Capítulo 12 - Antipatikong Ginoo

490 82 225
                                    


"Ang kwento natin ay binuo sa hindi inaasahang  sitwasyon at pagkakataon."

- Rafael Luis De la Fuente

*****

Hindi pa nagbubukang-liwayway ay maaga na akong nagising, para pag-handaan ang araw na ito. Una, sa sobrang excited hindi na ata ako nakatulog nang maayos. Pangalawa, iniisip ko pa rin until now 'yung mga revelation isiniwalat sa'kin ni Papa, about his past, his family and even this necklace.

I touched it carefully na para bang takot akong masira ito, sabi ni Papa ako na daw ang nagmamay-ari nito ngayon. A family heirloom, that was carefully passed down generation to generation. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, pakiramdam ko naging kumpleto ang pagkatao ko.

I take a deep breath, tama na itong kakaisip ko nang kung ano-ano. Ito ang araw na dapat mag-enjoy at mag-saya, kaya dapat maghanda na ako. Nagtungo na ako sa banyo para maligo, nang matapos, lumabas ako ng banyo suot ang puting bathrobe.

Binuksan ko ang kahong ipinadala ni Papa sa aking silid kagabi. Laman nito ang ilang pares ng baro't saya, simple lang ang mga 'to na halos parehas sa mga sinusuot ni Lusiya. Nakita ko na rin yung ipinabili kong itim na wig.

Pumili na ako ng isang pares ng baro't saya at isinuot ito. Tama lang ang sukat pati ang haba, sapat na para matakpan ang aking sneakers. Sinimulan ko na rin ayusin ang aking mahabang buhok, tinalian at saka isinuot ang wig. Mabuti na lamang sumakto ito sa aking ulo at hanggang balikat lang ang haba.

Nagtataka siguro kayo kung bakit ko ito ginagawa.

Isa ito sa mga plano ko, ang itago muna pansamantala ang aking pagkakakilanlan. Mas maiging magingat, dahil hindi pa namin matukoy kung ilan ang mga kalabang naidala ko sa panahong ito. Pangalawa, kalat na ang balitang nakauwi na ng Pilipinas ang unica hija ni Papa, and as I remember nasabi sa'kin ni Lusiya, na maraming tao ang gusto ako makilala sa peraonal.

Wala namang problema iyon, kaso hindi ako makakilos ng maayos at malaya, kung nakikita nila palagi ang kagandahan ko este nakikita nila ako palaging nasa labas. At kapag nangyari iyon, for sure na maraming mga mata ang nakasubaybay sa bawat kilos ko, at hindi magiging madali ang lahat para sa'kin.

Pinasadahan ko nang tingin ang buo kong katawan. Ayos na sana, kaso halata pa rin ang maputi kong balat. Kung meron sana na pang-tan spray mas maganda, kaso wala pa ata iyon sa panahong ito.

Mabuti na lamang naalala ko, na may dala pala akong make-up kit. Si Sam ang nagsiksik 'nun sa bag ko at hindi ko na inalis pa. Kinuha ko ang bag at hinalungkat ang loob hanggang sa makita ko 'to.

Regalo ito ni Sam, pero never ko pang nagamit. Sa aming tatlo sila Sam at Luna ang mahilig magmake-up, bahagya ako napangiti ng maalala iyon.

"Ito na ang araw na magagamit kita," sabi ko sa eyeliner na kinuha ko at binasa ang pangalan nito. "Better Than Sex Waterproof Eyeliner, by Too Faced," napakunot ang noo ko.

What the-- bakit may ganitong pangalan ng eyeliner? Saang lupalop kaya ito nabili ni Sam? Napapailing na lang ako at lumapit sa salamin.

Nagsimula na akong mag-lagay ng fake freckles sa aking magkabilang pisngi. Mabuti nalang kulay brown ito, na bumagay sa kulay ng aking balat, and the good thing waterproof and anti-smudge pa siya.

La Dama del PasadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon