Capítulo 14 - Sumpa

383 76 191
                                    

"Ang kabaitan ay hindi isang krimen,
ngunit kung minsan ginigising nito ang
kahinaan at kasakiman sa iba."

- Don Roman Flores

*****


Padilim na ang buong kalangitan, kaya marami na rin akong nakikita na nagliligpit at nagsasara na ng kanilang mga tindahan. Kaliwa't kanan na rin ang mga taong naglalakad para makauwi sa kani-kanilang tahanan.

Samantalang ako, heto tahimik at nagmamadaling umuwi na nang bahay. Gustuhin ko man bilisan ang aking paglalakad ay hindi ko magawa, dahil hanggang ngayon kasama ko pa rin ang lalaking ito.

May naririnig akong bulong-bulungan sa paligid at napapatingin pa sa akin. Sino ba naman kasi ang timang, ang maglalakad sa kalsada na may saklob ng kumot sa buong katawan, kulang na lang ata kama at unan.

Hay! Napapabuntong hininga na lamang ako sa nangyari, hindi ko rin ito pwedeng alisin, dahil nabahiran ng dugo ni Salvador ang aking damit at ang lalaking ito ang gumawa ng paraan para lang matakpan ito.

"May bumabagabag ba saiyo, Binibini?" malumanay niyang tanong sa'kin.

Kasabay ko nga pala itong maglakad, ngunit hindi ko na siya inimikan.

"Hindi ko lubos maintindihan kung bakit ka hinahabol ng mga tulisan na iyon, maliban na lamang kung isa kang espiya ng pamahalaang Espanya," saad niya sa mahinang tono at napatigil ito sa paglalakad.

Napatigil din ako sa sinabi niya. Ako isang espiya? Tapos tinawag pa niyang tulisan ang mga iyon, parang may mali ata sa sinasabi niya.

"Huwag kang magalala, wala akong pagsasabihan tungkol dito. Batid ko na nahihirapan ka rin sa iyong sitwasyon," dagdag pa niya, na parang sigurado na siya na isa nga akong espiya.

Napapailing ako, Mali ang kaniyang iniisip, hindi ako espiya at lalong hindi tulisan ang mga lalaking iyon!

Humarap ako sa kaniya at muling nagtama ang aming mga mata. Hindi ko maiwasan na mahipnotismo sa kanyang mga titig, ang mga mata niyang nangungusap. Bumaba ang aking paningin sa kaniyang mga labi at napalunok ako ng wala sa oras. Naalala ko tuloy ang nangyari kanina.

_____

"Huwag kang maingay," mahina ngunit kalmado niyang bulong sa aking tainga. Doon pa lang ay napatigil na ako, kilala ko ang boses na iyon.  Siya yung antipatikong lalaki kanina.

Narinig namin na tumigil ang mga lalaking humahabol sa akin sa tapat ng aming pinagtataguan, at naramdaman ko na humigpit pa lalo ang pagkayakap niya sakin mula sa aking likuran.

Aaminin ko nakaramdam ako ng kakaiba sa ginawa niyang iyon, "Parang nangyari na ito," isip ko.

Binitawan niya lamang ako, nang mapansin namin na umalis na ang mga lalaking humahabol sa akin, at pareho pa kaming napahinga ng malalim.

Bigla akong lumingon sa kaniya, at sa hindi inaasahang pangyayari nahalikan ko siya sa kaniyang labi. Pareho kaming nabigla at hindi ko sinasadyang naitulak siya ng malakas, kaya napaupo siya sa sahig, habang ako'y mabilis na tumayo at tumalikod.

Napahawak ako sa aking mga labi, siya ang unang lalaking humalik sa akin, ay mali pala, ako nga pala ang humalik sa kaniya! Gusto kong sapukin ang aking sarili, bakit kasi napaka-careless mo Isabelle!

"A-ayos ka lang ba, Binibini?" Nauutal niyang tanong sa akin.

Hindi ko siya sinagot, nakaramdam ako ng hiya sa nangyari. Mariin akong napapikit at pinaypayan ang sarili gamit ang aking mga kamay. Bakit parang uminit ata?

La Dama del PasadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon