Kasalukuyang kaming nasa sala ngayon ni Lusiya, dito ko kasi naisipang umupo malapit sa bintana para naman makarinig ako ng mga ingay mula sa labas. Ilang araw din kami laging nasa loob ng silid aklatan ni Papa at sobrang boring, as in dahil puro libro lang naman ang makikita mo sa bawat sulok at nakaka-antok pa 'yung sobrang katahimikan.
Hay! Tahimik ako napabuntong hininga, kailangan ko pa kasi tapusin itong assignment na binigay ni Aling Esme. Pang-anim na gawa ko na ito, sana naman ngayon okay na.
Nagtataka kayo kung ano ang ginagawa ko ngayon noh? Well heto, nag-buburda lang naman ako ng isang bulaklak dito sa puting panyo. Alam niyo kung bakit? Sabi kasi ni Aling Esme kailangan ko raw itong matutunan, dahil isa ito sa mga ipinapagawa ni Papa sa kaniya.
Jusme! pagluluto nga ng itlog nung nakaraang araw hindi ko magawa nang maayos at halos masunog ko pa iyon. Kung hindi lang ako tinulungan nila Pacita at Clarita eh, baka pati 'tong bahay ay nasunog ko na rin. Paano pa kaya itong pagbuburda. Hay! Napabuntong hininga nalang ulit ako.
"Señorita, ayos lang po ba kayo? Hindi po kasi maipinta ang iyong mukha tapos panay pa ang iyong pag-buntong hininga," takang tanong niya sa'kin.
"Ayos lang ako," sagot ko na hindi man lang tumitingin sa kaniya. Wala ako sa mood ngayong magdaldal.
"Maari ko po bang tingnan ang inyong ginawa?" Pakiusap ni Lusiya.
Napatigil ako at tumingin sa ginawa niya at napamangha. Grabe! Ang galing naman ni Lusiya, halos tatlong bulaklak ang binurda niya, samantalang ako hindi ko mawari kung bulaklak ba ito o ano, para kasing palaka na ewan. Haist!
Inilahad ni Lusiya ang kamay niya para iabot ko 'yung ginawa ko. Nahihiya man ay ipinakita ko pa rin ito at pinagmasdan ang kaniyang reaksiyon. "Ano maganda ba?"
"P-o? Ah o-opo Señorita maganda po siya," nahihiya niyang sagot. Alam ko naman napilitan lang siyang sabihin iyon at sa itsura palang niya parang gusto niyang tumawa.
Napasandal ako sa upuan. "Lusiya, sabihin mo na lang 'yung totoo. Hindi naman kita kakainin ng buhay at saka alam ko naman na pangit 'yang gawa ko."
"Nagkakamali po kayo! Señorita, maganda po tala--"
"Naku Lusiya, 'wag mo nang ituloy yang sasabihin mo," putol ko sa kaniya. "Ang mabuti pa tapusin nalang natin ito, para maipasa ko na kay Aling Esme."
"Opo Señorita. Huwag po kayong mag-alala matututunan niyo rin po iyan, kaunting tiyaga lang po," saad pa niya para lang mapagaan ang loob ko. Hay naku, kung alam mo lang kung gaano ko ito kinaayawan.
Ewan ko ba, bakit kasi kailangan ko pa itong matutunan. Una pagluluto na hindi ko talaga kayang gawin. Lumamon pwede pa pero pagluluto? Naku po! para akong nakikipagtunggali sa kawali.
Tapos ngayon naman itong pagbuburda, panigurado ako na ang susunod kong pag-aaralan ay kung paano kumilos ang isang babae sa panahong ito.
"Señorita Isabelle, hinahanap po kayo ng iyong ama," biglang sabi ni Ginoong Edmundo sa aking likuran.
Napaiktad ako dahil 'dun, "Bigla ka naman sumusulpot, Ginoong Edmundo!" Irita kong sabi sa kaniya.
Ngumisi lang ito sabay kuha ng binuburda ko. "Señorita, hindi ko akalaing na mahilig ka palang magburda ng palaka," pang-aasar niya.
"Hindi yan palaka! Bulaklak yan!" Pagkokorek ko sa kaniya, sabay hablot ko sa burdang ginawa ko. Saan kaya ito napulot ni Papa, mukhang may saltik sa utak ang galing mangasar. Kainis!!!
"Ang mabuti pa Señorita, magtungo na po kayo sa silid ng iyong ama at may importante po daw itong sasabihin," paalala niya ulit.
Inayos ko ang aking sarili at nagpaalam muna kay Lusiya, habang sinamaan ko naman ng tingin si Ginoong Edmundo grabe kasing makangisi.
BINABASA MO ANG
La Dama del Pasado
HistoryczneLa Dama del Pasado (The Lady from the Past) Sabi nila tayong mga tao ang gumagawa ng ating kapalaran. Pero paano kung ang kapalaran na ito ang siyang mismong magtatakda ng iyong buhay, may paraan pa kaya para mapigilan ito? Ako si Isabelle Louise F...
