Sabrina's POV
"SANDALI!! BAKIT GANIYAN ANG MUKHA NIYA?!! SANDALI!!!"
Biglang kaming nabulabog sa loob ng interrogation room nang may nag sisigaw sa labas.
Nandito parin kasi kami dahil pinapatahan pa namin si Scarlett sa kakaiyak. Parang mababaliw na siya sa nangyayare. Lalo pa nang malaman niya na ang mommy niya pala ang dahilan kung bakit kinulong si Pol.
Kahit ako ay gulong-gulo kung bakit nagawa ni tita na ipakulong ang tanging bodyguard nila???
"LEX, KALMA PRE!! KALMA LANG!!"
Noong marinig ko nag salita sa labas ay nag madali akong puntahan sila. Sigurado akong si Bishop at Alex na'yon.
Pag labas ko ay mas lalo akong nagulat dahil inaawat na si Alex ni Bishop dahil nag wawala na itong malapitan si Pol.
Agad ko siyang nilapitan at niyakap.
"What happen?! Lex, relax!! Tama na!" pag awat ko sa kaniya.
"They can't do that to him!! Tingnan mo naman ang kalagayan niya?! Sana binihisan manlang nila siya!!" sagot niya sa'kin tapos hinarap niya nanaman ang pulis na naka hawak kay Pol. "HOY! SANDALI!!" dagdag niya sabay hubad ng kaniyang Polo Shirt ay lumapit sa kanila.
"Wag kang mag gulo dito ser ha! Binabalaan kit—"
"Humanda kayo kapag napatunayan kong tinorture niyo siya!! Humanda talaga kayo!!" singit ni Alex sa pulis.
Sa totoo lang ay ngayon ko palang siyang nakitang ganito kagalit. Siya ang taong laging tahimik at kung hindi mo kakausapin ay hindi ka talaga papansinin.
Pinunit niya ang damit ni Pol na sira-sira at pagkatapos ay sinu-ot niya ang Polo niya kay Pol.
"I will get you out!! I promise!! Tatawagan ko si Daddy, pre! Ilalabas kita mamaya!" saad nito kay Pol.
Na alala ko na Abugado pala ang father ni Alex kaya niya siguro nasabi 'yon.
"Tama na pre, ayos lang ako dito, ano kaba?! Psh! Kilala niyo naman ako!" sagot lang ni Pol tsaka pumaling siya kay Bishop. "Paki tawagan si June. Sabihin mo puntahan niya ako. May ipagagawa ako sa kaniya." saad niya naman kay Bishop.
"S—Sige pre. Tatawagan ko siya." sagot naman ni Bishop at halatang hindi rin mapakali sa kalagayan ng kanilang kaibigan.
Pagkatapos niyang kausapin si Bishop ay ako naman ang hinarao niya.
"Balitaan niyo ako kay ser Tony." seryoso niyang saad sa'kin.
"Y—yes, Pol." pag uutal ko. Kahit ako ay parang kinakabahan sa pananalita niya. Parang hindi ako kampante na basta!
Ngumiti lang siya sa amin at agad narin tumalikod. Noong tumalikod siya ay doon kona na pansin ang mga sugat niya sa likod. Nangingitim na parang nasunog. Anong nangyare d'on?!
"Mygod!! What the hell did they do to him?!!" (Allison)
Ilang sandali pa ay lumabas na si Scarlett at Allison sa opisina. Pa punas-punas pa siya ng luha niya pero noong makita niya si Pol na papasok sa isang selda ay muli nanaman siyang na iyak! Tsk!
BINABASA MO ANG
My Personal Bodyguard (Completed)
HumorPaano kung bigla ka nalang magkaroon ng personal bodyguard na ubod nang yabang, suplado,badboy pero higit sa lahat...Ubod naman nang gwapo? Makakaya mo kaya 'yon sa araw-araw mong buhay? Sunod ng sunod sayo kung saan ka pupunta, hahatakin ka nalang...