Capítulo 2 - Masamang Balita

893 130 626
                                        

"Ito ang aking tungkuling sinumpaan..."

- Isabelle Louise Flores

*****

Naglalakad ako ngayon sa loob ng extension hall ng Baranggay, sa pinakadulong bahagi nito naroon ang isang opisina na pansamantalang ginagamit ng mga opisyal kapag may pagpupulong nagaganap. Kakatok na sana ako nang bigla nalang ito magbukas at lumabas roon ang Capt. ng Bravo at Charlie team, sabay pa silang sumaludo saakin bago umalis.

Nakakapagtaka bakit andito sila? Napailing na lang ako at pumasok na sa loob. Nakita ko siyang nakatalikod sa kaniyang lamesa at mukhang malalim ang iniisip.

Dumeretso ako nang tayo at sumaludo, "Sir, ipinapatawag niyo raw po ako?"

Humarap ito, teka bakit ganiyan ang itsura niya?

"Capt. Flores, Hija maupo ka muna," mahinahon nitong wika, nakakapagtaka walang bakas ng anumang ma-awtoridad na boses sa kaniya ngayon. Ninong ko si Gen. Sandoval at isa siyang matalik na kaibigan ni Papa. Siya rin ang dahilan kung bakit lalo pa akong nagpursige na maging sundalo at higit sa lahat tumatayo rin  bilang pangalawa kong ama, na mas strikto pa kay Papa.

Umupo ako at pinagmasdan ang kakaiba niyang itsura at kilos. Ang Gen. Sandoval na nakikita ko ngayon ay malayo sa seryoso at strikto nitong mukha.

"May kailangan kang malaman, Isabelle." Bigla niyang sambit, hindi na ako umimik at nakinig na lang sa kaniyang sasabihin. "May natanggap akong report kagabi, kaya agad akong nagtungo rito para ako na mismo ang magsasabi sa'yo."

"Ninong, pwede niyo naman po akong tawagan sa phone para hindi na po kayo nag-abala pang pumunta rito." Pilit kong pinapakalma ang aking sarili, para kasing may mali sa kaniyang ikinikilos. Hindi niya ugaling magpunta pa kung saan mang lupalop ng Pilipinas ako naroon para lang sabihin ang isang balita. Kapansin-pansin rin na wala itong tulog dahil nangingitim ang ibabang bahagi ng kaniyang mga mata.

"Mas mainam na ako na mismo ang magsasabi saiyo." Huminga ito ng malalim bago muling nagsalita, "Hija, nawawala ang iyong Ama."

"Baka nasa business trip lamang si Papa? Alam niyo naman po ang ugali 'nun saka nalang magsasabi kapag nandoon na siya sa isang lugar." 'Yun ang ugali ni Papa magugulat ka nalang na bigla siyang tatawag saiyo at sasabihing nag-out of town or nag-out of the country ang lolo niyo.

"I'm telling the truth, hija. Inatake ang bahay ninyo sa Cavite," deretsong nakatingin sa aking mata si ninong.  Ganito siya kapag seryoso na ang pinaguusapan.

"Tumawag sa akin si Manang Criselda na may mga armadong lalaki na bigla na lang pumasok sa inyong bahay kagabi, at hinahanap ang iyong ama," napahimas siya ng mukha, habang ako naman ay hindi na mapakali sa aking kinauupuan.

"Naputol ang aming usapan nang makarinig ako ng putok ng mga baril. Agad akong nagtungo roon kasama ang ilang mga pulis, ngunit hindi na namin naabutan pa ang mga ito. Wala rin ang iyong ama, habang si Manang Criselda naman ay nagtamo ng matinding tama sa kaniyang dibdib," mahinahon niyang paliwanag.

Pilit kong inintindi ang kaniyang mga sinabi, hindi ako makakilos o makapagsalita. Para ba akong nabuhusan ng malamig na tubig sa aking kinauupuan.

"May kelangan ka pang mala---" hindi na natapos ni Gen. Sandoval ang kaniyang sasabihin nang makarinig kami ng isang malakas na pagsabog na halos nagpayanig ng buong silid kung saan kami naroroon ngayon. Kasunod nito ang palitan ng mga putok ng mga baril at sigawan ng mga tao.

La Dama del PasadoMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon