Note One: The Notebook

1K 26 0
                                    

####################################

Note One: The Notebook

####################################

ALEXYS POV

Nag ring na ulit ang bell.

Senyales na ng lunch time.

Tulad ng nakagawian, dumerecho ako sa library.

Nakasanayan ko na kasing matulog dito o kaya magbasa ng libro tuwing lunch time.

Wala naman kasi akong kaibigan na makakasama ko eh.

Wala kasing gusto kumausap sa akin.

Siguro, dahil mahirap daw akong kausapin.

Hindi kasi ako palasalita masyado. Kaya naiisip ng iba, hindi ako interesado sa mga pinaguusapan nila.

Pero ang totoo nun, gustong gusto ko makipagusap sakanila.. makipagkwentuhan.

Gustong gusto kong magkaroon ng kaibigan.

Hindi naman pangit ugali ko. Naliligo naman ako araw araw.

Ewan ko ba kung bakit ganun.

Pinanganak na siguro akong maging loner.

Katulad nang nakagawian, tumatambay ako sa library tuwing lunch.

Hindi naman ako nagugutom masyado dahil kinakain ko na agad ang panglunch ko tuwing Recess.

Umupo ako dun banda sa pinakadulo ng library, yung tipong walang makakapansin sa akin.

Oo nga pala. Kahit pala saan, walang makakapansin sa akin.

Maya maya'y napansin ko ang isang black na notebook na nahulog sa may gilid ng table. Hindi mo agad ito mapapansin dahil nakasiksik sya in between sa table at wall.

Tinignan ko kagad kung kanino ito. Kaso walang nakalagay na pangalan.

Mukha namang ang may ari nito ay isa sa mga Seniors kasi yung nakalagay sa notes eh tungkol sa Social Studies 4.

Dahil may hawak akong ballpen, ewan ko ba't bigla kong naisipang magsulat sa notebook na yun.

(Dear Owner, whoever you are. Naiwan itong notebook nyo po dito. Nahulog sya sa may gilid ng table, sa sulok.. kaya kinuha ko. Haizt...)

Napabuntong hinga ako pagkatapos isulat ito.

Napasilip ako bigla sa labas ng bintana na nasa gilid ko.

Tanaw ko mula sa bintana ang mga classmates ko na nagkukumpulan, nagtatawanan sa may school ground.

Nakakainggit. Ito talaga ang nararamdaman ko.

Ang saya saya nila.

Lahat sila may kanya kanyang grupo na pwedeng makakwentuhan at pwede kang makipagtawanan.

Gusto ko din sana magkaroon ng kaibigan. Kahit isa lang sapat na sakin.

Kaso, nakakalungkot... wala eh.

Hindi naman sa hindi ko sinubukan makipagkaibigan.

Sinubukan ko.

Kaso ayaw nila ako kasama kaya wala na akong magawa sa parteng yun.

Hindi kasi ako magaling magdamit. Hindi ako mahilig sa make up. Hindi din ako mahilig sa sports and music. In short, wala akong kahilig hilig kung hindi magbasa ng libro.

(...Ano ba ang feeling na may kaibigan? Masaya ba? Haizt. Pasensya na kung nagsulat uli ako sa notebook mo. Wala kasi ako makausap kaya idadaan ko na lang sa sulat.)

My Notebook Friend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon