SCARLETT
(Still Flashback)
"Argh!" Inis kong dinampot sa side table ang alarm clock ko at binato kung saan. Tsk, inaantok pa ako. At sobrang sakit ng ulo ko!
"Goodness carlett, pang-ilang alarm clock mona 'yan? Kailan kaba matututong mag-patay ng alarm clock ng maayos? Hindi 'yung pinapatay mo gamit ang pag bato!" Dumilat agad ako ng marinig ko ang boses ni sab, What is she doing here? Dahan dahan akong umupo. D*mn, ang sakit ng ulo ko.
"Here.. inumin mo 'to para mawala yang sakit ng ulo mo. Nag-paluto rin ako sa chef niyo ng soup para mawala ang hang over mo." That's it. Dahil sa mga sinabi ni sab. Naalala ko lahat ng nang-yare kagabi. Naglasing nga pala ako, tapos may mga nabangga na mga lalaking panget, 'tapos yung lalaking tumulong samin, Wait...Bumaling agad ako kay sab. Hindi alintanan ang baso ng tubig at gamot na hawak nito.
"Sab, 'yung tumulong ba satin kagabi na lalaki gwapo?" Kitang kita ko ang pag irap nito sakin. Aba't iniirapan na ako ng babaeng 'to?! "Tigilan mo ang pag-irap sabrina, Baka dukutin ko 'yang mata mo. So ano? Gwapo ba?"
"Siguro?.." Ano daw?
"Anong siguro? Hindi mo ba nakita ang mukha? Bakit hindi ka sigurado?" Naiinis kong sabi sa kanya. H'wag niyang sabihin na nahihiya siya kaya hindi niya tinignan ang mukha nung stranger na'yon?
"Naka-sumbrero 'yung lalaking tumulong satin. Hindi ko makita ang mukha." Tsk, ano ba 'yon! Wait, baka alam niya yung name?
"How about his name? Tinanong mo?" Mas lalo akong nainis dahil sa pag iling niya! Ano ba naman 'tong si sab!
"Hindi ko natanong dahil nung time na itatanong ko sana, bigla nalang siyang umalis ng walang sabi matapos kang mailapag sa kama mo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni sab, mailapag sa kama ko?
"Mailapag sa kama ko?...so means..Pumunta siya dito?!" Tumango tango si sab.
"Hinatid niya tayo dito."
"What?! Bakit pumayag ka? Paano kung masama rin pala ang lalaking 'yon? Paano kung umaarte lang pala? Pag-ganyan wag kang papayag ok?" Minsan din talaga 'tong si sab! Amp.
"Pero tinulungan naman kase niya tayo sa mga kalalakihan kagabi. And remember, hindi tayo makakauwi kung nag-kataon dahil hindi ako marunong mag drive. Ayoko rin naman mag taxi lalo na sa lagay mo kagabi, baka mas lalo tayong mapahamak kung nag-kataon." Tsk, oo nga pala. Sa susunod nga tuturuan kona mag drive ang babaeng 'to. Kung hindi man, ipapasok sa driving school!
"So siya ang nagdrive at naghatid satin dito. Pero bakit siya pa ang nag-buhat sakin papunta dito sa kwarto ko? Nasaan sila jose? Mang lito? Si butler lim?" Wala bang tao kagabi dito? Bakit 'yung lalaking stranger pa ang pinag-buhat nila sakin? God!
"Si jose na dapat ang magbubuhat sayo kagabi, kaso sabi nung lalaking tumulong satin na siya ng bahala e. Wala rin naman kaming nagawa." Napasandal nalang ako sa headboard ng kama. Sino kaya yung lalaking 'yon? Muling inabot sakin ni sab ang tubig at gamot. Matapos kong mainom, kunot noo akong nag-tanong sa kanya.
"Anong oras na ba? Bakit nandito kapa? Hindi ka pumasok?" Umiling ito at nilapag sa side table ang baso.
"Wala tayong prof sa unang klase, ang susunod naman na oras bakante natin. So, afternoon class na ang susunod. makakahabol pa tayo."
Tumango tango ako, Good. Gusto ko pang matulog.
*******
Nagmamadali kaming maglakad ni sab patungo sa room namin. Napasarap ang tulog ko, kaya eto para kaming ewan ni sab na lakad takbo ang ginagawa. Afternoon class na nga late pa din. Mygod!
BINABASA MO ANG
My Personal Bodyguard (Completed)
HumorPaano kung bigla ka nalang magkaroon ng personal bodyguard na ubod nang yabang, suplado,badboy pero higit sa lahat...Ubod naman nang gwapo? Makakaya mo kaya 'yon sa araw-araw mong buhay? Sunod ng sunod sayo kung saan ka pupunta, hahatakin ka nalang...