Capítulo 3 - Rescue Operation

781 127 603
                                    

"True soldiers of hope do not do what they do for glory, fame and to be superior over others, they do what they do because of the love in their heart and soul and for the greater good of mankind." 

- Rick Quin

*****

"Capt. Flores, nakaposisyon na ang mga sniper natin hinihintay na lamang nila ang hudyat mo," pagrereport sa'kin ni De Vera sa kabilang linya.

"Ihanda mo ang iyong grupo sisimulan natin ang operasyon saktong 22:00," pahayag ko habang nakatingin sa aking relo. Matagal-tagal narin kaming nagmamatyag sa mga kalaban at mukhang may nagaganap pang kasiyahan sa loob.

Sa ikatlong pagkakataon muling nagsama-sama ang buong PSF (Philippine Special Forces). Sa ngayon pinangungunahan ni De Vera ang grupo ng mga sniper, si Malvar naman ang nangunguna sa bravo team at sila Santos at ang kalahati ng Charlie Team ang mangunguna sa pagkuha ng mga bihag at ang magdadala sa mga sundalong naghihintay sa dalampasigan. Habang si Gallego naman ang aking makakasama at ang unang susugod sa kuta ng kalaban.

Tinapik ko ang balikat niya, na abala sa pagtingin sa maliit na screen nakakabit sa kanyang braso, "Nakita mo ba kung saan nila itinago ang mga bihag?"

"Yes Capt., dalawang kubo ang nasa loob ng kutang ito. Sa maliit na kubo nila inilagay ang mga bihag pero ang malaking kubong ito.."

"Bakit ano nakita mo?"

"Walang laman ang loob nito, wala ring tao," pahayag niya. Nakikita niya ang mga kaganapan sa loob dahil ginamit nito ang Dragonfly Surveillance Robot. Isang uri ng surveillance camera na ginagamit para malaman at matukoy kung ano ang mga plano at kilos ng mga kalaban. Napakaliit lang nito kaya mahirap mapansin ninuman.

"Hayaan mo, titignan ko 'to mamaya," nahagip ng aking paningin ang kasalukuyang pagpapalit ng bantay. "Umayos kana Gallego, magsisisimula na ang ating mission."

Sa oras na ito hindi kami pwedeng magpadalos-dalos, dahil isang pagkakamali malalagay sa alanganin ang buhay ng mga bihag.

*****

Nakatago ako ngayon sa madilim na parte ng damuhan kung saan ilang dipa na lamang ang layo ko sa nagbabantay. Gamit ang aking baril na may silencer mabilis ko itong binaril sa ulo na agad nitong ikinatumba. Lumapit agad ako sa pintuan at kinatok ito ng ilang beses. Lumabas ang isang lalaki, at laking gulat nito nang makita niya ako, sisigaw sana ito ngunit mabilis ko itong binalian ng leeg.

"Im in!" hudyat ko sa aking mga kasama kasabay ng pagbaril nila sa iba pang nagbabantay sa labas ng kanilang kuta. Ngayon nasecure na namin ang labas, kailangan na namin makuha ang mga bihag.

Mabilis kaming nagkubli ni Gallego sa likod ng kubo, gamit ang kaniyang maliit na robot na tinatawag niyang "adbot" (dahil siya mismo ang lumikha nito) nakikita namin mula sa screen na patuloy parin ang kanilang kasiyahan. Nakaupo ang mga 'to sa isang mahabang lamesa, masayang nag-aasaran at nag-yayabangan sa bawat isa. May iba na tinamaan na ng kalasingan at ang iba naman ay patuloy parin sa paglaklak ng alak.

"Gallego, gawin mo na," utos ko.

May pinindot siya sa maliit na screen at kusang gumulong ang tatlong "adbot" na ito patungo sa pwesto ng mga kalaban. Napansin ito ng isang lalaki at kaniyang kinuha, pinagmasdan niya ito ng mabuti na para bang bago sa kaniyang paningin.

La Dama del PasadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon