SUNDAY
Sabrina's POV
"Sab, pwede ikaw nalang sumama sa kanila? Hindi ko talaga trip 'to eh!" bulaslas agad ni Pol habang pababa ng kotse.
Well, na uto nanaman ako ni Carlett na samahan siyang mag mall ngayon. It's sunday so ano pa nga ba? Shopping day para sa kaniya. At ngayon, sinama niya pa si Raeden na alam niya naman na hindi magkasundo itong dalawa!
Nandito kami sa Glorrietta park. As usual, dito ang paboritong bilihan ni Carlett ng mga gamit niya kaya ito, hirap akong pilitin si Pol na samahan ako.
"Pol naman please, ayokong maging 3rd wheel doon! Samahan muna ako pleaaaasseeee!" pagmamakaawa ko sa kaniya. Ayoko talaga na maging 3rd wheel 'nanaman' kila Raeden at Scarlett. Noon paman 3rd wheel na ako, hanggang ngayon padin?!
"Bahala sila sa buhay nila! Ikaw nalang sumama d'on, dito nalang ako sa kotse." giit pa ni Pol.
"Libre kita pagkain?!"
"Ayoko!" (Pol)
"Ehhh! Kasama na drinks d'on!"
"Ayoko nga!!" (Pol)
"Sige pati dessert??"
"Ay ang kulit Sabrina! Ayoko nga eh!" (Pol)
"Pol naman kasi!!! Ang awkward kaya na ako lang d'on! Sige na naman Pol oh!!!" muling pilit ko sa kaniya.
Kanina pa kami si dito sa parking lot dahil ayaw niya talagang sumama. Lahat nalang sinubukan kona. Hindi ko naman pwedeng suhulan 'to dahil alam kong hindi niya tatanggapin. Ano pa ba kasi ang pwede kong gawin para—oh my god! Alam kona!
"Oh my god Pol!!! Si Scarlett!! Binastos daw d'on!!!" biglang sigaw ko sa kaniya habang naka hawak sa cellphone. Syempre kasama 'yan sa acting.
"ANO?!! SAAN?!! SAAN SILA SAB?!!" pag papanic niyang tanong.
"Shit!! Sa may restaurant area daw! Dali na at baka—"
Hindi kona natapos ang sinasabi ko dahil bigla nalang umalis si Pol sa harap ko at halatang nag mamadali! YES!! Ang talino ko! Hahahaha!
"Pol wait! Hintayin mo'ko!" sigaw ko habang hinahabol ang hakbang niya.
Hindi nag tagal ay narating na namin ang restaurant area. Ang daming tao at hirap kaming makadaan pero wala! Walang pakialam si Pol kahit na babangga niya pa ang iba. Sa totoo lang, kinakabahan na ako dahil baka magalit siya kapag nalaman niyang nag aacting lang ako my Lord!!
"P—Pol? Uhm—siguro wag nalang tayo—"
"Ayun sila!! Tara Sab, bilis!!" sigaw niya sabay hila sa'kin. Jusko grabe naman ang radar nito kapag si Scarlett ang pinaguusapan. Nahanap niya agad?!!!
Agad niya akong binitawan nang malapit na kami kila Scarlett at Raeden. Naka tayo silang dalawa at parang pumipili ng kanilang kakainan.
Biglang sumulpot nalang si Pol sa likod ni Scarlett at bigla niyang hinawakan ang magkabilang balikat nito. My god! Parang mapapatay ako nito mamaya ah?!
BINABASA MO ANG
My Personal Bodyguard (Completed)
HumorPaano kung bigla ka nalang magkaroon ng personal bodyguard na ubod nang yabang, suplado,badboy pero higit sa lahat...Ubod naman nang gwapo? Makakaya mo kaya 'yon sa araw-araw mong buhay? Sunod ng sunod sayo kung saan ka pupunta, hahatakin ka nalang...