Capítulo 16 - Rafael at Gabriel

328 50 269
                                    

"Sa kabila ng kasamaan ng isang tao, may natitira pa rin kabutihan sa puso nito."

- Isabelle Louise Flores

*****

"Gaano katagal kami maghihintay? Isang linggo, buwan o taon?" Halata sa mukha ni Diego ang pagkadismaya nang malaman niyang walang balak si papa na tumulong sa amin.

"Gawin mo na lamang ang nais ko, Diego. Mas nakakabuting magtago muna kayong dalawa pansamantala, habang hinahanapan ko pa ng paraan kung paano ko kayo maibabalik sa present time," aniya ko na humalukipkip sa kaniyang harapan.

Seryoso niya lang ako tinignan at binigyan ko siya ng isang makahalugang ngiti na dapat niyang sundin ang aking sinabi.

"Anong pinaggagawa niyo diyan?" Sabay kaming  napalingon sa may bintana kung saan sinisita ni Mang Kanor ang mga kalalakihang nagkukumpulan sa labas ng bintana.

"Anak ng pating," usal ni Diego ng makita silang kumaripas ng takbo habang ako ay natatawa, para silang mga bata na pinapagalitan ng kanilang ama.

Napasilip naman si Mang Kanor sa amin at sumilay ang kaniyang ngiti. "Kayo pala Binibining Isabelle, paumanhin sa kanilang inasal."

"Wala po iyon," masigla kong tugon at muli siyang nagpatuloy sa kaniyang ginagawa.

"Tsk, ibang klase ka din. Paano mo nagawang paamuhin ang masungit na matandang iyon," saad ni Diego na hindi makapaniwala sa kaniyang nasaksihan.

Si Mang Kanor ang kanilang mang-gagamot sa grupong ito. Kilala din siya sa pagiging masungit at strikto na siyang sabi ng mga kalalakihan dito.

Naging katuwang ko siya  kanina nang asikasuhin namin ang sugat ng mga bilanggo at ni Valdez. Sa una pa lang nahalata ko na ang pagiging masungit niya, pero 'di kalaunan naging mabait din siya sa akin, bagay na ikinataka ko rin.

"Hindi ka lang siguro marunong maglambing sa matanda," nakangisi kong tugon.

"Kahit na, iba talaga ang tungo niya sa aming lahat maliban kay Ginoong Rafael at saiyo." Nagkibit balikat na lamang ako sa sinabi ni Diego.

"Siya pala anong balak mo? Ngayong nakita na nila ang iyong mukha at alam na rin nila ang pangalan mo. Paano kung malaman nila na is--"

"Sa ngayon hindi ko pa alam, kaya wala kang  sasabihin na kahit ano sa kanila," putol ko sa kaniyanh sasabihin. Wala din naman kasi akong pakialam kahit malaman nila kung sino ako, ang iniisip ko ngayon ay kung paano ko masosolusyunan ang problema ko kela Diego.

"Kung gano'n maging handa ka Flores, sa mga posibilidad na pwedeng mangyari," seryosong saad niya.

"Na ano? Na baka balikan ako ng grupong ito dahil nalaman ko ang kanilang kuta?"

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Maari kang alukin ng aming pinuno na umanib sa kanilang samahan."

Tinaasan ko siya ng isang kilay, marahil tama siya at sigurado hindi rin ako tatantanan ng grupong ito kapag nalaman nila ang tunay kong pagkatao. Lalo na nang malaman ko pa na ang  kanilang pinuno ay walang iba kundi si Rafael.

Sumilip si Diego sa bintana bago humarap muli sa akin. "Hindi ko sinasadyang narinig ang kanilang usapan, naghahanap si Ginoong Rafael ng mga taong tutulong at aanib sa kaniya. Mukhang may kinalaman ito sa balak niya laban sa Gobernador Heneral," pabulong niyang sabi na halos ako lang ang nakakarinig.

"Base na rin sa nakita ko kanina, mukhang interesado si Ginoong Rafael sa pagkatao mo," dagdag pa niya.

"Paano mo naman nasabi iyan?"

La Dama del PasadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon