Capítulo 10 - 1865

511 95 272
                                    

"Hindi sinusukat sa estado ng buhay ang karapatan na makapag-aral."

-Isabelle Flores

*****

"Papa?" Yumakap ako sa kaniya. Totoo nga! Hindi nga ako nananaginip.

"Ako nga ito, anak." Naramdaman ko ang mahigpit niyang pagyakap sa akin.

Pakiramdam ko ang tagal na hindi ko siya nakita. Ang lahat ng takot at pangamba na nararamdaman ko ng mga nakalipas na mga araw ay biglang naglaho at napalitan ito ng sobrang kagalakan sa aking puso.

Hindi ko namalayan na bumuhos na pala ang mga luhang matagal ko nang itinago. Sininghot ko pa ang nagbabadyang pagtulo ng aking uhog sa walang humpay na pag-iyak ko.

"Tahan na anak, hindi bagay sa'yo ang umiiyak ng ganiyan," bulong ni papa habang hinahagod ang aking likod.

"Just promise to me papa, na hindi na kayo mawawala pa, na hindi na ito mauulit pa," mas hinigpitan ko pa lalo ang pagkakayakap sa kaniya.

Bahagya siyang natawa sa aking inasal, "Yes my princess, I promise."

Doon lang ako humiwalay sa kaniya, gamit ang kaniyang dalawang daliri pinitik pa niya ang aking noo. "You're still the same as you used to be."

"Papa naman, umiiyak na nga ako dito dahil sa inyo," nakanguso kong reklamo.

Pinunasan niya ang aking mga luha at sabay pa kaming natawa na parang ewan. Hindi pa rin siya nagbabago, sabagay noon pa naman ganito  ang ginagawa niya sa tuwing umiiyak ako noon. Napapaaway pa minsan, dahil sa pang-aasar ng ibang bata na uhugin daw ako.

"Ayos ka na ba?" Tumango ako at inayos ang sarili.

Napukaw ang aming atensyon nang makarinig kami ng mahihinang hikbi, na nagmumula sa mga taong nagkukumpulan sa labas ng pintuan,  na animo'y nanunuod ng nakakaiyak na telenovela.

"S-salamat sa Diyos at nagising na rin ang Señorita," maluha-luhang sambit ng ale, habang pinupunasan ang sariling luha. Ganoon din ang ginawa ng tatlong dalagita  nasa kaniyang likuran

"Papa, sino po sila?" Taka kong tanong, naguguluhan sa nangyayari at sa kanilang inaakto.

Ngumiti si papa at inilahad niya ang kaniyang kamay para alalayan akong makatayo. "Hija, sila ang mga kasama natin sa bahay na ito. Siya si Aling Esmeralda."

Yumuko siya sa aking harapan at muling nagsalita si papa, "Siya ang nangangasiwa ng ating tahanan dito sa Maynila." Nagsalubong ang aking mga kilay sa narinig.

Wait! Nasa Maynila ako? Paano ako napadpad dito?

Lumapit si Aling Esmeralda para ilagay sa aking balikat ang puting balabal. Nakaramdam ako ng hiya sa sarili, dahil doon ko lamang naalala na medyo manipis itong suot kong bestida.

"Sa-salamat po," nakayuko kong sabi. Baka mahalata nila ang pagkapula ng aking pisngi. Sa tuwing nahihiya kasi ako namumula ito na parang hinog na kamatis, bagay na laging tampulan ng pang-aasar ni John sa akin.

Luminga-linga ako sa paligid, nasaan pala sila? Bakit hanggang ngayon di ko pa rin sila nakikita.

Nabalik lamang ang atensiyon ko nang maramdaman ko ang malambot na kamay ni Aling Esmeralda sa magkabila konh pisngi. Napaangat ako ng paningin at nasilayan ang maamo niyang mukha.

May pagka-singkit ang kaniyang mga mata, katamtamang tangos ng ilong at manipis na labi.  Nakapusod ang maputi niyang buhok  na kumikintab sa tuwing nasisinagan ng araw.

La Dama del PasadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon