady from the Past) Sabi nila tayong mga tao ang gumagawa ng ating kapalaran. Pero paano kung ang kapalaran na ito ang siyang mismong magtatakda ng iyong buhay, may paraan pa kaya para mapigilan ito? Ako si Isabelle Louise F...