"Kasi dati hanggang sa balikat lang kita pero ngayon nasa isip na kita."
Ang lapit nya sakin. Iniwas ko ang tingin ko dahil feeling ko ang pula pula ng Mukha ko.
"S-san tayo pupunta?"-pag-iba ko ng topic.
Waaaah! Bella, what's with you. Bakit nauutal ka? >////<
Naramdaman ko naman na inalis ni Matteo ang mga kamay nya sa kamay ko. "Sa Playground malapit dito. Meron diba?"
Tumango ako. Subdivision kasi ang lugar kung saan kame nakatira.
Nagsimula na kame ulit lumakad.
"Natahimik ka ata?"
"Wag mo nalang ako pansinin, kausapin mo muna yung hangin." sagot ko ng hindi sya nililingon, feeling ko talaga ang pula ng mukha ko >_<
Nakarating na kame sa playground. Dumaretso ako sa swing at umupo. ganun din sya, sa magkatabing swing kame pumunta.
"Matteo?" Di ko pa din sya nililingon, nakatingin ako sa malayo. Kung saan kahit pagabi na ay may naglalaro paring mga bata.
"Oh?" sagot nya saken.
Ngumiti ako habangg nakikita ang mga batang naglalaro. Isang Lalake at isang babae.
"May kababata ka ba?" Doon ay nilingon ko na sya, Naka-tingin din sya sa mga batang naglalaro.
"Kababata?" Medyo matagal syang nag-pause bago sumagot "Wala."
"Parehas tayo. Si Kuya ang kasama ko lumaki eh, madalas dito kami naglalaro. Nakaka-miss din palang maging bata no?"
Tumango sya.
"Siguro naman may kalaro ka nung bata?"
Tumango lang sya ulit. Ang tahimik -___________-
"Gusto mo maglaro?" Out of the blue kong sabe.
Liningon nya ako. "Sige, mag-laro tayo ng kahit ano, basta wag lang taguan."
"Hala. Bakit?" Mas Bet nga yun eh Favorite ko pa man din yun.
"Kasi, Mahirap hanapin ang isang tulad mo"
........................................
Me: O/////O
Sya: ^______^
Bigla syang tumawa ng malakas.
*PAK*
"HOY! Para saan yun?"-sya
Nabatukan ko kasi ng di sinasadya >//<
Shockings. Sorry naaaa..
"Ikaw kasi eh! Anu ba yang pinagsasabi mo?"
"Di ka naman slow para di malaman ang sinasabi ko. -______-"
"Eh para saan naman yan?"
"Tss.."
"Ano na??"
"October 10 na."
"October10 na??? O__O"
Tumango sya sakin. "Bakit?"
Woah! So nasa three weeks nadin pala kameng In a relation? OhMyGDRAGON!
"A-ah! Wala, Birthday kasi ni Suzy Bae, kilala mo?" Pagpapalusot ko.
Di nya ba matandaan? *pouts*
"Ahh. Oo kilala ko. Wait. Bakit ka naka-pout?"
Napa-blink naman ako. Ngumiti ao sa kaya. "Ah wala wala.."
[A/N: Si Suzy Bae po ay member ng MissA, isang KPOP Girl group sa South Korea. Hehe. Fangirl ako nun eh <3]
"Matt!"
Napatigil naman kami sa pag-uusap ng marinig ang isang boses.
Sabay kaming tumingin sa nagsalita at nakita ko ang isang babae na hanggang balikat ang buhok..
"Sino sya.." Bulong ko
Lumapit sya samin "Hi.." Bati nya sakin.
"Hi.." Bati ko naman sa kanya. Ang cold ng boses nya.
"What do you want?"-Matteo
"We need to talk.." Nakatingin sya kay Matteo at biglang tumingin sakin "Just the two of us.."
"Oh. Ah. Maiwan ko muna kayo ah.." Naglakad ako palayo
Pero.. Hinila ako ni Matteo.
"Kaya mo naman sabihin na nandito ang girlfriend ko diba? Sunny.."
Sunny? So yun pala ang name nya..
"Fine. But after saying this. Wag mo ako sisihin. Ok.."
Napa-lunok ako bigla. Ano naman kaya ang sasabihin nya? Shemayy.. Kinabahan ako bigla..
Napa-tingin ako kay matteo na hanngang ngayon ay hawak ang kamay ko..
Seryoso sya..
Sino ba itong si Sunny...
"Matt.."
Napatingin ulit ako kay Sunny na nakatingin lang kay Matteo.
"Kristine is in the Hospital.." Napa-tingin sya sa baba.. "She attemt to kill herself.."
Napa-bitaw ng hawak sa kamay ko si Matteo.. Tinignan ko sya na gulat na gulat..
"She wrote this before that incident.."
May inabot na papel si Sunny sa kanya.. Hindi inaabot ni Matteo kaya parang sa akin nalang binigay ni Sunny..
"That's what I want to say.. She's in ****** Hospital, in case you want to go.."
Pagkatapos nang mga sinabi nyang iyon ay umalis na sya..
BINABASA MO ANG
Childish + Mature = SyntaxError
Genç KurguKapag ang Lalaki may Crush pwede LIGAWAN. Pero kapag Babae may Crush HANGGANG TINGIN LANG. There this Girl who have a Crush on her Brother's Friend. At iyon din ang dahilan kung bakit naging Close sila. What if Paglaruan sila ng Tadhana? Will it cau...