Capítulo 19

414 36 48
                                    


"Wala tayong karapatan para manakit ng kapwa natin, at wala tayong karapatan para mang-angkin ng isang bagay na kailanman ay hindi mapapasaatin."

- Isabelle Louise Flores

*****

Sinundan ko ang pinagmumulan ng boses ni Lusiya, kung saan tumambad sa aking harapan ang mga nagkukumpulang kababaihan.

"Tonto!" Isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa buong paligid na para bang sinasadyang ipahiya ang kapwa.

Nagpumilit akong sumiksik, hanggang sa makita ko ang isang babaeng may katangkaran ang nakatalikod sa amin. Nanlaki ang mata ko ng makitang hawak nito ang tenga ni Lusiya.

"Mierda! Tignan mo ang saya ko, napakadumi na!" Hirit pa nito na mas lalong diniinan ang pagkakapingot. Halos mapahawak si Lusiya sa kanya, at panay paghingi ng tawad ang naging bukambibig.

"Ibigay mo na ito sa akin!" Pilit niyang kinukuha sa kamay ni Lusiya ang damit na pinatahi ni papa para sa'kin.

Kung hindi ako makikialam, paniguradong hindi niya titigilan si Lusiya hanggang sa pumayag ito sa kaniyang kagustuhan.

"HOY!" wika ko sa matigas na boses. Ang lahat ng taong naroroon ay napatingin sa akin, habang si Lusiya naman ay napapailing.

Nilapitan ko ang babaeng namingot sa kanya at hinablot ang isa nitong braso. "Bitawan mo na siya, nasasaktan na ang kaibigan ko sa ginagawa mo."

Hindi siya umimik. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa, na wari ba'y isa lamang akong maliit na insekto sa kanyang paningin. "¿quién eres tú?"

Bumuga ako ng hangin, "Binibini, siguro naman marunong kang umintindi ng wikang tagalog. Uulitin ko bitawan mo na ang kaibigan ko."


Ilang segundo pa siyang nagmatigas at nakipagsukatan ng tingin sa'kin. Napangiwi siya nang higpitan ko pa lalo ang pagkakahawak ko sa kanyang braso, hanggang sa napilitan siyang bitawan si Lusiya, pero hawak pa rin niya ang aking damit.

"Akin na 'yan." Ngumuso ako sa damit na hawak niya.

"Bakit ko ibibigay ang kasuotang ito, gayong ako na ang nagmamay-ari nito," pagmamatigas niya.

Tinaasan ko siya ng kilay, "Kailan pa naging sa'yo ang kasuotan na 'yan, ha? Mahiya ka naman sa sinasabi mo, binibini."

"May nagmamayari na po sa kasuotan na iyan Señorita Victoria, kaya hindi niyo po ito pwedeng kunin," segunda naman ni Lusiya.

Nagsimulang magbulungan ang mga kababaihang naroroon. Kaniya-kaniyang komento ang mga ito, pero ang bruha hindi natinag at patuloy sa pagmamatigas.

Pilit niyang kinukuha sa'kin ang kaniyang braso, "Wala kang karapatan para hawakan ako!"

"Karapatan?" Ngumisi ako ng nakakaloko na ikinagulat niya.

"Hindi ba dapat ako ang magsabi niyan sa'yo?
Wala kang karapatan para manakit ng kapwa natin, at wala kang karapatan para angkinin ang isang bagay na kailanman ay hindi mapapasaiyo!" Lumubog ang mga daliri ko sa braso niya na halos ikapilipit niya sa sakit.

Mula sa gilid ng aking mata kita ko ang paglapit ng kaniyang mga alipores, pero hindi ito natuloy dahil binigyan ko ito ng matatalim na titig. Muli kong ibinalik ang aking atensiyon sa babaeng ito, saka pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Prominenteng tao kaso basura ang ugali. Mga taong mahilig manakit ng kapwa dahil nakakataas at nabibilang sa makapangyarihang pamilya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 26, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

La Dama del PasadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon